03/09/2026
💙💛 MARAMING SALAMAT SA PAGBISITA SA BAYAN NG BUGUEY!
Buong-pusong nagpapasalamat ang Bayan ng Buguey sa pamumuno ng ating butihing alkalde Mayor Ceri Antiporda sa Department of Education – Schools Division of Cagayan at sa lahat ng mga delegates, organizers, educators, school heads, coaches, mentors, mag-aaral, at mga magulang na bumisita at nakibahagi sa makabuluhan at matagumpay na Division Science and Technology Fair 2026 dito sa ating bayan.
Isang karangalan para sa Buguey na maging bahagi ng isang napakahalagang pagtitipon na nagbibigay-halaga sa agham, teknolohiya, pananaliksik, pagkamalikhain, at inobasyon ng kabataang Cagayano.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Dr. Gerry Goze, Division Supervisor, sa kanyang pamumuno, suporta, at pakikiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito. 👏
Isang malaking MARAMING SALAMAT PO sa ating mga magagaling na g**o ng Buguey, sa pangunguna ni Dr. Ellen Bosi, na walang pagod na gumabay, humubog, at nagbigay ng inspirasyon sa ating mga mag-aaral.
Sa lahat ng Punong G**o, maraming salamat po sa inyong pamumuno at patuloy na suporta sa ating mga g**o at mag-aaral.
At higit sa lahat, sa mga magulang ng ating mga kalahok, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, sakripisyo, at pagmamahal. Kayo ang isa sa mga haligi ng tagumpay ng ating mga anak. ❤️