JAM Mendoza

Directions Website Contact the organization

JAM Mendoza Nan-JAM Para Sayo ๐Ÿซถ๐Ÿผ
Municipal Councilor of Bocaue, Bulacan Jamela "JAM" Mendoza was born and raised in Bocaue, Bulacan.

She took Bachelor of Science Major in Marketing Management at De La Salle University-Manila wherein she also served as the Training and Development Executive for Junior Entrepreneurs Marketing Association (JEMA). Having the passion for excellence and commitment to public service, she is currently the Vice President of Sangguniang Kabataan in the Province of Bulacan, the President of Sangguniang Kabataan in the Municipality of Bocaue, and the Sangguniang Kabataan Chairman in Barangay Bunducan. With that said, she also serves as a Municipal Councilor (ex-officio) in the Sangguniang Bayan of Bocaue, Bulacan.

๐Ÿ“š Pagpupugay sa ating mga Minamahal na G**o! โค๏ธKahapon ay masayang ipinagdiwang ng DepEd Bocaue District ang Teachersโ€™ D...
03/10/2026

๐Ÿ“š Pagpupugay sa ating mga Minamahal na G**o! โค๏ธ

Kahapon ay masayang ipinagdiwang ng DepEd Bocaue District ang Teachersโ€™ Day na ginanap sa Elida Convention Center Dr. Yangas Colleges, Incorporated.

Mas naging makabuluhan ang pagtitipon dahil atin pong nakasama ang ating ang ating Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, DepEd District Supervisor Sir Jonar David, Retired Teachers, School Principals kasama ang mga g**ong patuloy na nagbibigay ng kanilang panahon, lakas at puso para sa edukasyon ng ating mga kabataan.

Sa ating mga g**o, taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon at sakripisyo. Hindi lamang po kayo nagtuturo ng mga aralinโ€”kayo rin ang humuhubog sa pangarap, karakter at kinabukasan ng bawat batang inyong ginagabayan.

Sa bawat mahabang araw, bawat pasensyang inyong ibinibigay, bawat batang inyong hinihikayat na mangarap, at bawat hamong inyong hinaharapโ€”maraming salamat po. Ang inyong mga ginagawa ay maaaring hindi laging nakikita o nasusuklian, ngunit ang inyong impluwensya ay mananatili sa puso at buhay ng inyong mga mag-aaral. Sa inyong mga kamay nagsisimula ang paghubog sa susunod na henerasyon ng mga lider, propesyonal, manggagawa at mabubuting mamamayan.

Happy Teacherโ€™s Day po! โค๏ธ





BPSA Teachersโ€™ Day Celebration ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ๐Ÿ’Kahapon ay masayang ipinagdiwang ang Teachersโ€™ Day, na isinagawa ng Bocaue Private...
02/10/2026

BPSA Teachersโ€™ Day Celebration ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ๐Ÿ’

Kahapon ay masayang ipinagdiwang ang Teachersโ€™ Day, na isinagawa ng Bocaue Private School Association (BPSA) sa pangunguna ni Sir Michael Yanga, kasama ang ating mga minamahal na g**o at school principals mula sa ibaโ€™t ibang pribadong paaralan dito sa Bayan ng Bocaue.

Naging mas makabuluhan at espesyal ang pagdiriwang dahil nakasama rin natin ang ating Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, gayundin ang ating DepEd District Supervisor Sir Jonar David, kasama si Sir Enrico Manaid.

Isang magandang pagkakataon ito upang kilalanin at pasalamatan ang dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang paglilingkod ng ating mga g**o na patuloy na humuhubog sa kaalaman, pangarap, at kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat po sa lahat ng ating mga g**oโ€”ang tunay na bayani ng edukasyon. Happy Teachersโ€™ Day! ๐Ÿ’๐Ÿ“šโค๏ธ





GSP Week 2026 | Partnership Day โค๏ธ๐ŸซกMasayang araw po ang naganap kahapon sa Northville 5 Elementary School, Batia, Bocaue...
01/10/2026

GSP Week 2026 | Partnership Day โค๏ธ๐Ÿซก

Masayang araw po ang naganap kahapon sa Northville 5 Elementary School, Batia, Bocaue, Bulacan, sapagkat isinagawa ang Partnership Day bilang bahagi ng pagdiriwang ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Week 2026.

Maraming salamat po sa Northville 5 Elementary School, sa pangunguna ni Maโ€™am Elvira Principe, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na maging inyong Guest Speaker para sa ating mga kabataang Girl Scouts.

Isang malaking karangalan po para sa akin na makasama ang ating mga batang Girl Scouts at makapagbahagi ng ilang salita, aral, at inspirasyon na maaari nilang dalhin habang sila ay lumalaki at hinuhubog bilang mga responsableng kabataan at mabubuting mamamayan.

Nawaโ€™y patuloy nating gabayan at suportahan ang ating mga kabataan upang kanilang malinang ang tapang, disiplina, malasakit, pagiging responsable, at pamumunoโ€”mga pagpapahalagang magsisilbing sandigan nila sa kanilang paglalakbay.

Ang pagiging Girl Scout ay hindi lamang tungkol sa mga gawain at pagkakaisa, kundi tungkol din sa paglilingkod, pagkakaroon ng mabuting puso, pagtulong sa kapwa, at pagiging handang maging bahagi ng magandang pagbabago sa ating komunidad.

Sa lahat ng ating Girl Scouts, lagi ninyong tandaan na ang inyong murang edad ay hindi hadlang upang makagawa ng malaking bagay. Sa inyong maliliit na kabutihan at simpleng pagtulong, maaari kayong maging inspirasyon sa iba. ๐ŸŒธ

Muli, maraming maraming salamat po sa buong Northville 5 Elementary School sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong maging bahagi ng inyong makabuluhang pagdiriwang. Maraming salamat po sa mga ibinigay ninyong mga regalo kay Ate Jam ๐Ÿ’“๐Ÿฅฐ





SK Bunducan Educational Cash Assistance Distribution ๐Ÿ“š๐ŸŽ“โค๏ธSa araw po na ito ay matagumpay na ipinamahagi ang Educational ...
20/09/2026

SK Bunducan Educational Cash Assistance Distribution ๐Ÿ“š๐ŸŽ“โค๏ธ

Sa araw po na ito ay matagumpay na ipinamahagi ang Educational Cash Assistance ng Sangguniang Kabataan ng Bunducan, sa pangunguna ni SK Chairman Jamil Mendoza sa humigit 250 na mag-aaral.

Layunin po ng programang ito na makatulong at makapagbigay-suporta sa ating mga kabataan upang kahit sa maliit na paraan ay maibsan ang kanilang mga gastusin sa pag-aaralโ€”mula sa mga school supplies, projects, pamasahe, at iba pang pangangailangan sa kanilang pag-aaral. ๐Ÿ“šโœ๏ธ

Congratulations SK Bunducan sa pangunguna ni SK Jamil Mendoza sa matagumpay at makabuluhang proyekto na ito. Para sa ating grantees, nawaโ€™y magsilbi po itong dagdag na inspirasyon upang lalo ninyong pagbutihin ang inyong pag-aaral at abutin ang inyong mga pangarap. ๐ŸŒŸ

Para sa Kabataan, Para sa Edukasyon, Para sa Kinabukasan! โค๏ธ





KUMPADRES BASKETBALL LEAGUE SEASON 6! ๐Ÿ€Ngayong araw po ay opisyal nang binuksan ang Kumpadres Basketball League Season 6...
19/09/2026

KUMPADRES BASKETBALL LEAGUE SEASON 6! ๐Ÿ€

Ngayong araw po ay opisyal nang binuksan ang Kumpadres Basketball League Season 6 na ginanap sa Integrated School of Montessori. ๐ŸŽ‰๐Ÿ€

Ang aking taos-pusong pasasalamat sa Kumpadres Basketball Club sa pagbibigay po sa akin ng pagkakataon na maging bahagi ng inyong opening ceremony. Isang karangalan po na makasama kayo sa pagsisimula ng panibagong season na puno ng sportsmanship, teamwork, disiplina, at pagkakaibigan. ๐Ÿคโค๏ธ

Good luck to all the teams! Ipaglaban ang bawat laro, ipakita ang tunay na sportsmanship, at higit sa lahat, enjoy the game! ๐Ÿฅณโค๏ธ๐Ÿ€๐Ÿ”ฅ





Maligayang Kapistahan ng Banal na Krus, Taal-Hulo! โค๏ธ๐Ÿฅณ๐Ÿ™๐ŸปMatapos ang taimtim na pagdalo sa Banal na Misa na ginanap sa Ta...
13/09/2026

Maligayang Kapistahan ng Banal na Krus, Taal-Hulo! โค๏ธ๐Ÿฅณ๐Ÿ™๐Ÿป

Matapos ang taimtim na pagdalo sa Banal na Misa na ginanap sa Taal-Hulo, tayo naman ay masayang nakiisa sa tradisyonal na basaan kasama ang ating mga kababayan sa Barangay Taal! โค๏ธ๐Ÿ’ฆ๐Ÿฅณ

Isang araw na puno ng pananampalataya, pagkakaisa, saya, at makulay na tradisyon. Tunay ngang napakasarap makiisa at makisaya kasama ang ating minamahal na komunidad! โค๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

Muli, maligayang Kapistahan ng Banal na Krus, Taal-Hulo! ๐Ÿฅณโค๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป






SPTA ZUMBA FOR A CAUSE ๐Ÿ’ƒ๐Ÿป๐Ÿ•บ๐ŸปNgayong araw po ay matagumpay na isinagawa ang Zumba for a Cause na inorganisa ng SPTA ng Con...
12/09/2026

SPTA ZUMBA FOR A CAUSE ๐Ÿ’ƒ๐Ÿป๐Ÿ•บ๐Ÿป

Ngayong araw po ay matagumpay na isinagawa ang Zumba for a Cause na inorganisa ng SPTA ng Cong. Erasmo R. Cruz Memorial Central School na ginanap sa CERCMCS Covered Court.

Isang taos-pusong pasasalamat po sa ating minamahal na Punong G**o, Maโ€™am Melinda Balingasa, gayundin sa buong bumubuo ng SPTA, sa pangunguna ni Mrs. Juvy Hipolito, sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong maging bahagi ng makabuluhan at magandang layuning ito.

Higit pa sa pagsasayaw at pag-eehersisyo, ang programang ito ay naging simbolo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng ating komunidad para sa isang layuning makapagbibigay ng suporta para sa ating paaralan at mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa tiwala at sa pagkakataong maging bahagi ng araw na ito. Nawaโ€™y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa kapakanan ng ating paaralan, mga mag-aaral, at ng buong komunidad. โค๏ธ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ





Ating pong suportahan ang ating Hari at Reyna ng Bocaue 2026, Anne Maxene Mendoza and Leopy Cervantes sa Singkaban Festi...
12/09/2026

Ating pong suportahan ang ating Hari at Reyna ng Bocaue 2026, Anne Maxene Mendoza and Leopy Cervantes sa Singkaban Festival 2026 Coronation Night โค๏ธ๐Ÿคด๐Ÿป๐Ÿ‘ธ๐Ÿป

๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ’“
10/09/2026

๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ’“

Congratulations Aaron Paul Manuel!! Gold Medalist and Champion for Solo Tuba (Open Category) in the Asian Music Games 20...
10/09/2026

Congratulations Aaron Paul Manuel!! Gold Medalist and Champion for Solo Tuba (Open Category) in the Asian Music Games 2026 at Kuala Lumpur, Malaysia โค๏ธ๐Ÿฅณ

๐€ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐€๐œ๐ก๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐จ๐Ÿ ๐๐จ๐œ๐š๐ฎ๐ž! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’—

The Municipality of Bocaue, through the Municipal Historical, Arts, Culture and Tourism Office (MHACTO Bocaue), proudly extends its warmest congratulations to ๐—”๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐˜‚๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฒ๐—น, a true Proud Bocaueรฑo, for his outstanding achievement in the field of music.๐Ÿ’—โœจ

๐—”๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป brought honor to the Philippines during the Asian Music Games 2026 held in Kuala Lumpur, Malaysia on September 5, 2026, where he was awarded:

๐Ÿ† ๐—š๐—ผ๐—น๐—ฑ ๐— ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜ & ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป
๐ŸŽบ Solo Tuba โ€“ Open Division
Representing BCLP / John Dewey School for Children / University of Santo Tomas (UST).

As the son of Sir Al Manuel, a member of the ๐—•๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜‚๐—ฒ ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น, Aaron continues to embody the passion, dedication, and excellence that inspire the next generation of Filipino artists. โœจ๐Ÿ’—

Your achievement is a source of pride not only for your family but for the entire Bocaueรฑos! May you continue to share your talent and bring honor to our beloved town and the Philippines. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐€๐š๐ซ๐จ๐ง ๐๐š๐ฎ๐ฅ ๐Œ๐š๐ง๐ฎ๐ž๐ฅ! ๐ŸŽบ๐Ÿ‘ ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฌ ๐“๐ž๐š๐ฆ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ! ๐Ÿ’—โœจ

๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™ก๐™ค๐™ง๐™š ๐˜ฝ๐™ค๐™˜๐™–๐™ช๐™š!!!
๐™๐™๐™š ๐™๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™ค๐™ฌ๐™ฃ ๐™’๐™ค๐™ฃ๐™™๐™š๐™ง๐™จ!๐ŸŒŠ
๐™๐™š๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฝ๐™ค๐™˜๐™–๐™ช๐™š! โœŒ๐Ÿผ๐Ÿ’™

๐™‡๐™ค๐™ซ๐™š ๐˜ฝ๐™ค๐™˜๐™–๐™ช๐™š, ๐™‡๐™ค๐™ซ๐™š ๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™–๐™˜๐™–๐™ฃ!
๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™–๐™˜๐™–๐™ฃ ๐˜ฝ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™  - ๐™—๐™–๐™ก๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ! โœจ

Mayor Jonjon JJV Villanueva
Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna
JAM Mendoza
Mark Lorenzo






Address

Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JAM Mendoza posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to JAM Mendoza:

Shortcuts

Share