BFAR Bikol

BFAR Bikol The official page of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office No. 5

Caringo Seaweed Farmers, Pinalakas ang Kakayahan sa Seaweed Value-Adding, Financial LiteracyPinalakas ng DA-Bureau of Fi...
04/09/2026

Caringo Seaweed Farmers, Pinalakas ang Kakayahan sa Seaweed Value-Adding, Financial Literacy

Pinalakas ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bikol ang kakayahan ng mga seaweed farmers sa pagproseso ng mga produktong mula sa seaweed at pamamahala ng kanilang samahan sa pamamagitan ng tatlong-araw na capacity-building at technical training na isinagawa noong Agosto 25โ€“27, 2026.

Lumahok sa aktibidad ang mga miyembro ng Caringo Seaweed Farmers Association ng Camarines Norte na mga benepisyaryo ng HDPE Seaweed Cage Project. Pinangunahan ito ng BFAR V sa pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng National Seaweed Technology and Development Center (NSTDC).

Tampok sa pagsasanay ang hands-on demonstration at aktwal na paghahanda ng mga seaweed value-added products, kabilang ang Seaweed P**o, Seaweed Cracknels, Seaweed Pickles, at Seaweed Pansit. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa pagproseso at pagbuo ng mga produktong maaaring maging karagdagang pagkakakitaan.

Bukod sa technical training, isinama rin sa aktibidad ang mga talakayan hinggil sa Financial Literacy at Organizational Development upang mapalakas ang kakayahan ng samahan sa wastong pamamahala ng pananalapi, maayos na pagpapatakbo ng organisasyon, at responsableng paggawa ng mga desisyon.

Binigyang-diin din sa mga talakayan ang kahalagahan ng mahusay na pamamahala ng resources upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga livelihood projects, makamit ang mga layunin ng Peopleโ€™s Organization (PO), at maging mas handa sa mga hamon at oportunidad sa kanilang kabuhayan.
โœ๏ธJade Tud

๐Ÿ“ข ONSITE REGISTRATION IS NOW OPEN! ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธGood news, runners! You can now register onsite for MMK. OK! โ€“ Takbo para sa ...
31/08/2026

๐Ÿ“ข ONSITE REGISTRATION IS NOW OPEN! ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ

Good news, runners! You can now register onsite for MMK. OK! โ€“ Takbo para sa Malinis at Masaganang Katubigan ๐Ÿ’™๐ŸŒŠ

๐Ÿ“ Ayala Malls Legazpi
Ground Floor, near Serenetea / Haru-Haro
๐Ÿ•š Daily | 11:00 AM โ€“ 7:00 PM

๐Ÿ“… Race Day: September 26, 2026 | 3:00 PM
๐Ÿ“ Sawangan Park, Legazpi City

Donโ€™t miss your chance to be part of this meaningful run! ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿ’™
Register now and get letโ€™s run for cleaner and more abundant waters! ๐ŸŒŠ

Ngayong ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nakaukit sa kasaysayan. Kasabay nito, kinikilala ri...
31/08/2026

Ngayong ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nakaukit sa kasaysayan. Kasabay nito, kinikilala rin natin ang mga Pilipinong mangingisda na araw-araw na nagsisikap para sa ating bayan.

Bago pa sumikat ang araw, tumatawid na sila sa alon. Sa bawat paghagis ng lambat, paglalayag, at pag-uwi dala ang kanilang huli, bitbit nila ang pag-asa para sa kanilang pamilya at pagkain para sa bawat Pilipino.

Sila ang mga Mangingisdang Bayani: tahimik na nagsisikap, matatag sa gitna ng hamon, at patuloy na nag-aambag sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng bansa.

Saludo kami sa ating mga bayani at sa bawat Mangingisdang Pilipino!

โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”
Dahil dito, ipinababatid sa publiko na ๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐’๐Ž๐Š sa Department of Agricultureโ€“Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ngayong Agosto 31, 2026, bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Magbabalik ang regular na operasyon ng tanggapan sa Martes, Setyembre 1, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ngayong ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข, ating binibigyang-pugay ang mga bayaning nakaukit sa kasaysayan. Kasabay nito, kinikilala rin natin ang mga Pilipinong mangingisda na araw-araw na nagsisikap para sa ating bayan.

Bago pa sumikat ang araw, tumatawid na sila sa alon. Sa bawat paghagis ng lambat, paglalayag, at pag-uwi dala ang kanilang huli, bitbit nila ang pag-asa para sa kanilang pamilya at pagkain para sa bawat Pilipino.

Sila ang mga Mangingisdang Bayani: tahimik na nagsisikap, matatag sa gitna ng hamon, at patuloy na nag-aambag sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng bansa.

Saludo kami sa ating mga bayani at sa bawat Mangingisdang Pilipino!

โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”
Dahil dito, ipinababatid sa publiko na ๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐’๐Ž๐Š sa Department of Agricultureโ€“Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ngayong Agosto 31, 2026, bilang paggunita sa Araw ng mga Bayani.

Magbabalik ang regular na operasyon ng tanggapan sa Martes, Setyembre 1, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para sa agarang usapin o pangangailangan, maaaring makipag-ugnayan at magpadala ng mensahe sa [email protected] sa kaukulang aksyon.

29/08/2026

MAY PABORITO KA NA BA? ๐ŸŽถ๐Ÿ’™

Narito na ang mga opisyal na entries sa MMK 2.0 Jingle Making Contest!

Region: BFAR Bikol
Jingle Title: Ating Igalang
Composer/Music: Jawaid Razon Banaag

Ibaโ€™t ibang himig. Ibaโ€™t ibang estilo. Ngunit iisa ang hamon:
Sino ang pinaka-tatatak sa pandinig at puso ng publiko?


Ipakita ang inyong suporta sa pamamagitan ng pag-LIKE/REACT at pag-SHARE sa mismong entry na inyong napupusuan!

๐Ÿ‘ LIKE/REACT โ€“ para sa inyong paboritong entry
๐Ÿ”„ SHARE โ€“ para mas marami ang makarinig at makasuporta

๐Ÿ† Ang entry na makakakuha ng pinakamaraming LIKE/REACT at SHARES ang tatanghaling Social Media Choice Award!

Aling jingle kaya ang tunay na tatatak sa inyong puso? ๐Ÿ’™๐ŸŸ

๐Ÿ“… Voting Period: August 29โ€“September 2, 2026
โฐ Cut-off: September 2, 2026, 5:00 PM

Abangan ang pagkilala sa mga mananalo ng MMK 2.0 Jingle Making Contest sa gaganaping 63rd Fish Conservation Week ngayong Setyembre!

๐—ง๐—”๐—ž๐—•๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—กKung ikaw ay baguhan o batikang mananakbo, tara na, makiisa at tumakbo para...
28/08/2026

๐—ง๐—”๐—ž๐—•๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ง๐—จ๐—•๐—œ๐—š๐—”๐—ก

Kung ikaw ay baguhan o batikang mananakbo, tara na, makiisa at tumakbo para sa malinis at masaganang katubigan!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo) at Fish Conservation Week, inaanyayahan ng DA-BFAR Bicol ang mga organisasyon, pamilya, kabataan, at mga komunidad sa buong rehiyon na magsama-sama at maging bahagi ng kasaysayan sa kauna-unahang MMK Run, Takbo para sa Malinis at Masaganang Katubigan!

๐Ÿ“… Setyembre 26, 2026 | Sabado | 3:00 PM
๐Ÿ“ Sawangan Park, Legazpi City

MARI NA, Dalagan Kita! MMK, OK!

๐Ÿ“ฒ I-scan ang QR code para magparehistro.

Para sa detalye at mga katanungan, maaaring makipag ugnayan kay: Reymark Montas, 09171151002.




๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฒ-๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—น ๐—ฅ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟIsinagawa ang Livelihood Skills Training ...
20/08/2026

๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐˜€ ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฒ-๐—”๐—ฑ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—œ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜€๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—น ๐—ฅ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ

Isinagawa ang Livelihood Skills Training on Bangus Deboning and Fish Value-Adding para sa 30 miyembro ng Asosasyon kan Sadit na Parasisira kan Bikol River ngayong araw, Agosto 20, 2026 sa PSO Training Hall, Naga City.

Pinangunahan ng BFAR FPSSDโ€“ Fisheries Post-Harvest and Marketing Section sa pakikipagtulungan ng Naga City Agriculture Office, ang pagsasanay na nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagproseso at value-adding ng mga produktong isda.

Bilang bahagi ng aktuwal na pagsasanay, tinuruan ang mga kalahok ng wastong proseso ng pagde-debone ng bangus at paghahanda ng mga produktong maaaring iproseso at ibenta, kabilang ang fish patties at fish siomai.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga mangingisda ng praktikal na kasanayan sa fish processing at value-adding upang magkaroon sila ng karagdagang oportunidad sa kabuhayan, mapataas ang halaga ng kanilang produktong isda, at makatulong sa pagpapalakas ng kita ng kanilang pamilya at asosasyon.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, patuloy na pinalalakas ng BFAR ang kakayahan ng mga mangingisda hindi lamang sa produksyon kundi maging sa pagproseso, pagnenegosyo, at paglikha ng mas mataas na halagang produktong pangisdaan.

BFAR 5 Nagdaos ng Capacity Building Training sa Fishpond Engineering at Valuation of ImprovementsIsinagawa ang tatlong a...
20/08/2026

BFAR 5 Nagdaos ng Capacity Building Training sa Fishpond Engineering at Valuation of Improvements

Isinagawa ang tatlong araw na Capacity Building Training for Fishpond Lease Officers on Fishpond Engineering noong Agosto 11โ€“13, 2026 sa RFTFCD Training Hall, Tayhi, Tabaco City.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing konsepto sa site selection and evaluation of existing areas; environmental and physical factors; fishpond layout and design; water control structures; program of work and schedule of farm/project improvements; project cost estimation at mga legal na usapin kaugnay ng fishpond leasing. Kabilang din sa programa ang presentasyon at talakayan ng Draft Guidelines on the Valuation of Improvements, project presentation, synthesis, at open forum.

Isinagawa rin ang mga praktikal na gawain upang mailapat ng mga kalahok ang mga konseptong tinalakay, kabilang ang pagtukoy ng pace factor, pagsukat at pagkukuwenta ng lawak ng pond area, pagkukuwenta ng volume ng pond at d**e, at pagtataya ng kabuuang halaga ng konstruksyon ng d**e.

Sa open forum, tinalakay ang mga kasalukuyang usapin kaugnay ng Fishpond Lease Agreement (FLA), suporta sa fishpond construction, mga umiiral na patakaran at regulasyon sa paggamit ng heavy equipment para sa konstruksyon, gayundin ang mga tungkulin ng Fishpond Lease Officers sa pagtugon sa mga kahilingan ng kliyente at pagsusuri ng mga kinakailangang dokumento para sa compliance.

Sa pamamagitan ng capacity building activity, inaasahang higit na mapalalakas ang kakayahan ng mga Fishpond Lease Officers sa teknikal na inspeksyon, pagsusuri, at wastong pagpapahalaga sa mga improvement sa mga fishpond area, alinsunod sa binubuong mga panuntunan at umiiral na regulasyon.
-Jahnee Sullegue

๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐˜‚๐—ฒ ๐—ฆ๐˜„๐—ถ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ, ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€โ€™ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒNagtipon ang mga pangunahing stakeholder n...
20/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—น๐˜‚๐—ฒ ๐—ฆ๐˜„๐—ถ๐—บ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ, ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€โ€™ ๐——๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜‚๐—ฒ

Nagtipon ang mga pangunahing stakeholder ng blue swimming crab industry sa Bicol sa Regional Blue Swimming Crab Stakeholdersโ€™ Dialogue na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 5 noong Agosto 19, 2026 sa Mago Hall, DA RFO 5, Pili, Camarines Sur, bilang bahagi ng patuloy na konsultasyon at koordinasyon ng BFAR sa mga sektor na may mahalagang papel sa industrya.

Tinalakay sa dayalogo ang kasalukuyang kalagayan ng blue swimming crab sa rehiyon, mga resulta ng pagsusuri, at mga hakbang para sa mas maayos at sustenableng pamamahala ng blue swimming crab resources.

Ibinahagi ni Carlos Gonzales, NSAP Assistant Project Leader, ang kasalukuyang kalagayan ng blue swimming crab sa rehiyon, na sinundan ng oryentasyon sa Fisheries Administrative Order (FAO) 277 na tinalakay ni Atty. Nilo B. Consuelo, Chief ng Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD).

Pinangunahan naman ni Sheryll V. Mesa ng National Blue Swimming Crab Secretariat ang talakayan sa Comparability Findings at BFAR Action Plan, habang inilahad ni Maria Aimee A. Sobrevega, National Blue Swimming Crab Technical Working Group (BSC-TWG) Member, ang mga mandatory form para sa blue swimming crab.

Naglahad din si Dr. Lemnuel V. Aragones, founder ng Philippine Marine Mammal Stranding Network (PMMSN) at propesor sa University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology (UP IESM), ng mga update hinggil sa marine mammal strandings sa Bicol at mga paunang resulta ng isinagawang pag-aaral hinggil sa Irrawaddy dolphin sa San Miguel Bay.

Layunin ng patuloy na dayalogo na palakasin ang collaborative efforts ng BFAR at mga stakeholder tungo sa sustainable, responsible, at science-based management ng blue swimming crab fishery sa bansa. Bahagi rin ng layunin ng aktibidad ang pagpapalakas ng Information, Education, and Communication (IEC) campaign hinggil sa FAO 277 upang higit na maipabatid sa mga stakeholder ang mga umiiral na regulasyon at responsableng pangangasiwa sa blue swimming crab fishery, gayundin ang pagpapalaganap ng kamalayan at suporta para sa Marine Mammal Protection.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapalalakas ang pakikilahok ng mga stakeholder sa pangangalaga ng yamang-dagat at pagpapatupad ng mga hakbang para sa sustainable fisheries management at proteksiyon sa marine mammals.

Dumalo rin sa dayalogo ang mga miyembro ng National BSC-TWG na pinangunahan ni TWG Chair Remia A. Aparri, BFAR VI Regional Director, kasama sina BFAR V Regional Director Ariel U. Pioquinto; BFAR IV-B Regional Director Roberto R. Abrera; BFAR NIR Regional Director Rene B. Parreรฑo; BFAR VII Regional Director Mario N. Ruinata; at BFAR XI Regional Director Relly B. Garcia.
-Rica Sophia Lopez

๐‘ด๐’–๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’Ž๐’–๐’๐’‚, ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚!Sa Mobo Demonstration Fish Farm and Nursery Satellite Station, sinimulan natin ang isan...
19/08/2026

๐‘ด๐’–๐’๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’Š๐’Ž๐’–๐’๐’‚, ๐‘ด๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚!

Sa Mobo Demonstration Fish Farm and Nursery Satellite Station, sinimulan natin ang isang mahalagang hakbang para sa mas matatag na fisheries sector ng Masbate, ang pagtatatag ng Training Center and Administration Building na magsisilbing sentro ng kaalaman, pagsasanay, teknolohiya, at oportunidad para sa ating mga fisherfolk.

Kasama natin sa mahalagang hakbang na ito sina PGAHD/OIC-PENRO Mx. Fida R. Valdemoro, kasama ang mga kawani ng Provincial Office on Environment and Natural Resources Management (POENRM) at mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na patuloy na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng sustainable fisheries development.

Kasabay nito, isinagawa natin ang ceremonial stocking and release ng 60,000 bangus fingerlings, isang konkretong hakbang tungo sa mas maraming oportunidad at mas matatag na kabuhayan para sa ating mga kababayan.

Patuloy nating sisikaping gawing produktibo at sustainable ang ating yamang-tubig, dahil ang bawat biyayang inaalagaan natin ngayon ay maaaring maging kabuhayan, pagkain, at pag-asa ng susunod na henerasyon.

Maliit na simula. Malaking oportunidad. Mas matatag na kabuhayan para sa bawat Masbateรฑo.๐ŸŸ๐ŸŒŠ

Address

Fabrica
Bula

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BFAR Bikol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BFAR Bikol:

Shortcuts

Share