26/02/2026
📢 PAALALA SA LAHAT NG BUMIBISITA SA BULA CHILDREN’S PARK 🌳👧👦👵👨
Ang Bula Children’s Park ay isang safe space at green space ng ating komunidad. Ito ay bukas para sa lahat ng edad at isang pampublikong lugar kung saan maaaring maglaro ang mga bata, makapagpahinga ang pamilya, at makakonekta ang bawat isa sa kalikasan. 🌿
Bilang isang pampublikong lugar, inaasahan ang tamang asal, respeto, at maayos na pag-uugali mula sa lahat ng bumibisita.
📌 Mga Paalala at Alituntunin:
✅ Panatilihin ang kalinisan. Itapon ang basura sa tamang basurahan.
✅ Bantayan ang mga bata sa lahat ng oras.
✅ Igalang ang kapwa bisita at panatilihin ang maayos na pakikitungo.
✅ Panatilihin ang mahinahon at disenteng pananalita.
✅ Iwasan ang pagsigaw, malalakas na pag-uusap, at paggamit ng mga salitang hindi angkop sa mga bata.
✅ Gamitin nang maayos at may pag-iingat ang mga kagamitan at pasilidad ng parke.
✅ Igalang at pangalagaan ang kapaligiran at mga halaman.
🚫 Mahigpit na Ipinagbabawal:
❌ Anumang uri ng karahasan, pananakit, o pakikipag-away
❌ Public Display of Affection (PDA) at anumang kalaswaan
❌ Pag-inom ng alak, paninigarilyo, o paggamit ng ipinagbabawal na gamot
❌ Pagdadala ng matutulis o mapanganib na bagay
❌ Paninira o vandalism sa mga pasilidad
❌ Pagputol ng kahoy o pagsira sa mga puno
❌ Pamimitas ng mga bulaklak at halaman
❌ Pagkuha o pag-aalis ng anumang bagay sa loob ng parke nang walang pahintulot
Maaaring magbigay ng mga suhestyon upang mas mapaganda at mapaayos pa ang parke, at ito ay aming malugod na tinatanggap. Gayunpaman, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pagsira o pagkuha ng mga kagamitan at halaman nang walang kaukulang pahintulot.
Ang sinumang lalabag sa mga alituntunin ay maaaring paalalahanan, paalisin, o patawan ng kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na ordinansa.
Sama-sama nating pangalagaan ang Bula Children’s Park bilang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang lugar para sa lahat. 💚🌿