BM Stella Libanan

BM Stella Libanan Provincial President 2024–2026
Liga ng mga Barangay sa Pilipinas – Eastern Samar Chapter

❤️🫂

Work Day Friday, mga Ka-Liga! ❤️🫂Dumalo si BM Stella Libanan sa 49th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng East...
05/06/2026

Work Day Friday, mga Ka-Liga! ❤️🫂

Dumalo si BM Stella Libanan sa 49th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Eastern Samar ngayong June 5, 2026, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin at ordinansa para sa patuloy na pag-usad ng mga programa at serbisyo sa lalawigan.

Kabilang sa naging bahagi ng agenda ang pagbasa at pagsasaalang-alang ng mga nakaraang minutes ng sesyon, mga issues and concerns arising from the minutes, reference of business, committee reports, at iba pang mahahalagang usapin sa ilalim ng regular na sesyon.

Sa ilalim naman ng Committee on Finance and Appropriations, pinag-usapan ang mga annual budget ng ilang munisipalidad sa Eastern Samar, kabilang ang:

Sulat
Tinalakay ang kanilang FY 2026 Annual Budget na nagkakahalaga ng ₱170,625,895.00, kasama ang proposed amendment na magtataas ng budget sa ₱170,695,895.00, bunsod ng dagdag na ₱70,000.00 sa National Tax Allotment.

Jipapad
Isinaalang-alang ang kanilang FY 2026 Annual Budget na nagkakahalaga ng ₱174,909,969.76 para sa operasyon at mga kinakailangang gastusin ng lokal na pamahalaan.

General MacArthur
Tinalakay din ang kanilang FY 2026 Annual Budget na nagkakahalaga ng ₱158,739,669.00.

Llorente
Kasama rin sa agenda ang FY 2026 Annual Budget ng Llorente na nagkakahalaga ng ₱298,082,823.03 para sa General Fund Proper, at ₱4,657,000.00 para sa Local Economic Enterprise, partikular sa Llorente Technical Institute.

Patuloy ang pakikiisa ni BM Stella Libanan sa mga sesyon at talakayan ng Sangguniang Panlalawigan upang masiguro na ang mga pondo at programa ng bawat bayan ay napag-aaralan, naiaayon, at naisasagawa para sa kapakanan ng mga Estehanon.

Lagi’t lagi, para sa serbisyo. Para sa barangay. Para sa Eastern Samar ❤️🫂✨

Mga Ka-Liga! Unang Lunes na ng Hunyo, hudyat na papalapit na naman ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong B...
31/05/2026

Mga Ka-Liga! Unang Lunes na ng Hunyo, hudyat na papalapit na naman ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Halos apat na taon na ang nakalipas sa kanyang termino. Kaya mahalagang itanong:

Kumusta na nga ba ang bansa?
Kumusta na ang buhay ng bawat Pilipino?
Ano pa ang kailangang marinig, aksyunan, at tugunan ng pamahalaan?

Kaya naman, mga Ka-Liga, oras na para kayo naman ang bumida at mapakinggan.

Ano ang inyong ?

Maaaring ito ay pangarap para sa inyong pamilya, hinaing sa inyong komunidad, o panawagan tungkol sa trabaho, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, agrikultura, presyo ng bilihin, serbisyo publiko, o iba pang isyung araw-araw ninyong nararanasan.

Ibahagi ang inyong boses, mga Ka-Liga.

Dahil sa bawat kuwento, may pangangailangan.
Sa bawat hinaing, may panawagan.
At sa bawat mamamayan, may karapatang mapakinggan.

I-comment niyo na ang inyong .

29/05/2026
29/05/2026
EID’L AL ADHA MUBARAK! 🌙Nakikiisa si BM Stella Maris Libanan at ang Liga ng mga Barangay, Eastern Samar sa ating mga kap...
26/05/2026

EID’L AL ADHA MUBARAK! 🌙

Nakikiisa si BM Stella Maris Libanan at ang Liga ng mga Barangay, Eastern Samar sa ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Al Adha.

Sa araw na ito, ginugunita natin ang diwa ng pananampalataya, sakripisyo, pagmamahalan, at pagkakaisa.

Dalangin natin ang kapayapaan, kasaganaan, at patuloy na pagpapala para sa bawat pamilyang Estehanon, lalo na sa ating mga kapatid na Muslim na nagsisilbing bahagi ng mas makulay at mas matatag na komunidad ng Eastern Samar.

Mula kay BM Stella Libanan, isang mapagpalang Eid’l Al Adha Mubarak sa inyong lahat! ✨

26/05/2026
24/05/2026

WSM episode ❤️

KA-LIGA UPDATE! ❤️🫂Dumalo si BM Stella Maris Libanan, bilang Liga ng mga Barangay Eastern Samar President, sa 47th Regul...
19/05/2026

KA-LIGA UPDATE! ❤️🫂

Dumalo si BM Stella Maris Libanan, bilang Liga ng mga Barangay Eastern Samar President, sa 47th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Eastern Samar nitong May 19, 2026, kung saan tinalakay ang mahahalagang ordinansa at usaping may direktang epekto sa ating mga komunidad.

Kabilang sa mga agenda ang pagsusuri sa mga municipal ordinance mula sa iba’t ibang bayan, tulad ng regulasyon sa pagpaparenta ng heavy equipment sa Salcedo, pagbabawal sa stray animals na gumagala sa pampublikong lugar, paglikha ng karagdagang posisyon sa lokal na pamahalaan, at pagpapatupad ng easement requirements para sa bagong konstruksyon sa Can-avid.

Tinalakay rin ang mga panukalang may kinalaman sa kapayapaan, kaayusan, at serbisyo sa barangay, kabilang ang rules sa administrative cases laban sa elective barangay officials sa San Julian, pagtatayo ng General MacArthur Skills Training Center, year-end incentives para sa mga accredited barangay tanod ng Llorente, at pagbabawal sa loud or modified mufflers na nagdudulot ng sobrang ingay sa komunidad.

Kasama rin sa agenda ang pag-review sa Annual Budget ng Guiuan para sa Fiscal Year 2026, na naglalayong pondohan ang mga programa, serbisyo, at proyektong kailangan ng mga Guiuananon.

Patuloy ang pakikiisa ni BM Stella sa mga talakayang nakatuon sa maayos na pamamahala, mas ligtas na komunidad, at mas abot-kamay na serbisyo para sa bawat barangay.

Bida ang Alagang Liga! ✨❤️🫂

GANAP NA BATAS NA! 🐶Opisyal nang nailathala sa pahayagan ang Eastern Samar Anti-Rabies and Stray Dog Control Ordinance o...
18/05/2026

GANAP NA BATAS NA! 🐶

Opisyal nang nailathala sa pahayagan ang Eastern Samar Anti-Rabies and Stray Dog Control Ordinance of 2026, na akda ni BM Stella Maris Libanan.

Layunin ng ordinansang ito na mas palakasin ang proteksyon ng bawat komunidad laban sa rabies, isulong ang responsableng pag-aalaga ng a*o at pusa, at gawing mas ligtas ang ating mga tahanan sa buong Eastern Samar.

Para ito sa tao, hayop, at komunidad.

📌 Scan the QR code to read the full ordinance.

Bida ang Alagang Liga!

Address

Borongan

Telephone

+639564281714

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BM Stella Libanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BM Stella Libanan:

Share