09/12/2025
Ngayong Disyembre 2025 ay ang atin na pong ika-limang taon ng pagbibigay serbisyo sa pamamagitan ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Bloodletting Project sa ating Dakilang Bayan ng Bocaue sa pangunguna po ng ating Mahal na Punong Bayan Mayor Jonjon JJV Villanueva at Pangalawang Punong Bayan Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna.
Ngayong Kapaskuhan ay muli po tayong magdugtong buhay at magbigay ng Dugo sa para sa mga nangangailangan nating kababayan.
Sa darating na ika-20 ng Disyembre, mula 8am-2pm sa Joni Villanueva Sports Complex, Biñang 2nd ay magbigay po tayo ng munting regalo sa mga lubos na nangangailangan ng dugo.
Magkita kita po tayong lahat.