09/03/2026
Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng Bulakan
Isinagawa ang ika-31 pangkaraniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan kung saan tinalakay ang ibaโt ibang panukalang ordinansa, resolusyon, at mga usaping may kaugnayan sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bayan. Inilahad din ang mga panukalang nangangailangan ng pagsusuri at pag-aaral ng mga kaukulang lupon.
Sa pamamagitan ng mga deliberasyon at koordinasyon ng mga kasapi ng Sanggunian, patuloy na hinahanap ang mga hakbang at solusyon upang mas mapabuti ang serbisyo at mga programang inihahatid sa mamamayan ng Bulakan.