Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan

Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan This is the official page of Brgy Bagong Buhay III CSJDM, Bulacan

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA MGA PAARALAN SA BULACAN, NCR AT I...
17/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA MGA PAARALAN SA BULACAN, NCR AT ILANG PROBINSYA, IPAPATUPAD BUKAS, AUGUST 18.

Sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinag-utos ng Malacanang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning mode sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.

Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa lalawigan ng Bulacan at iba pang karatig lugar.

Samantala, hindi sakop ng WFH set-up ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang magpasiya kung kinakailangang suspendihin din ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular habang nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.


The SCOOP Behind The SceneNaging makabuluhan ang isang oras ng balitaan at kwentuhan sa Episode 30 ng PIO Live tampok an...
13/08/2026

The SCOOP Behind The Scene

Naging makabuluhan ang isang oras ng balitaan at kwentuhan sa Episode 30 ng PIO Live tampok ang mga napapanahong balita at mahahalagang kaganapan sa lungsod sa nakalipas na isang linggo.

Mula sa pagpasok ng sunod-sunod na bagyo hanggang sa pananalasa nito sa bansa kung saan naapektuhan rin ang Lungsod ng San Jose del Monte, inilahad ng Public Information Office ang mga hakbang at aksyong bayanihang isinagawa ng lokal na pamahalaan, mga pamunuang barangay, at ng bawat Pamilyang San Joseño.

Bumida naman sa segment na Proud San Joseño ang kabataang lider mula sa Barangay Bagong Buhay III na si Jake Jefferson Solis na naging kinatawan ng The Rising City sa ginanap na 6th Japan Youth Summit sa Tokyo, Japan.

Patuloy sa pagtutulungan ang Public Information Office at mga BPIOs at DGIOs maihatid lamang ang mga mahahalagang pangyayari, impormasyon, at balitang kailangan ng bawat San Joseño. Kaya kung na-miss mo ang Episode 30 nito, sagot na namin kayo.

Link: https://www.facebook.com/share/v/1MFmhprwJR/








13/08/2026

PANOORIN

Narito na muli ang mahahalagang kaganapan at napapanahong balita sa Lungsod ng San Jose del Monte sa nakalipas na isang linggo.

Tutok na sa 4 o'clock habit ng Pamilyang San Joseño—ang PIO Live tampok ang mga balita at impormasyong masikap na tinipon ng Public Information Office katuwang ang mga BPIOs at DGIOs ng lungsod kabilang ang mga aksyong isinagawa ng lokal na pamahalaan sa gitna ng sunod-sunod na mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw at ang kwento ng isang kabataang lider na naging kinatawan ng lungsod sa ginanap na Japan Youth Summit 2026.

Lahat 'yan sa Episode 30 ng PIO Live. Kaya't wag nang palagpasin ang mahahalagang pangyayari, impormasyon, at opinyong para sa inyo, San Joseño!

Enjoy watching!


 Alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapa...
13/08/2026



Alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang lalawigan ng BULACAN dahil sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Huwebes, August 13, simula alas-3:00 ng hapon.

Magpapatuloy naman sa kanilang operasyon ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo.

Samantala, ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay nasa diskresyon ng pamunuan nito.


Work-from-home sa mga tanggapan ng gobyerno at alternatibong paraan ng pag-aaral sa mga paaralan, ipatutupad sa Lunes, A...
09/08/2026

Work-from-home sa mga tanggapan ng gobyerno at alternatibong paraan ng pag-aaral sa mga paaralan, ipatutupad sa Lunes, August 10

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123, na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region kabilang ang lalawigan ng Bulacan at iba pang lugar bukas, August 10.

Maliban na lamang kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang mga Local Chief Executive, ipatutupad din sa mga nasabing lugar at petsa ang mga alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, ang mga ahensyang kabilang sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo.

Ang pagsuspinde o pagpapatupad ng mga alternatibong kaayusan sa trabaho para naman sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno.


Work-from-home sa mga tanggapan ng gobyerno at alternatibong paraan ng pag-aaral sa mga paaralan, ipatutupad sa Lunes, August 10

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123, na inilabas ng Office of the President, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region, lalawigan ng Bulacan at iba pang lugar bukas, August 10. Dahil ito sa inaasahang tuloy tuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Maliban na lamang kung may ibang direktiba mula sa kani-kanilang mga Local Chief Executive, ipatutupad din sa mga nasabing lugar at petsa ang mga alternatibong paraan ng pag-aaral para sa mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Samantala, ang mga ahensyang kabilang sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, disaster response at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo sa publiko.

Ang pagsuspinde o pagpapatupad ng mga alternatibong kaayusan sa trabaho para naman sa mga pribadong kumpanya at opisina ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga pinuno.


RED WARNING LEVELLUMIKAS muna ang mga nasa mabababang lugar dahil nakataas ngayon ang Red Heavy Rainfall Warning sa Lala...
09/08/2026

RED WARNING LEVEL

LUMIKAS muna ang mga nasa mabababang lugar dahil nakataas ngayon ang Red Heavy Rainfall Warning sa Lalawigan ng Bulacan at iba pang karatig lugar.

Ibig sabihin, ayon sa PAGASA, walang humpay ang pag-ulan sa loob ng 1 oras at posibleng magpatuloy sa loob ng dalawang oras kaya posible ang MATINDING PAGBAHA AT BANTA NG PAGGUHO NG LUPA.

Maging alerto at iwasan ang panganib sa pamamagitan ng tamang kaalaman at maagap na pag-aksyon. Ingat, San Joseños!



Suspendido ang klase bukas, Lunes, August 10, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng ...
09/08/2026

Suspendido ang klase bukas, Lunes, August 10, 2026, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng San Jose del Monte at buong Bulacan dahil sa patuloy na pag-ulang dulot ng Habagat.

Ang hakbang na ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Paalala ni Mayor Ate Rida, laging unahin ang kaligtasan ng pamilyang San Joseño, manatiling alerto at updated sa mga susunod na abiso ng Pamahalaang Lungsod.

Narito ang mga updated emergency hotlines :
https://www.facebook.com/share/189SGAzJyi/?mibextid=wwXIfr

Stay safe, San Joseños!


sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng San Jose del Monte at buong Bulacan bukas, Lunes, August 10, 2026 dahil pa rin sa tuloy tuloy na pag-ulang dulot ng Habagat.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Lagi nating unahin ang kaligtasan ng lahat. Manatiling alerto at updated sa mga susunod na abiso ng inyong pamahalaang lungsod.

‘Wag na po tayong lumabas muna ng bahay hangga’t maari at kung kinakailangan, agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan para sa anumang tulong o emergency.

Stay safe, San Joseños!







Para sa ating mga ka-BarangayKung kinakailangan lumikas, bukas po ang pamahalaang Barangay Bagong Buhay III para sa inyo...
09/08/2026

Para sa ating mga ka-Barangay

Kung kinakailangan lumikas, bukas po ang pamahalaang Barangay Bagong Buhay III para sa inyo, ibayong pag iingat po sa lahat.

In case of emergency, you may contact the CSJDM EMERGENCY HOTLINES:

City Disaster Risk Reduction and
Management Office
0932-600-0119
0955-206-7200
0928-939-2326

R3 City of San Jose Del Monte
Bureau of Fire Protection
0932-373-2444
0945-458-4711

City of San Jose Del Monte
Philippine National Police
0916-432-0401

City Traffic Management -
Sidewalk Clearing Operation Office
0935-882-2640

City of San Jose Del Monte
City Health Office
0956-986-9417

National Poison Management and Control Center
0945-458-4711
0932-373-2444

Meralco- TEXT ONLY
0920-971-6211
0917-551-6211
0925-771-6211

( Courtesy of CDRRMO CSJDM https://www.facebook.com/100094544532867/posts/252409657920517/?app=fbl



Address

BRGY BAGONG BUHAY III
Bulacan
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Bagong Buhay III - CSJDM, Bulacan:

Shortcuts

Share