08/09/2026
SCHOOL INTRAMURALS 2026
Tema: Athletes United: Excelence on the Field, Values for Life
Isang matagumpay, masaya, at makabuluhang School Intramurals 2026 ang ating nasaksihan ngayong araw!
Sa bawat laro, palakpakan, sigawan, at tawanan, tunay na nakita ang pagkakaisa, sportsmanship, disiplina, at pagtutulungan ng ating mga mag-aaral. Higit pa sa panalo at medalya, ang mga karanasan at aral na natutuhan ng bawat isa ang tunay na mahalaga.
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating School Head, mga g**o, coaches, athletes, parents, PTA, volunteers, Brgy. officials, at sa lahat ng naging bahagi at tumulong upang maging matagumpay ang ating Intramurals. Ang inyong oras, suporta, pagsisikap, at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng araw na ito. ❤️