19/01/2026
TINGNAN - Enero 19, 2026
Matagumpay na nakapag-ani ang mga benepisyaryo ng Project BINHI mula sa taniman sa Brgy. Tiwaran, Santa Cruz, Marinduque. Sa araw ding ito, kumita ang mga benepisyaryo ng halagang ₱420.00 mula sa mga inaning gulay na kinabibilangan ng okra, kalabasa, sitaw, upo, pipino, at mani.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng araw-araw na pagtutulungan ng bawat miyembro sa pagpapalago ng mga pananim at sa pagpapanatili ng alternatibong pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan.
Bunga ito ng araw araw na pagtutulungan ng bawat miyembro sa pagpapalago ng mga pananim at pagpapanatili ng alternatibong pinagkukunan ng pagkain at pang kabuhayan.
---
Ang Project LAWA at BINHI ay inisyatibo ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Risk Resiliency Program.
Layunin ng proyekto na gawing sustenable ang pinagkukunan ng pagkain ng komunidad at palakasin ang kanilang kakayahang harapin ang lumalalang epekto ng climate change—isang hakbang tungo sa mas matatag, mas ligtas, at mas maunlad na kinabukasan.