20/03/2026
✨ Gawad Tanglaw 2026 ✨
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay sa ating mga natatanging g**o at punong-g**o na pinarangalan sa Gawad Tanglaw 2026. Ang inyong dedikasyon, kahusayan, at walang sawang paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa ating paaralan at sa buong komunidad.
🏆 KAYLAWIG ELEMENTARY SCHOOL
Rank 5 – Outstanding School
🏆 Ma’am Alma I. Angeles
Rank 5 – Outstanding School Administrator
• Outstanding School Head for School Performance across Different Competitions
• Outstanding School Head in Community Linkages
• Outstanding School Head in the Implementation of Best School Practices
🏆 Aireen A. Dela Cruz
• Outstanding Reading Program Implementer
• Finalist – Outstanding Teacher
• District Brigada Eskwela Focal Person
🏆 Amor V. Dionisio
• Outstanding Teacher as Trainer in Arnis
🏆 Rose Ann T. Wael
• Finalist – Outstanding Sustainable Learning Environment
🏆 Normie Anne B. Jacinto
• SMCDTEA Treasurer
•School Club President
Lubos din naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming butihing ina ng Distrito, Dr. Cecilia Buenaventura, at sa ama ng Bayan ng Santa Maria, Bartolome “Omeng” Ramos, sa kanilang patuloy na paggabay, suporta, at malasakit na naging mahalagang bahagi sa tagumpay na ito.
Kami rin ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga mag-aaral na nagsumikap at nagkamit ng karangalan sa iba’t ibang patimpalak, sa kanilang mga g**ong tagapagsanay na buong pusong naglaan ng oras at husay sa paggabay, at sa mga magulang at stakeholders na walang sawang sumusuporta sa bawat programa at adhikain ng paaralan. Ang inyong pakikiisa at pagtutulungan ang naging sandigan upang makamit ang mga pagkilalang ito.
Ang parangal na ito ay hindi lamang sumasalamin sa indibidwal na tagumpay, kundi sa sama-samang pagsisikap at pagkakaisa ng buong komunidad ng Kaylawig Elementary School sa pagtataguyod ng de-kalidad at makabuluhang edukasyon.