28/08/2026
Matagumpay na isinagawa noong Agosto 25–27, 2026 ang Capacity Building at Technical Training sa mga Produktong Seaweed Value-Added, Organizational Development, at Financial Literacy para sa mga benepisyaryo ng HDPE Seaweed Cage Project, na nilahukan ng mga miyembro ng Caringo Seaweed Farmers Association ng Camarines Norte. Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng National Seaweed Technology and Development Center (NSTDC).
Sa isinagawang pagsasanay, ipinakilala sa mga kalahok ang iba't ibang produktong maaaring gawin mula sa seaweed sa pamamagitan ng hands-on demonstration at aktwal na paghahanda ng mga produkto. Kabilang dito ang Seaweed P**o, Seaweed Cracknels, Seaweed Pickles, at Seaweed Pansit.
Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit upang makalikha ng karagdagang pagkakakitaan.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman at teknikal na kasanayan ng mga kalahok sa pagbuo at pagproseso ng mga produktong mula sa seaweed na makatutulong sa paglikha ng karagdagang oportunidad sa kabuhayan at pagpapataas ng potensyal na kita ng samahan ng mga seaweed farmers.
Bukod dito, binigyang-diin sa mga talakayan tungkol sa Financial Literacy at Organizational Development ang kahalagahan ng wastong pamamahala ng pananalapi, maayos na pagpapatakbo ng organisasyon, at responsableng paggawa ng mga desisyon. Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga aspetong ito, mas nagiging handa ang mga People’s Organizations (POs) na pamahalaan ang kanilang mga resources, mapanatili ang kanilang mga livelihood projects, makamit ang kanilang mga layunin, at epektibong harapin ang mga hamon at oportunidad.