29/09/2026
Sa paghupa ng baha, unti-unti ring nagsisimula ang pagbangon.
Matapos ang tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha, maraming daanan sa loob ng ating mga barangay ang naiwan na maputik, lubak-lubak, at mahirap nang daanan.
Kaya nagpaabot po tayo ng panambak sa ilang mga daanan sa Brgy. Pantal, Brgy. Asinan, Brgy. Magtaking, at Brgy. Buenlag upang makatulong sa pag-aayos at muling pagpapagamit ng mga access roads na naapektuhan.
Hindi man ito malaking proyekto, alam po natin na malaking tulong ang isang maayos na daan sa mga pamilyang araw-araw itong ginagamit.
Humupa man ang baha, tuloy naman ang ating pagkilos para sa mga naiwan nitong problema.
Patuloy po tayong tutulong, isang daan, isang pamayanan, isang kababayan sa bawat pagkakataon.
Ito po ang inyong Bise Mayor Benjie Madriguera. Bisyo ang Magserbisyo—ng personal at may puso para sa inyo. ✅