23/11/2025
Muli na namang darating ang pinakamasayang panahon ng taon—ang ating Fiesta Celebration! At syempre, hindi kumpleto ang fiesta kung walang halakhakan, palakpakan, at mga larong tunay na nagbubuklod sa komunidad. Kaya’t inaanyayahan po namin ang lahat na makisama sa first ever Laro ng Lahi 2025, na gaganapin sa gilid ng court ngayong November 30, 2025 – 8:00 AM.
Ibalik natin ang saya ng mga tradisyunal na larong Pilipino, mga larong naging bahagi ng kabataan ng ating mga magulang at nagpapatunay ng ating pagiging malikhaing, matapang, at palakaibigan. Mula palo sebo, sack race, hulihan ng biik, agawan ng buko, at iba pang palarong panlahi, siguradong mapupuno ng ngiti at sigawan ang ating baranggay!
Isang fiestang hindi lang puno ng pagkain at tugtugan, kundi puno ng samahan, tawa, at tunay na diwa ng pagkaka-Pilipino. Tara na’t makilahok, magsaya, at maki-fiesta kasama ang buong barangay! 🎉🇵🇭🌟