25/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: Tinanggap ni Luis Velo Rosas ang halagang โฑ138,000.00 mula sa Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa harapan nina Mayor Victor R. Condez, MSWDO Ladylove B. Requintina at representante ng DSWD RO6 ngayong araw, Hunyo 25.
Si Rosas ay tubong Ilaures na nalipagsapalaran sa Maynila. Hindi man pinalad sa buhay, pero dahil sa Pag-abot Program (dating tinatawag na Oplan Pag-Abot) ay nabigyan ng pagkakataon na maiahon sa kahirapan nang mabigyan ng tulong pinansyal na ginamit pambili ng bagong motorcycle para sa tricycle na gagamitin sa pamamasada.
Ang natitirang pera ay gagamitin niya umano para maipaayos ang kanilang tirahan.
๐ทBeny