05/10/2026
TAMBUBONG ELEMENTARY SCHOOL, MASAYANG NAGDIWANG NG TEACHERSโ DAY
Naging makabuluhan at puno ng kasiyahan ang pagdiriwang ng Teachersโ Day sa DepEd Tambubong Elementary School, na dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, at buong teaching at non-teaching staff ng paaralan sa pangunguna ng aming masigasig na ๐๐ช๐ฃ๐ช๐ฃ๐๐๐ช๐ง๐ค ๐๐๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐. ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐จ๐๐ค.
Nakiisa rin sa masayang pagdiriwang ang Ama ng Barangay Tambubong, Kap. Boyet Castillo Jr., at Konsehal Johnford Kennedy Llagas. Ang kanilang pakikiisa at suporta ay dagdag na pagpapahalaga sa mga g**o at kawani na patuloy na naglilingkod para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Naging pagkakataon ang pagdiriwang upang maipakita ang pagmamahal, pagpapahalaga, at pasasalamat sa mga g**ong patuloy na naglalaan ng kanilang panahon, dedikasyon, at malasakit sa pagtuturo at paggabay sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga inihandang gawain at munting sorpresa, naging mas espesyal ang araw na nakalaan para sa pagkilala sa mahalagang papel ng bawat g**o sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata.
Lubos ang pasasalamat ng Tambubong ES sa mga SPTA officers para sa magandang dekorasyon at SELG para sa masayang program at mga regalo.
Maligayang Araw ng mga G**o! Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo ay mananatiling inspirasyon sa bawat batang inyong ginagabayan.