One Team One B. Menor #KMJS

One Team One B. Menor #KMJS Para sa nagkakaisa at progresibong barangay, mag KMJS na! One Team, One B Menor!

PAALAM, KON. ANDREW BULANADI 🕊️Taos puso po kaming nakikiramay sa pamilya at kamag-anak ng ating namayapang kapatid na s...
15/04/2024

PAALAM, KON. ANDREW BULANADI 🕊️

Taos puso po kaming nakikiramay sa pamilya at kamag-anak ng ating namayapang kapatid na si Kuya Andrew Bulanadi.

Kuya Andrew, maraming salamat sa laban at kwentong iyong ibinahagi sa aming lahat.

Hinding-hindi ka namin makakalimutan.

Rest in paradise, Kuya Andrew. 🕊️ ❤️

Ngayong araw ay napagbigyan tayo ng pagkakataon upang makadaupang palad ang ating Ama ng Bayan ng Bustos, Mayor Iskul Ju...
13/06/2023

Ngayong araw ay napagbigyan tayo ng pagkakataon upang makadaupang palad ang ating Ama ng Bayan ng Bustos, Mayor Iskul Juan, upang maipahayag ang mga layunin at mithi ng One Team, One B Menor sa Barangay Bonga Menor sa pangunguna ng ating KMJS, Jumbo Santos.

Kaisa ninyo ang One Team One B. Menor sa patuloy na pagpapaunlad at pagkakaisa para sa Barangay ng Bonga Menor.


Jumbo Santos
Olek Santos
Phia Paulino
Alexander Cruz
Andrew Bulanadi
Eyo Devera
Jhune Santos
Alvin Perez

Para sa mga gurong nagbibigay sa atin ng karunungan.Para sa lahat ng gurong patuloy na nagmamahal at nagsisilbing ating ...
28/09/2022

Para sa mga gurong nagbibigay sa atin ng karunungan.
Para sa lahat ng gurong patuloy na nagmamahal at nagsisilbing ating pangalawang magulang,

Happy Teacher’s Day po sa inyong lahat.

Ang inyo pong ambag na dunong at sakripisyo ay hindi kailanman matutumbasan.

Pagbati mula kay KMJS at One Team, One. B Menor.

Kaninang hapon ay isinagawa ng inyong lingkod, KMJS kasama ang One Team One B. Menor, ang pagbibigay ng relief goods par...
26/09/2022

Kaninang hapon ay isinagawa ng inyong lingkod, KMJS kasama ang One Team One B. Menor, ang pagbibigay ng relief goods para sa mga kabarangay nating bumalik sa kanilang mga tahanan mula evacuation center dahil sa Bagyong Karding.

Tunay na pagkakaisa ang sagot sa mga hindi inaasahang kalamidad.

Kaisa ang inyong lingkod, KMJS at One Team One B. Menor, sama-sama tayo sa pagbangon at patuloy na pagkakaisa.

Kagabi ay bumisita ang ating KMJS, kasama ang One Team One B. Menor at Sikap Kabataan, sa mga kapamilya nating inilikas ...
26/09/2022

Kagabi ay bumisita ang ating KMJS, kasama ang One Team One B. Menor at Sikap Kabataan, sa mga kapamilya nating inilikas sa Barangay Hall at Elementary School dahil sa baha at malakas na hangin dulot ng bagyo.

Nagpaabot ng konting pagkain upang painitin ang malamig na panahon.

Mamaya ay magpapaabot ng relief goods ang inyong lingkod, KMJS, para sa mga pamilyang apektado.

Sa ngalan ng Diyos, kaligtasan ng lahat ang ating hiling. Sabay sabay tayo sa pagbangon.

Mag-iingat po tayong lahat, mga ka-KMJS! 💙❤️

We are here for a CAUSE, not for the applause.  Sa pagtatapos ng programa ng brigada eskwela, taus puso po namin pinapas...
09/09/2022

We are here for a CAUSE, not for the applause. Sa pagtatapos ng programa ng brigada eskwela, taus puso po namin pinapasalamatan ang lahat ng tumulong at nakiisa sa pagsasaayos ng ating mahal na B. Menor Elementary School.



09/09/2022

We are here for a CAUSE, not for the applause. Sa pagtatapos ng programa ng brigada eskwela, taus puso po namin pinapasalamatan ang lahat ng tumulong at nakiisa sa pagsasaayos ng ating mahal na B. Menor Elementary School.



Ngayon ay nagaganap ang paligsahan ng mga manlalaro ng Bonga Menor sa larangan ng Basketball ngayong One Day League na p...
14/08/2022

Ngayon ay nagaganap ang paligsahan ng mga manlalaro ng Bonga Menor sa larangan ng Basketball ngayong One Day League na pinangunahan ng Sikap Kabataan, sa pamununo ni SK Kitkat Perez, at ng inyong lingkod KMJS Jumbo Santos at One Team One B Menor.

Halina’t saksihan ang 14 grupong naglalaban para titulo na ginaganap ngayon sa Bonga Menor Elementary School.

Para sa mas masigla at masayang mga palaro at paliga, i-KMJS na yan!

Kaisa ang KMJS at One Team, One B. Menor sa naganap na Brigada Eskwela 2022.Tunay na buhay ang bayanihan dito sa atin. I...
11/08/2022

Kaisa ang KMJS at One Team, One B. Menor sa naganap na Brigada Eskwela 2022.

Tunay na buhay ang bayanihan dito sa atin. Ipinakita na kayang-kaya kung sama-sama ang pag sasaayos at paglilinis ng Bonga Menor Elementary School. Naki-isa ang ONE TEAM, ONE B. MENOR kasama ang ating masisipag na volunteers. Naglinis. Nagligpit. Nagbuhat. Pagkatapos ay pinawi ang pagod ng salu-salong miryenda at pananghalian.

Kaya para sa maganda, ligtas, at masiglang pagbabalik eskwela? Ano ang dapat? i-KMJS na yan!




Suportado ang Sikap Kabataan:KUMPLETO NA!!!Kitakits sa Agosto 14,2022 sa ganap na alas 7 ng umaga sa Bonga Menor Covered...
09/08/2022

Suportado ang Sikap Kabataan:

KUMPLETO NA!!!

Kitakits sa Agosto 14,2022 sa ganap na alas 7 ng umaga sa Bonga Menor Covered Court

Abangan ang mga inihandang sorpresa ng SIKAP KABATAAN kasama ang One Team One Bmenor❤️




Address

Bonga Menor
3007

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One Team One B. Menor #KMJS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share