09/08/2026
PATULOY NA PAG-ULAN, RESPONDERS NAKAALERTO; SAFETY RESPONSE PINAIIGTING ‼️
Sa atas ng ating Punong Bayan, Mayor Vergel C. Meneses, at sa pangunguna ni MDRRM Officer 3 Ma’am Rosario C. Mariano, patuloy ang ginagawang monitoring, assessment, at safety response ng mga responders ngayong araw kaugnay ng patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Bukod sa regular na monitoring ng water level sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng pagbaha, nagsagawa rin ang MDRRMO ng assessment at pagberipika sa bilang ng mga evacuees sa apektadong barangay upang matiyak na maayos ang kanilang kalagayan at pangangailangan.
Bilang bahagi rin ng agarang paghahanda para sa mga residenteng lumikas, isinagawa ang pag-aayos at pagtatayo ng portable tents na magsisilbing pansamantalang tuluyan at pahingahan ng mga evacuees, lalo na sa mga nangangailangan ng matutuluyan habang patuloy ang masamang lagay ng panahon.
Samantala, Nakapagresponde rin ang ating mga responders sa isang emergency case, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng kalamidad at emergency.
Hinihikayat ang lahat ng residente na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na abiso, at agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad kung kinakailangan ng tulong o sakaling magkaroon ng emergency.
⚠️ Maging handa. Maging mapagmatyag. Unahin ang kaligtasan.
Sa bawat pag-ulan at pagsubok, patuloy ang aming pagbabantay at pagtugon para sa kaligtasan ng bawat Bulakenyo.
Patuloy ang aming pagbabantay. Patuloy ang aming serbisyo. 🇵🇭
📍 Bulakan, Bulacan
📅 August 9, 2026