03/09/2026
Sa wakas, isang maayos at disenteng tahanan para sa ating mga pamilyang Masigasig, ang ating minamahal na Friends Rescued. ❤️🏠
Tapos na ang mga araw ng napakahirap at walang kasiguraduhang pamumuhay. Ngayon, isang panibagong yugto ang nagsisimula, isang buhay na kasama ang pamilya, malayo sa takot, at puno ng pag-asa para sa kinabukasan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating mga katuwang na National Government Agencies, lalong-lalo na sa OPAPRU, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Norte sa pamumuno ni Governor Angel Amante, at sa 544th Engineer Battalion sa pamumuno ni LTC ALLAIN FUENTES sa paggawa ng pangarap na ito na isang realidad.
Higit pa sa bahay ang ating naitayo. Ito ay tahanan kung saan muling mabubuo ang pamilya, payapang lalaki ang mga anak, at magsisimula ang panibagong buhay.
Sa wakas, makakauwi na rin kayo. Welcome home. ❤️