Gov Mel Go - Marinduque

Directions Website

Gov Mel Go - Marinduque Official Page of Gov.

Mel Go

Committed to transparent governance, effective service delivery, and building systems that work for the people.

10/10/2026

Local Government Code @ 35!

As we commemorate the 35th Anniversary of the Local Government Code of 1991, hear the inspiring messages of local chief executives from MIMAROPA as they reflect on three and a half decades of strengthened local autonomy, responsive governance, and meaningful public service.

A Message from Gov. Melecio J. Go, Province of Marinduque

"Warmest greetings to the DILG and our fellow public servants as we celebrate Local Government Month and the 35th anniversary of the Local Government Code of 1991 (RA 7160).

Marinduqueβ€”the autonomy to chart its own course toward meaningful progress. Through decentralization, we have been empowered to build stronger, self-reliant local communities, protect our rich cultural heritage and coastal environment, and bring vital social services directly to every MarinduqueΓ±o.

As we honor this legacy of genuine local autonomy, the Provincial Government of Marinduque remains fully committed to advancing accountable, participatory,and people-centered governanceβ€”working hand-in-hand with our municipalities to ensure a saf, sustainable, and prosperous future for our province.”


@35

𝐋𝐄𝐓’𝐒 π†πŽ! π’ππŽπ‘π“π’ 𝐂𝐔𝐏 πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€π†π‡π€π“πˆπƒ 𝐍𝐆 πŠπ”π‹π€π˜ 𝐒𝐀 πŸπŸπŸ”π­π‘ π‚πˆπ•πˆπ‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜Nitong nagdaang buwan ng Setyembre, nagta...
09/10/2026

𝐋𝐄𝐓’𝐒 π†πŽ! π’ππŽπ‘π“π’ 𝐂𝐔𝐏 πŸπŸŽπŸπŸ”, ππ€π†π‡π€π“πˆπƒ 𝐍𝐆 πŠπ”π‹π€π˜ 𝐒𝐀 πŸπŸπŸ”π­π‘ π‚πˆπ•πˆπ‹ π’π„π‘π•πˆπ‚π„ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜

Nitong nagdaang buwan ng Setyembre, nagtagisan ng galing ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa basketball, volleyball at e-sports sa ginanap na Let’s GO! Sports Cup 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Philippine Civil Service Anniversary.

Pagbati sa lahat ng nagwaging koponan, pati na rin sa bawat kawani na lumahok at nagbigay-suporta sa kanilang mga kasamahan sa buong palaro.

09/10/2026
πŸπŸ“ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ ππ„π‘π’πŽπππ„π‹, πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† 𝐒𝐀 πŸ’πŸ• ππ€π†πŽππ† π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€ππ† ππ€ππ‹π€π‹π€π–πˆπ†π€πLabinlimang personnel appointments ...
09/10/2026

πŸπŸ“ π‡πŽπ’ππˆπ“π€π‹ ππ„π‘π’πŽπππ„π‹, πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† 𝐒𝐀 πŸ’πŸ• ππ€π†πŽππ† π€πππŽπˆππ“πŒπ„ππ“π’ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€ππ† ππ€ππ‹π€π‹π€π–πˆπ†π€π

Labinlimang personnel appointments para sa Marinduque Provincial Hospital (MPH) at Santa Cruz District Hospital (SCDH) ang kabilang sa 47 appointments sa Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa ilalim ng administrasyon ni Gov. Mel Go.

Kabilang dito ang mga posisyon para sa mga doktor, nurse, pharmacist, medical technologist, midwife, at iba pang hospital personnel na mahalaga sa pang-araw-araw na serbisyo at pangangalaga sa mga pasyente.

Sa kabuuang 47 appointments mula sa 11 tanggapan ng Kapitolyo, 23 ang promotions, 22 ang original appointments, habang tig-isa ang reappointment at reemployment.

Saklaw rin ng mga appointment ang mga kawani sa treasury, planning and development, engineering, at iba pang opisina ng pamahalaang panlalawigan.

π“πˆππ†ππ€π | Sa pangunguna ng Marinduque Provincial Tourism and Cultural Office, kasalukuyang isinasagawa ngayong Oktubre 9...
09/10/2026

π“πˆππ†ππ€π | Sa pangunguna ng Marinduque Provincial Tourism and Cultural Office, kasalukuyang isinasagawa ngayong Oktubre 9, 2026, sa Provincial Convention Center, Barangay Bangbangalon, Boac, ang Gender and Development Workshop na may temang, β€œKabuhayan, Kasarian, at Kultura: Isang Paghuhubog sa mga Tradisyonal na Gawaing-Kamay ng Marinduque.” May mga breakout session din na isinasagawa sa ikatlong palapag ng Provincial Agriculture Office.

Sa mensaheng ipinahatid ni Governor Mel Go sa pamamagitan ni Provincial Administrator Engr. Norberto M. Jinang, binigyang-diin ang paglinang sa kakayahan ng mga MarinduqueΓ±o upang mapanatili ang mga tradisyonal na gawaing-kamay at makabuo pa ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan.

Tampok sa workshop ang mga likhang sumasalamin sa husay at pamana ng lalawigan, kabilang ang Morion flower turbans at masks, paper machΓ©, at paglalala ng nito at buli. Ang mga ito ay pinangunahan ng mga tagapagsanay na sina Gng. Petronila P. Mazon para sa paggawa ng turbante ng bulaklakang Moryon, G. Pedro L. Mandia, Jr. para sa paggawa ng maskarang papel ng Moryon, Gng. Josephine R. Balingit para sa paglala ng buli, at Gng. Crispina L. Genotiva para sa paghihikit ng nito.

Kinikilala ni Gov Mel ang inisyatibong ito dahil sa patuloy na paglinang sa mga tradisyonal na gawaing-kamay, nagkakaroon tayo ng pagkakataon upang maipamana sa susunod na henerasyon ang mga tradisyon nating mga MarinduqueΓ±o.

09/10/2026

HAPPENING NOW:
KABUHAYAN, KASARIAN, AT KULTURA: ISANG PAGHUHUBOG NG TRADISYUNAL NA GAWAING KAMAY NG MARINDUQUE

𝐆𝐨𝐯 𝐌𝐞π₯: ππ”π“π‘πˆπ“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ’, 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 ππ€πŠπ€π“π”πŽπ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π€πŠπ“π–π€π‹ 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀Isinagawa noong Oktubre 7, 2026 sa LMD-PESO Hall, Ba...
08/10/2026

𝐆𝐨𝐯 𝐌𝐞π₯: ππ”π“π‘πˆπ“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ’, 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 ππ€πŠπ€π“π”πŽπ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π€πŠπ“π–π€π‹ 𝐍𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐔𝐋𝐓𝐀

Isinagawa noong Oktubre 7, 2026 sa LMD-PESO Hall, Bangbangalon, Boac ang unang araw ng Nutrition Program Management (NPM) Training, na naglalayong mas palawigin ang kakayahan ng mga local nutrition workers sa pagpapatupad at pamamahala ng mga programa para sa nutrisyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Mel Go na masusukat ang tagumpay ng mga nutrition program base sa aktwal na epekto ng mga ito sa kalagayan ng mga benepisyaryo. Aniya, dapat higit na ituon ang pansin sa mga resulta gaya ng pagbaba ng bilang ng mga underweight, sa halip na sa dami lamang ng mga naisagawang aktibidad tulad ng feeding sessions.

Samantala, nakatuon ang training sa mga pangunahing kaalaman sa food nutrition at malnutrition, kabilang ang micronutrient deficiencies at iba pang anyo ng malnutrisyon. Tinalakay rin ang leadership, communication and advocacy, documentation, at ang pagsasama ng Nutrition Program Management sa local governance and development systems, mula sa pagpaplano at pagpapatupad hanggang sa monitoring, evaluation, at replanning.

ππ€ππ€π“πˆπƒ: Para sa mga benepisyaryong nag-apply ng kanilang NBI clearance noong ika-14 ng Setyembre sa Handog ng Pangulo 2...
08/10/2026

ππ€ππ€π“πˆπƒ: Para sa mga benepisyaryong nag-apply ng kanilang NBI clearance noong ika-14 ng Setyembre sa Handog ng Pangulo 2026, maaari na po ninyong i-claim ang inyong NBI clearance sa Office of the Governor.

Maaari itong kunin anumang oras sa loob ng regular office hours, at wala ring itinakdang deadline sa pagkuha ng clearance.

Maraming salamat!

πŒπ€π‘πˆππƒπ”ππ”π„, πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† 𝐒𝐀 π“π€π“π‹πŽππ† πˆπ’π‹π€ππ† ππŽπŠπ”π’ 𝐍𝐆 πˆπ’π‹π€π’ ππ‘πŽπ‰π„π‚π“Isang mahalagang hakbang para sa Marinduque ang isinagawang...
07/10/2026

πŒπ€π‘πˆππƒπ”ππ”π„, πŠπ€ππˆπ‹π€ππ† 𝐒𝐀 π“π€π“π‹πŽππ† πˆπ’π‹π€ππ† ππŽπŠπ”π’ 𝐍𝐆 πˆπ’π‹π€π’ ππ‘πŽπ‰π„π‚π“

Isang mahalagang hakbang para sa Marinduque ang isinagawang Integrated Management of Small Island Landscapes and Seascapes (ISLA) Project Inception Workshop noong Oktubre 6, 2026 sa PENRO Marinduque. Pinangunahan ito ng United Nations Development Programme (UNDP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang Provincial Government of Marinduque, mga municipal LGU, national government agencies, at iba pang katuwang sa pangangalaga ng likas-yaman at paghahanda sa climate risks.

Ang Marinduque ay isa sa tatlong pangunahing island sites ng proyekto, kasama ang Camiguin at Panaon Island, sa ilalim ng $5.3-million GEF grant. Sa kasalukuyan, nasa Project Preparation Grant (PPG) Phase pa lamang ang proyekto. Sa phase na ito binubuo ang Project Document, kinokolekta ang baseline data, tinutukoy ang priority core zone, at inaayos ang mga safeguards, co-financing at plano ng pakikipag-ugnayan sa mga komunidad bago ang full implementation na nakatakda sa 2028.

Para sa Marinduque, napapanahon ang pagdating ng proyektong ito dahil higit-kumulang 23% na lamang ng 95,000 ektaryang lupain ng lalawigan ang forest cover, at ang natitirang kagubatan ang nagsisilbing pangunahing recharge zone ng water table. Kasabay nito ang banta ng matinding El NiΓ±o, paulit-ulit na suliranin sa water security, at ang 30-year legacy ng Marcopper mining disaster na kailangang tugunan.

Address

Marinduque Provincial Capitol
Boac
4900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gov Mel Go - Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share