28/07/2026
INSPEKSYON SA PRIBADONG LOTENG GINAGAWANG ILIGAL NA TAMBAKAN NG BASURA.
Ngayong araw, July 28,2026
nagsagawa ng onsite inspection ang MENRO at Engineering Office sa ayukit St.
kasama sina Punong Barangay Yboyh Del Rosario Jr. at Kagawad sa Committee on Environment Rico C. Navarro sa isang pribadong lote na ginagamit bilang iligal na tambakan ng basura.
Layunin ng inspeksyong ito na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng lugar, matukoy ang mga paglabag sa mga umiiral na batas at ordinansa sa tamang pamamahala ng basura, at makapagpatupad ng naaangkop na aksyon upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating barangay.
Mahigpit na paalala sa lahat ng residente at may-ari ng mga lote na ang iligal na pagtatapon ng basura ay mahigpit na ipinagbabawal.
Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran at makiisa sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na Barangay.
"Disiplina sa pagtatapon ng basura, responsibilidad ng bawat isa."