06/07/2026
Ito ang ilan sa mga larawan sa ginanap na Barangay Kalinisan Day (BarKaDa) sa Barangay Libertad, ,Bongabong Oriental Mindoro ngayong alas 7:00 ng Umaga, ika - 05 ng Hulyo 2026.
Ito ay batay sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng inisyatibo na Bagong Pilipinas, upang mapanatili ang Kalinisan sa barangay.
Ang gawain ay dinaluhan ng mga Barangay Official sa pangunguna ni Punong Barangay Ernesto J. Gadon, Jr., kasama ang mga Kagawad ng Barangay Libertad, Kalihim ng Barangay at Ingat Yaman at mga Tanod at ang Samahan ng Pamana Associations at ilang kabataan ng barangay libertad . Sa patuloy na implementasyon ng programang ito, inaasahan ang mas may malinis na kapaligiran para sa lahat Ng Mamamayan.
Gayun din hinihikayat namin ang buong publiko na makiisa sa mas disiplinado, mas maayos, at mas malinis na Bagong Pilipinas!
(BarKaDa)