Atty. Cindee Guno

Directions

Atty. Cindee Guno Welcome to the official page of Atty. Cindee Guno! I'm Atty. Cindee, your go-to legal confidante.

I'm also passionate about Montessori Philosophy and Gentle Parenting in raising children.

โš–๏ธ ABOT-KAMAY NA KATARUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYANMatagumpay na naisagawa sa Bongabong ang Synchronized Barangay Le...
22/09/2026

โš–๏ธ ABOT-KAMAY NA KATARUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN

Matagumpay na naisagawa sa Bongabong ang Synchronized Barangay Legal Aid Day ng IBP Oriental Mindoro Chapter bilang bahagi ng Law Month 2026.

Maraming salamat sa mga abogado mula sa ibaโ€™t ibang lugar na naglaan ng oras at kaalaman upang magbigay ng libreng legal advice, notarization, at legal education sa ating mga kababayan.

Saludo sa lahat ng barangay officials, empleyado ng pamahalaan at ating mga kababayan na naglingkod at nakibahagi.

Serbisyong legal. Kaalaman sa batas. Katarungang mas abot-kamay.

Ngayong araw, September 14, 2026, naging bahagi tayo ng Legal Aid Caravan ng IBP Oriental Mindoro Chapter, bilang suport...
14/09/2026

Ngayong araw, September 14, 2026, naging bahagi tayo ng Legal Aid Caravan ng IBP Oriental Mindoro Chapter, bilang suporta sa Handog ng Pangulo Program, dito sa Provincial Capitol Complex Calapan City.

Maraming salamat sa mga volunteer lawyers, organizers, partner agencies, at lahat ng naging bahagi ng Legal Aid Caravan.

Higit sa lahat, salamat sa ating mga kababayan sa kanilang tiwala.

Patuloy tayong lalapit, makikinig, at tutulong. Dahil ang serbisyo publiko ay higit na may saysay kapag nararamdaman ito ng tao.


โš–๏ธ Mas malapit na serbisyong legal para sa ating mga kababayan.Sa pagdiriwang ng Law Month, makikiisa ang IBP Oriental M...
13/09/2026

โš–๏ธ Mas malapit na serbisyong legal para sa ating mga kababayan.

Sa pagdiriwang ng Law Month, makikiisa ang IBP Oriental Mindoro Chapter sa pagbibigay ng libreng legal assistance sa ating mga komunidad.

Sa September 18, 8:00 AMโ€“1:00 PM, magkakaroon ng Katarungang Pambarangay Seminars, Free Legal Consultations, at notarization ng simple documents at affidavits sa iba't ibang lugar sa Oriental Mindoro.

๐Ÿ“ Panlanao Gym, Sagana, Bongabong
๐Ÿ“ Parang, Calapan City
๐Ÿ“ Brgy. Matulatula, Pola
๐Ÿ“ Zone 4, Socorro
๐Ÿ“ Sta. Maria Village, Calapan
๐Ÿ“Œ Special Extension: Socorro โ€” September 22

Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagtanong, makakuha ng paunang gabay tungkol sa kanilang mga legal concerns at makapag panotaryo ng mga simpleng dokumento at affidavits.

Ang kaalaman sa batas ay kapangyarihan. At ang serbisyong legal ay dapat abot ng bawat mamamayan.

โš–๏ธ ABOT-KAMAY NA KATARUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYANSa pagdiriwang ng Law Month 2026, magkakaroon ng Synchronized Bar...
10/09/2026

โš–๏ธ ABOT-KAMAY NA KATARUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN

Sa pagdiriwang ng Law Month 2026, magkakaroon ng Synchronized Barangay Legal Aid Day ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) โ€“ Oriental Mindoro Chapter sa Bayan ng Bongabong.

Layunin ng programang ito na mailapit sa ating mga komunidad ang mga serbisyong legal at kaalaman tungkol sa batasโ€”upang mas maraming mamamayan ang magkaroon ng pagkakataong maunawaan ang kanilang mga karapatan at mga maaaring legal na remedyo.

๐Ÿ“ Panlanao Gym, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro
๐Ÿ“… September 18, 2026 (Friday)
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 1:00 PM

Ilan sa mga serbisyong hatid:

โš–๏ธ Free Preliminary Legal Advice para sa mga miyembro ng komunidad

โš–๏ธ Legal Education tungkol sa:
โ€ข Katarungang Pambarangay Law
โ€ข Small Claims Cases
โ€ข Basic Legal Procedures
โ€ข Common Civil, Family, and Property Disputes
โ€ข Iba pang available legal remedies

Kung naaangkop, maaari ring magkaroon ng referral sa Chapterโ€™s Legal Aid Office para sa karagdagang legal assistance.

Libre at bukas para sa ating mga kababayan.

Sapagkat ang hustisya ay hindi dapat malayo sa sinuman.

Serbisyong legal. Kaalaman sa batas. Katarungang mas abot-kamay.

SEPTEMBER 9, 2026 | MGA PUNDASYON PARA SA MAS MAGANDANG BUKAS Hindi lang lupa ang hinuhukay sa isang groundbreaking. May...
09/09/2026

SEPTEMBER 9, 2026 | MGA PUNDASYON PARA SA MAS MAGANDANG BUKAS

Hindi lang lupa ang hinuhukay sa isang groundbreaking. May mga pangarap na sinisimulan. May mga oportunidad na binubuksan.

Ngayong araw tayo ay nakiisa sa pag sisimula ng dalawang proyektong may direktang epekto sa ating mga kababayan

๐Ÿ“ Barangay Hagan โ€” isang Community Learning Center na matatagpuan sa Sitio Panluan

๐Ÿ“ Barangay Lisap โ€” isang Access Road na matatagpuan sa Sitio Housing

Dalawang proyekto, dalawang pangangailangan, iisang layunin: mas magandang serbisyo at mas magandang buhay para sa ating mga kababayan.

Sana, bawat pundasyong inilalatag ngayon ay maging daan tungo sa mas maraming oportunidad bukas.


Abot-Kamay na Katarungan. Isang pasasalamat po sa IBP Oriental Mindoro Chapter sa pagkakataong maging bahagi ng Legal Ai...
05/09/2026

Abot-Kamay na Katarungan.

Isang pasasalamat po sa IBP Oriental Mindoro Chapter sa pagkakataong maging bahagi ng Legal Aid and Community Outreach Program at makapagbahagi ng libreng serbisyong legal sa ating mga kababayan.

Ang kaalaman sa batas ay mas makabuluhan kapag naipapamahagi at nagagamit upang makatulong.

Patuloy sa paglilingkod.

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฑ๐—น๐˜† ๐—ท๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒ (๐—ฃ๐—–๐—Ÿ) ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ผ๐—ป...
03/09/2026

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฑ๐—น๐˜† ๐—ท๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฒ (๐—ฃ๐—–๐—Ÿ) ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญโ€“๐Ÿณ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

This week honors the vital role of councilors in building stronger communities through responsive legislation, ethical leadership, and dedicated public service. Together, we remain committed to creating meaningful change for every Bongabonense.

Happy PCL Week 2026!


PARA SA EDUKASYONG WALANG NAIIWAN. Kinikilala natin ang mahalagang papel ng ating mga IP teachers sa pagpapanatili ng ku...
26/08/2026

PARA SA EDUKASYONG WALANG NAIIWAN.

Kinikilala natin ang mahalagang papel ng ating mga IP teachers sa pagpapanatili ng kultura, wika, tradisyon at values.

Kaya itinataguyod ng Municipality of Bongabong ang Bongabong Indigenous Teacher Engagement Program (BITEP). Isang lokal na programa na naglalayong mag-engage ng mga kwalipikadong teachers upang makatulong sa paghahatid ng quality, inclusive, at culturally responsive education sa ating mga Indigenous Peoples communities.

Sa pamamagitan ng BITEP, sama-sama nating isinusulong ang isang Bongabong kung saan walang pangarap na dapat maging imposible dahil lamang sa lugar na kanyang pinagmulan.

SA EDUKASYON SA BONGABONG, MAY PAGKAKATAON, MAY INSPIRASYON.Masaya at buong pusong pasasalamat kong ibinabahagi ang pagk...
15/08/2026

SA EDUKASYON SA BONGABONG, MAY PAGKAKATAON, MAY INSPIRASYON.

Masaya at buong pusong pasasalamat kong ibinabahagi ang pagkakatatag ng Bongabong Educational Advancement Program (BEAP) sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 19, Series of 2026.

Bilang author at Chairperson ng Committee on Education, hangad ko na mas marami pa nating kabataan ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral, makapaghanda, at makamit ang kanilang mga pangarap.

Maraming salamat po sa ating butihing Mayor at sa buong 12th Sangguniang Bayan sa kanilang suporta at pagkakaisa sa pagsusulong ng BEAP.

Para sa edukasyon. Para sa kabataan. Para sa mas maaliwalas na kinabukasan ng Bongabong. ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Isang Makasaysayang Hakbang: Pagbubukas ng Dayalogo at Pagtataguyod ng KasunduanAtin pong muling pinangunahan bilang Com...
05/08/2026

Isang Makasaysayang Hakbang: Pagbubukas ng Dayalogo at Pagtataguyod ng Kasunduan

Atin pong muling pinangunahan bilang Committee on Legal Matters ang committee hearing at ocular inspection kaugnay ng boundary concern sa pagitan ng Barangay Masaguisi at Barangay Anilao. Kasama ang mga committee members na sina Hon. Melody Monreal. Hon. Jeffrey Alea and Hon. Jheremy Roman Ferias Abel.

Habang isinasagawa ang pagdinig ng committee, kapwa humiling ang dalawang barangay na mabigyan pa ng sapat na panahon upang makapag-usap.

Sa kabila ng mahabang panahon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang hangganan, maituturing itong isang makabuluhang tagumpay dahil sa wakas ay nagbukas ang magkabilang panig upang mag-usap at magsimulang bumuo ng isang kasunduan.

Naniniwala akong ang mga usaping may malalim na epekto sa komunidad ay hindi dapat madaliin. Ang isang kasunduang bunga ng bukas na diyalogo, paggalang sa bawat panig, at tamang proseso ay mas matibay at mas pangmatagalan.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa mga kinatawan ng Barangay Masaguisi at Barangay Anilao sa kanilang kahandaang makiisa at sa kanilang bukas na pag-iisip upang ipagpatuloy ang pag-uusap para sa pangmatagalang kasunduan. Lubos din ang ating pasasalamat sa mga resource persons mula sa DENR-CENRO, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Assessor's Office, at sa iba pang mga kawani ng pamahalaan.

Patuloy na magsisilbing katuwang ang Committee on Legal Matters sa pagtataguyod ng mga resolusyon para sa kapakanan ng ating mga barangay at ng buong Bongabong.

Address

BB2
Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Cindee Guno posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category