LTO Boac District Office

LTO Boac District Office The Official Page of the Land Transportation Office (LTO) - Boac District Office, Boac, Marinduque.

πŒπ†π€ π‹π”πŒπ€ππ€π† 𝐍𝐀 π€π‚π‚π‘π„πƒπˆπ“π„πƒ πŒπŽπ“πŽπ‘π‚π˜π‚π‹π„ 𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐄𝐑𝐒, ππˆππ€ππ€π†πŽπ“ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πŸ‘πŸ• ππˆππ€π†πŒπ”π‹π“π€, πŸ‘πŸ— π’πˆππ”π’ππˆππƒπ„, 𝟏𝟐 πŠπˆππ€ππ’π„π‹π€ 𝐀𝐍𝐆 π€πŠ...
06/08/2026

πŒπ†π€ π‹π”πŒπ€ππ€π† 𝐍𝐀 π€π‚π‚π‘π„πƒπˆπ“π„πƒ πŒπŽπ“πŽπ‘π‚π˜π‚π‹π„ 𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐄𝐑𝐒, ππˆππ€ππ€π†πŽπ“ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πŸ‘πŸ• ππˆππ€π†πŒπ”π‹π“π€, πŸ‘πŸ— π’πˆππ”π’ππˆππƒπ„, 𝟏𝟐 πŠπˆππ€ππ’π„π‹π€ 𝐀𝐍𝐆 π€πŠπ‘π„πƒπˆπ“π€π’π˜πŽπ 𝐀𝐓 πˆπ’πˆππ€πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐒𝐀 ππ‹π€π‚πŠπ‹πˆπ’π“πˆππ†
Bilang pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga paglabag sa proseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan, inanunsyo ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa ginanap na "Kwentuhan with the LTO Chief" ang pagsisimula ng pagpapatupad ng mga kaukulang parusa laban sa mga accredited motorcycle at car dealers na napatunayang hindi tumupad sa itinakdang proseso ng initial registration.
Ang hakbang ay kasunod ng mga isinagawang pagdinig sa mga Show Cause Order (SCO) na naunang inilabas ng LTO laban sa mga accredited motorcycle at car dealers na naharap sa mga reklamong may kaugnayan sa hindi pagsunod sa itinakdang panahon ng pagpo-proseso at paglalabas ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka.
Batay sa mga inilabas na resolusyon, 37 dealers ang pinatawan ng multa, 39 naman ang pinatawan ng β‚±500,000 multa at anim (6) na buwang suspensyon sa kanilang accreditation, habang 12 ang kinansela ang accreditation at isinailalim sa isang taong blacklisting dahil sa napatunayang paglabag sa mga umiiral na batas at regulasyon ng LTO.
Ang mga pinatawan ng multa ay ang mga sumusunod:
1. Premiumbikes – Novaliches, Quezon City
2. Wheeltek – Bagong Silang, Mandaluyong
3. Premiumbikes – Caniogan, Pasig
4. Premiumbikes – Sta. Maria, Bulacan
5. Premiumbikes – Lemery, Batangas
6. Premiumbikes – Bayambang, Pangasinan
7. Premiumbikes – Bacoor, Cavite
8. Exponent Konka – Western Bicutan, Taguig
9. Premiumbikes – Cainta, Rizal
10. Premiumbikes – San Roque, Quezon City
11. Premiumbikes – Malanday, Valenzuela
12. Premiumbikes – CDO, Misamis Oriental
13. Premiumbikes – Baliuag, Bulacan
14. Premiumbikes – Montalban, Rizal
15. Premiumbikes – Bustos, Bulacan
16. Premiumbikes – North Fairview, Quezon City
17. V8 Racer – Tonsuya, Malabon
18. Guanzon Merchandising – Bayambang, Pangasinan
19. Premiumbikes – Rodriguez, Rizal
20. Premiumbikes – San Roque, Cubao
21. Premiumbikes – Malanday, Valenzuela
22. Eversure Maxim – Malalom, Leyte
23. Premiumbikes – San Isidro, Quezon City
24. Premiumbikes Corp. – Malinta, Valenzuela
25. Wheeltek – Angeles, Pampanga
26. Premiumbikes Corp. – Malibay, Pasay
27. Rubi Grand Showroom – Panabo, Davao del Norte
28. Premiumbikes Corp. – Commonwealth, Quezon City
29. Premiumbikes Corp. – Tala, Caloocan City
30. Premiumbikes Corp. – Baliuag, Bulacan
31. Premium Corp. – North Fairview, Quezon City
32. Premium Corp. – Rodriguez, Rizal
33. HQ Enterprises – Bagong Silang, Caloocan
34. Magnacycle Corp. – San Mateo, Rizal
35. Iconic Dealership – BGC, Taguig
36. Toyota (Cubao) – San Roque, Cubao
37. Shaw Automotive – Pleasant Hills, Mandaluyong
Ang mga pinatawan naman ng β‚±500,000 multa at anim (6) na buwang suspensyon sa kanilang accreditation ay ang mga sumusunod:
1. Iconic Dealership – BGC, Taguig
2. Rizal Autozone – B.F. Homes, ParaΓ±aque
3. Wheeltek – Ma-a, Davao City
4. Wheeltek – Mexico, Pampanga
5. Exponent Konka – Western Bicutan, Taguig
6. Wheeltek – Timog
7. Wheeltek – Tiaong, Quezon
8. Maverick – Taytay, Rizal
9. Wheeltek – Pulilan, Bulacan
10. LGM Motorcycles – Palatiw, Pasig
11. Motoxpress – Talon Uno, Las PiΓ±as
12. Power Racer – San Miguel, Bulacan
13. DES Marketing – Caldaza, Tarlac City
14. V8 Racer – Jose Abad Santos, Manila
15. V8 Racer – Gumaoc East, SJDM
16. Wheeltek – Sta. Maria, Bulacan
17. ACT Corp. – Bambang, Nueva Vizcaya
18. HQ Enterprises – Bagong Silang, Caloocan
19. Motortrade – Bangued, Abra
20. Keymotors Inc. – Sampaguita, Iloilo
21. Gateway Motors (Cebu) Inc. – Camputhaw, Cebu
22. Yamaha 3S – Pleasant Hills, Mandaluyong
23. Motoxpress – Talon Uno, Las PiΓ±as
24. Premiumbikes – Bagong Silang, Caloocan
25. Motoxpress – San Gabriel, GMA, Cavite
26. Motoxpress – San Fernando, Pampanga
27. Freiburg Auto – Anabu I-D, Imus, Cavite
28. Motoxpress – Pamplona Uno, Las PiΓ±as
29. Mazda – Sta. Rosa, Laguna
30. Auto Zoomzoom – Magallanes, Makati City
31. Motoxpress – B.F. Homes, ParaΓ±aque
32. Vismotor – Remigio, Cebu City
33. Happytrip Motors – Don Bosco, ParaΓ±aque
34. Motortrade – Pardo, Cebu City
35. Global Star Motors – Apas, Cebu City
36. Freiburg Auto – Calamba, Laguna
37. Rizal Autozone – Binangonan, Rizal
38. Rizal Autozone – San Agustin II
39. Motoxpress – Shaw Blvd., Mandaluyong
Samantala, ang mga kinansela ang accreditation at isinailalim sa isang taong blacklisting ay ang mga sumusunod:
1. Wheeltek – San Isidro, Makati
2. Wheeltek – Pulilan, Bulacan
3. Maverick – Taytay, Rizal
4. Wheeltek – Timog
5. Wheeltek – Mexico, Pampanga
6. Power Racer – San Miguel, Bulacan
7. Motoxpress – Talon Uno
8. Honda Motor Sports – Olympia, Makati
9. Motoxpress – Talon Uno
10. Rizal Autozone – Double Tree
11. Motoxpress – Berzon Building
12. Motoxpress – Pamplona Uno, Las PiΓ±as
"Hindi nagtatapos sa pag-iisyu ng SCO ang aksyon ng LTO sa pagpapanagot sa mga accredited dealer na hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Hindi namin hahayaan na ang kanilang kapabayaan ay patuloy na magdulot ng abala at paghihirap sa ating mga motorista. Ang mga dealer na patuloy na hindi susunod sa mga patakaran ng LTO ay haharap sa mas mabibigat na parusa, kabilang ang pagpapatigil ng kanilang operasyon," pahayag ni Asec. Lacanilao
Binigyang-diin ng LTO na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon upang matiyak ang maagap na pagproseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan at mapanagot ang mga accredited dealer na hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na magsumite ng mga reklamo laban sa mga accredited dealer na lumalabag sa mga umiiral na regulasyon sa pamamagitan ng opisyal na page na Ireport mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maisagawa ang kaukulang aksyon at matiyak ang mabilis, maayos, at tapat na paghahatid ng serbisyo sa publiko.

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽIpinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan ...
06/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ
Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang LTO Central Office at mga tanggapan nito sa NCR, gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro, ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President.
Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga planong transaksyon at hintayin ang susunod na abiso hinggil sa pagpapatuloy ng regular na operasyon.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng LTO para sa iba pang mga update at manatiling ligtas sa gitna ng patuloy na masamang panahon.

05/08/2026

π“π€π“π‹πŽππ† π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π“π€π€ππ† π†π”πŒπ€π†π€πŒπˆπ“ 𝐍𝐆 π‡πˆππƒπˆ π€π–π“πŽπ‘πˆπ’π€πƒπŽππ† ππ‹πˆππŠπˆππ† π‹πˆπ†π‡π“π’, ππˆππ€πƒπ€π‹π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπ†π€ π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na naglabas ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng tatlong sasakyan matapos silang maaktuhang gumagamit ng mga hindi awtorisadong blinking lights habang binabaybay ang pampublikong kalsada.

Batay sa post na nakarating sa LTO, makikitang ang tatlong sasakyan ay gumagamit ng mga hindi awtorisadong blinking lights habang bumibiyahe sa pampublikong lansangan. Ang paggamit ng naturang kagamitan ay ipinagbabawal maliban sa mga sasakyang may kaukulang awtorisasyon alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Assec. Lacanilao ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at rehistradong may-ari ng mga sasakyan.

Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang pagkakakilanlan ng drayber at rehistradong may-ari ng mga sasakyan. Lumabas sa imbestigasyon na dalawa sa mga ito ay nakarehistro sa isang local government unit (LGU), habang ang isa naman ay nakarehistro sa isang pribadong indibidwal. Ang mga natuklasang ito ang nagsilbing batayan sa paghahain ng SCO laban sa kanila.

Inaatasan ang mga drayber at rehistradong may-ari ng mga sasakyan na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) sa itinakdang pagdinig upang magsumite ng mga kinakailangang dokumento at sinumpaang salaysay, at ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong Unauthorized/Unlawful Use of Blinkers at kung bakit hindi dapat suspendihin o tuluyang bawiin ang driver's license ng mga drayber batay sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Inalarma na rin sa rekord ng LTO ang dalawang sasakyang nakarehistro sa isang local government unit (LGU) at isang sasakyang nakarehistro sa isang pribadong indibidwal. Dahil dito, hindi muna maaaring iproseso ang anumang transaksyon kaugnay ng mga naturang sasakyan, kabilang ang pagpaparehistro at pagre-renew ng kanilang rehistro, hanggang sa tuluyang maresolba ang kasong kinahaharap.

"Ang batas ay iisa para sa lahat. Ang paggamit ng blinking lights ay pinahihintulutan lamang sa mga may kaukulang awtorisasyon. Patuloy kong titiyakin na ang bawat paglabag ay sasailalim sa kaukulang imbestigasyon at pananagutan alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon," ani Asec. Lacanilao.

Nananatiling nakatuon ang LTO sa mahigpit at patas na pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na paggamit ng blinking lights. Magpapatuloy ang ahensya sa pagsasagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mapangalagaan ang kaayusan sa lansangan at matiyak na walang sinuman ang makalalabag sa batas nang walang pananagutan. # #

05/08/2026

π‹πˆπ•π„: Kwentuhan with LTO Chief.

ππ‘πˆππ€πƒπŽππ† π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐍𝐀 πŒπ€π˜ πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐃 𝐀𝐓 𝐁𝐋𝐔𝐄 ππ‹πˆππŠπ„π‘π’, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒ...
05/08/2026

ππ‘πˆππ€πƒπŽππ† π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐍𝐀 πŒπ€π˜ πˆπ‹π„π†π€π‹ 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐃 𝐀𝐓 𝐁𝐋𝐔𝐄 ππ‹πˆππŠπ„π‘π’, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari at ang itinalagang driver ng isang pribadong sasakyan dahil sa ilegal na paggamit ng red at blue blinkers.

Makikita sa kumakalat na larawan na ang naturang sasakyan, na rehistrado bilang private motor vehicle, ay may nakakabit na red at blue blinkers habang ginagamit sa pampublikong kalsada. Kaugnay nito, agad na inisyuhan ng LTO ng SCO ang rehistradong may-ari at itinalagang driver nito.

Dahil dito, inatasan ang rehistradong may-ari at ang itinalagang driver na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa itinakdang pagdinig at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa kasong Unauthorized/Unlawful Use of Blinkers, gayundin kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang driver’s license ng driver dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Kasabay nito, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng driver at inatasang agad itong isuko sa tanggapan ng IID. Inilagay na rin sa alarm status ang naturang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

β€œAng red at blue blinkers ay hindi dekorasyon at lalong hindi maaaring gamitin upang magbigay ng maling impresyon ng awtoridad o espesyal na pribilehiyo sa lansangan. Ang sinumang mahuhuling gumagamit nito nang walang kaukulang awtorisasyon ay pananagutin ng LTO alinsunod sa umiiral na batas at mga regulasyon,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang publiko na ang red at blue blinkers ay nakalaan lamang para sa mga sasakyang may legal na awtorisasyong gumamit nito. Tinitiyak ng ahensya na magpapatuloy ang mahigpit at patas na pagpapatupad ng umiiral na mga batas at regulasyon upang mapanagot ang sinumang mapatutunayang lumalabag at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga lansangan.

05/08/2026

πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐍𝐀 ππ€ππˆππ€ 𝐀𝐓 ππ€π†π“π”π‹π€πŠ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽππ† ππ€πŠπ€π‡π€π‘π€ππ† 𝐒𝐀 ππ€π‘πŠπˆππ† 𝐀𝐑𝐄𝐀 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 π‘π„π†πˆπŽπ 𝟐, ππˆππ€πƒπ€π‹π‡π€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐍𝐆 π’π‚πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa kautusan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na naglabas ang ahensya ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber at rehistradong may-ari ng isang sasakyan matapos mag-viral ang video ng marahas na paninipa at pagtutulak sa mga motorsiklong nakaharang sa parking area ng isang paaralan upang makalabas ang sasakyan ng sangkot na drayber.

Batay sa viral video na in-upload sa page ni "Eugene Carl Viernes," makikitang palabas ng parking area ng isang paaralan sa Cagayan Valley Region ang naturang sasakyan nang sipain at itulak ng drayber ang mga motorsiklong nakaparada na nakaharang sa kanyang daraanan. Bunsod ng kanyang marahas na aksyon, natumba ang ilang motorsiklo.

Kaugnay nito, inatasan ni Asec. Lacanilao ang Intelligence and Investigation Division (IID) na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang posibleng paglabag ng drayber at ng rehistradong may-ari ng sasakyan. Sa isinagawang imbestigasyon, natukoy ang rehistradong may-ari ng sasakyan, na naging batayan sa paghahain ng SCO laban sa kanila.

Inaatasan ang drayber at ang rehistradong may-ari ng sasakyan na humarap sa tanggapan ng IID sa itinakdang pagdinig, upang magsumite ng mga kinakailangang dokumento at sinumpaang salaysay, at ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o tuluyang bawiin ang driver's license ng drayber dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

"Ayaw kong makakita ng ganitong klaseng asal sa kalsada o kahit sa parking area. Kung may problema, huwag nating idaan sa init ng ulo o marahas na aksyon. Bilang mga motorista, responsibilidad nating igalang ang kapwa at pairalin ang disiplina sa lahat ng oras,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Samantala, muling tiniyak ng LTO na mananatili itong mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko at agad na kikilos laban sa mga iresponsableng motorista. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na iulat ang mga kahalintulad na insidente upang agad na maimbestigahan at mapanagot ang mga lalabag sa batas, bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga lansangan.

05/08/2026

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Matapos ang isinagawang pagdinig at masusing pagsusuri sa kaso, binawi na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver's license ng rider na napatunayang lumabag sa Disregarding Traffic Signs at idineklarang isang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Batay sa viral na video na naging bahagi ng imbestigasyon, makikitang huminto ang rider sa gitna ng isang intersection, bumaba sa kanyang motorsiklo upang paabantehin ang ibang motorista sa kabila ng pulang traffic light, at nagpakita ng hindi angkop at agresibong pag-uugali laban sa isang motoristang tumangging lumabag sa traffic signal.

Ang pagpapawalang-bisa sa driver's license ng rider ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng LTO ng mahigpit na pananagutan laban sa mga motoristang lumalabag sa batas-trapiko at nagsasagawa ng mga kilos na naglalagay sa panganib sa kaligtasan at kaayusan ng mga gumagamit ng kalsada.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa unang inilabas na press release kaugnay ng kasong ito, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/v/1BmzSzf4VP/

πŒπ€ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐍𝐀 ππ€π†π’π€π’π€πŠπ€π˜ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π’π€π‡π„π‘πŽ 𝐒𝐀 π‚π€π‘π†πŽ 𝐁𝐄𝐃, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π...
04/08/2026

πŒπ€ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐍𝐀 ππ€π†π’π€π’π€πŠπ€π˜ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π’π€π‡π„π‘πŽ 𝐒𝐀 π‚π€π‘π†πŽ 𝐁𝐄𝐃, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Muling naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang sasakyan matapos kumalat ang isang video na nagpapakita na ang naturang sasakyan ay bumibiyahe sa pampublikong kalsada na may maraming pasaherong nakasakay sa bukas na cargo bed, isang gawaing mahigpit na ipinagbabawal dahil sa panganib na idinudulot nito sa kaligtasan ng mga sakay.

Sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang Intelligence and Investigation Division (IID) upang matukoy ang sangkot na sasakyan at alamin ang mga posibleng paglabag na maaaring kaharapin ng rehistradong may-ari at drayber nito.

Dahil dito, inaatasan sila na humarap sa tanggapan ng IID sa itinakdang pagdinig at magsumite ng sinumpaang paliwanag at mga kaukulang dokumento upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat managot ang drayber sa mga posibleng paglabag sa Republic Act No. 4136, kabilang ang Reckless Driving at Hitching to a Vehicle, at kung bakit hindi siya dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na maaaring magresulta sa pagkakasuspinde o pagbawi ng kanyang lisensya sa pagmamaneho.

Habang isinasagawa ang pagdinig, isasailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng sangkot na drayber at inatasang agad itong isuko sa IID. Inilagay na rin sa alarm status ang naturang sasakyan.

"Ang bawat paglabag sa batas-trapiko ay may kaakibat na panganib na maaaring maiwasan kung magiging responsable ang bawat motorista. Hindi dapat maging normal, at lalong hindi dapat tularan ang pagsasakay ng mga pasahero sa paraang hindi ligtas at labag sa umiiral na mga regulasyon," pahayag ni Asec. Lacanilao.

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa mas ligtas na mga lansangan, mananatiling mahigpit ang LTO sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko at sa pagpapanagot sa mga lumalabag. Ang pagsunod sa batas-trapiko at pagtiyak sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada ay hindi lamang obligasyon kundi tungkulin ng bawat motorista. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na maging katuwang sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga kahalintulad na insidente. Kung may masaksihang paglabag, maaaring magsumite ng ulat sa opisyal na page na Ireport mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maimbestigahan at maisagawa ang kaukulang aksyon.

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨Tuluyan nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver's license ng drayber ng Vo...
04/08/2026

🚨 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 🚨

Tuluyan nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver's license ng drayber ng Volkswagen Jetta at permanente na itong diniskwalipika sa pagkuha ng anumang uri ng driver's license matapos mapatunayan sa isinagawang imbestigasyon ng Intelligence and Investigation Division (IID) ang mga paglabag na Driving Without a Valid Driver's License, Improper Attachment or Tampering of License Plates, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ang desisyon ay kasunod ng muling pagkakahuli sa naturang Volkswagen Jetta dahil sa paggamit ng hindi awtorisadong plaka. Sa beripikasyon ng Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR), nakumpirmang hindi tugma ang nakakabit na plaka sa rekord ng LTO at nakarehistro ito sa ibang pangalan. Nauna na ring nasangkot ang naturang sasakyan sa paggamit ng ilegal na blinker at pagpapanggap na diplomat.

Inatasan din ang drayber na bayaran ang kaukulang multa at iproseso ang paglilipat ng pagmamay-ari ng naturang sasakyan sa kanyang pangalan. Samantala, nananatiling impounded at nasa kustodiya ng LTO Field Enforcement Division (FED) ang Volkswagen Jetta, habang ang nakumpiskang hindi awtorisado o customized na plaka ay nasa kustodiya ng IID bilang ebidensya sa kaso.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa naunang insidente, maaaring basahin ang unang inilabas na press release ng LTO sa pamamagitan ng Facebook link sa ibaba: https://www.facebook.com/share/p/184KkPVUnq/

#

πŸ“’ 𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 π‡πˆπ‘πˆππ†LTO MIMAROPA Region is inviting qualified and dedicated individuals to apply for the position of:πŸ’Ό π€π‚π‚πŽπ”π...
03/08/2026

πŸ“’ 𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 π‡πˆπ‘πˆππ†

LTO MIMAROPA Region is inviting qualified and dedicated individuals to apply for the position of:

πŸ’Ό π€π‚π‚πŽπ”ππ“π€ππ“ 𝐈
Contract of Service (COS)

QUALIFICATION STANDARDS

πŸŽ“ Education: Bachelor’s Degree in Commerce/Business Administration, major in Accounting, or Bachelor of Science in Accountancy
πŸ’Ό Experience: None Required
πŸ“š Training: None Required
βœ… Eligibility: Certified Public Accountant (CPA) – RA 1080

DOCUMENTARY REQUIREMENTS

πŸ“„ Fully accomplished Personal Data Sheet (PDS) with a recent passport-size photograph and Work Experience Sheet
πŸ“„ Performance Rating for the latest rating period, if applicable
πŸ“„ Photocopy of Certificate of Eligibility/Rating/License
πŸ“„ Photocopies of relevant Training Certificate/s
πŸ“„ Application Letter addressed to:

PBGEN RONNIE S. MONTEJO (Ret.), Ph.D.
Regional Director
Land Transportation Office – MIMAROPA Region
Brgy. San Rafael (Salong), Calapan City,
Oriental Mindoro 5200

πŸ“§ Submission of Applications: Applications may be submitted personally to the address indicated above or sent via email to [email protected]

πŸ—“οΈ Deadline for Submission of Applications: 10 August 2026

Qualified applicants are encouraged to submit their complete documentary requirements on or before the stated deadline.

Address

Provincial Capitol Compound, Bangbangalon
Boac
4900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639154721014

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Boac District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO Boac District Office:

Shortcuts

Share