DepEd De La Paz Elementary School

DepEd De La Paz Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd De La Paz Elementary School, Public School, Buenavista.

04/08/2026
Sulyapi Areh!Dela Paz ES, Nag-uwi ng Ginto at Pilak sa Palarong Pambayan 2026BUENAVISTA, Quezon — Muling ipinamalas ng m...
01/08/2026

Sulyapi Areh!

Dela Paz ES, Nag-uwi ng Ginto at Pilak sa Palarong Pambayan 2026

BUENAVISTA, Quezon — Muling ipinamalas ng mga mag-aaral ng De La Paz Elementary School (DLPES) ang kanilang husay sa larangan ng palakasan matapos magwagi sa Palarong Pambayan bilang kinatawan ng Buenavista I – Zone 3 na ginanap noong Agosto 1, 2026.

Nasungkit ni Khate Jeshia N. Orcine ang Gold Medal sa Chess Girls at 3rd place naman si Jervin Padua sa Chess Boys sa ilalim ng paggabay ng kanilang coach na si Mrs. Maricris A. Torres.

Samantala, nagkamit naman ng Silver Medal ang koponan ng Sepak Takraw Boys na binubuo nina Lance Dareen H. Orcine, Michael Angelo Dionco, John Rafael Roldan, at Saijan Jhay Lorence Macaraig, sa pangunguna ng kanilang coach na si Mrs. Azel Jane N. Oliveros.

Pinangunahan ni Mrs. Violeta F. Oxiano, Principal I, ang pagbati sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa paaralan. Aniya, ang tagumpay ng mga mag-aaral ay bunga ng kanilang pagsisikap, disiplina, at determinasyon, gayundin ng 100% na suporta ng mga g**o at mga magulang ng De La Paz Elementary School, na nagsilbing inspirasyon at lakas ng loob ng mga manlalaro sa buong kompetisyon.

Patunay ang nasabing tagumpay sa matatag na pagtutulungan ng pamunuan ng paaralan, mga g**o, mga magulang, at mga mag-aaral sa pagtataguyod ng kahusayan sa larangan ng palakasan.

Sulyapi Areh!Anti-Bullying Symposium, Isinagawa sa De La Paz ES upang Isulong ang Ligtas na Kapaligiran sa Paaralan DE L...
28/07/2026

Sulyapi Areh!

Anti-Bullying Symposium, Isinagawa sa De La Paz ES upang Isulong ang Ligtas na Kapaligiran sa Paaralan

DE LA PAZ, Buenavista, Quezon, Hulyo 24, 2026 — Nagsagawa ng Anti-Bullying Symposium ang Buenavista Municipal Police Station (BMPS) sa De La Paz Elementary School bilang bahagi ng pagpapatibay ng kamalayan ng mga mag-aaral laban sa pambu-bully at pagsusulong ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan.

Pinangunahan nina Police Corporal Alexander D. Antes Jr., Chief ng Police Community Relations (PCR), at Patrolman Mark Anthony M. Caranzo, Assistant PCR, ang talakayan para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6. Tinalakay nila ang iba’t ibang anyo ng bullying, ang epekto nito sa mga biktima, at ang kahalagahan ng paggalang, malasakit, at agarang pag-uulat ng anumang insidente ng pambu-bully.

Isinagawa ang programa sa pangunguna ni Police Major Lawrence V. Panganiban, Officer-in-Charge ng Buenavista Municipal Police Station, bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga paaralan upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng symposium, higit na napalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagbuo ng isang mapayapa, ligtas, at bullying-free na komunidad sa paaralan.

Address

Buenavista
4320

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639107631958

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd De La Paz Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd De La Paz Elementary School:

Shortcuts

Share

Category