29/04/2026
||๐๐๐ซ๐ข๐ฅ ๐๐, ๐๐๐๐||๐๐๐๐ญ๐๐๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐๐ฆ๐๐ซ
๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ญ๐๐๐ฅ๐จ๐ ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ญ ๐๐
๐
Mas pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Catbalogan ang pakikipagtulungan nito sa National Food Authority (NFA) matapos aprubahan ang mga mahahalagang kasunduan na naglalayong paghusayin ang pagbili ng palay at distribusyon ng bigas sa lungsod. Layunin ng hakbang na ito na mapabilis ang serbisyo sa mga magsasaka, mapatatag ang procurement system, at matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng bigas sa komunidad.
Dumalo si Warehouse Supervisor Lemuel B. Uy ng GID Catbalogan Warehouse sa Sangguniang Panglusod Session ng Pamahalaang Lungsod ng Catbalogan ngayong April 29, 2026, bilang kinatawan ni Branch Manager Zaldy C. Tan ng NFA Northern Samar Branch Office.
Sa isinagawang committee hearing, tinalakay ang pagpasa ng resolusyon na magbibigay kapangyarihan kay City Mayor Dexter M. Uy na pumasok sa mga Memorandum of Agreement (MOA) para sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and LGUs (PALLGU), paggamit ng mga sasakyan ng LGU bilang suporta sa operasyon ng NFA, at pagpapalawak ng rice sales program.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang higit pang mapapalakas ang ugnayan ng NFA at ng lokal na pamahalaanโnagbibigay daan sa mas episyente, abot-kaya, at sustenableng suporta para sa mga magsasaka at mamamayan ng Catbalogan.
"๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐ก, ๐ต๐๐๐๐ ๐๐ฆ ๐ฟ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐.โ
#๐๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ๐๐๐ #๐๐ข๐บ๐๐ข๐ญ๐ข๐ด๐ข๐ฌ๐ช๐ต #๐๐ข๐ข๐ข๐ด๐ข๐ฉ๐ข๐ฏ #๐๐ถ๐ฎ๐ถ๐จ๐ฐ๐ฏ