19/09/2025
ISKOLAR PARA SA BAYAN!
Nakikiisa ang ONE MENESES laban sa mga gawaing taliwas sa katarungan at katotohanan. Mariin naming tinututulan ang KORAPSYON na sumisira sa ating bansa.
Ngayong araw naganap ang isang pagkilos sa Bulacan. Nagsimula ng alas-diyes ng umaga sa DPWH District 1 Bulacan Office ang pagkilos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Nagkakaisang Magbubukid ng Malolos kasama ang mga estudyante mula sa BulSU. Pagsapit ng tanghali, isinagawa ang programang walkout ng mga BulSUans. Pagsapit ng ikalawa ng hapon, ginanap ang press conference sa Barasoain Church na dinaluhan ng mga taong simbahan, mangingisda, magsasaka, kabataan, at manggagawa. Pagsapit ng ikaapat ng hapon, nagsagawa ng multisektoral na pagkilos sa Bulacan Capitol Grounds.
Nakataya sa bawat laban na ito ang kinabukasan ng kabataan, ang kalikasan, at mismong buhay ng bawat mamamayan. Hindi tayo dapat magpikit-mata. Kapag hinayaan natin ang baluktot na sistema, lalo lamang masasadlak ang ating inang bayan sa utang, pang-aapi, pagbagsak ng ekonomiya, at patuloy na gutom at kahirapan ng mga pamilya.
Ngayon ang panahon para muling tumindig. Sama-sama nating isigaw na ang tao at ang bayan ay lumalaban. ✊🇵ðŸ‡
Captured by: Ceejay Bradecina