City of San Jose Del Monte Barangay Graceville

City of San Jose Del Monte Barangay Graceville This is the official page of Brgy. Graceville
(1)

06/08/2026

15th Regular Session
August 6, 2026

‼️PABATID PO SAATING LAHAT‼️
05/08/2026

‼️PABATID PO SAATING LAHAT‼️

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hangga’t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







-TINGNAN-Tagumpay na isinagawa ng City Health Center XIII at ng Dela Costa Homes III Health Station ang magkasabay niton...
05/08/2026

-TINGNAN-

Tagumpay na isinagawa ng City Health Center XIII at ng Dela Costa Homes III Health Station ang magkasabay nitong Check-up sa mga mamamayan ng Graceville nitong ika-4 ng Agosto 2026.

Layunin nitong mabigyan ng libreng konsultasyon ang mga mamamayan ng Graceville upang mabantayan ang kanilang kalusugan at mabigyan ng angkop na gamot para sa kanilang karamdaman.




-TINGNAN-Nitong ika-4 ng Agosto agarang inaksyunan ng mga miyembro ng GSO o General Service Office sa pamumuno ni G. Ben...
05/08/2026

-TINGNAN-

Nitong ika-4 ng Agosto agarang inaksyunan ng mga miyembro ng GSO o General Service Office sa pamumuno ni G. Benjamin Daysog
ang iniulat na sirang manhole sa Carnation St. Corner Gumamela St. Graceville 2.

Layunin nitong maisaayos ang mga daan/kalsada upang hindi magdulot ng kapahamakan at mapangalagaan ang mga taong dumadaan dito.

Ang Pamahalaang Barangay ng Graceville sa pamumuno ni Kap Len Garcia ay patuloy na nagsusumikap na maisaayos ang bawat lugar sa Barangay Graceville para sa ikabubuti at kapakanan ng bawat isa.




‼️PABATID PO PARA SA LAHAT‼️
05/08/2026

‼️PABATID PO PARA SA LAHAT‼️

Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten hanggang Senior High School ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Miyerkules, August 5, 2026.

Bilang pag-iingat, pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabataang San Joseño habang nagpapatuloy ang kanilang pagkatuto mula sa kanilang mga tahanan.

Manatiling nakaantabay sa ating mga Official pages para sa mga pinakabagong ulat, anunsyo, at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡






-TINGNAN-Ngayong ika-4 ng Agosto 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay Graceville ang Oryentasyon sa Nat...
04/08/2026

-TINGNAN-

Ngayong ika-4 ng Agosto 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay Graceville ang Oryentasyon sa National Tuberculosis Program (NTP) na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga katuwang sa kalusugan ng barangay tungkol sa pag-iwas, pagtukoy, at tamang pamamahala ng tuberculosis.

Sa pangunguna nina G. Giovanni Cesar Barrot, RN at Dra. Krizzle Maribbay, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at mahahalagang impormasyon, naging makabuluhan at matagumpay ang isinagawang oryentasyon.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Health Aides (BHA). Nakiisa rin sina G. Mark Estrella, RN (DOH), Bb. Candy Castro, RN (DOH), at Cecile Tacata, RM (Midwife) bilang suporta sa patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.

Ang Pamahalaang Barangay Graceville ay nananatiling kaisa ng Department of Health sa pagsusulong ng isang komunidad na may sapat na kaalaman at ligtas laban sa tuberculosis.




04/08/2026
Maligayang Kaarawan!Taos pusong pasasalamat sa iyong sipag at dedikasyon bilang isang SK Kagawad. Nawa'y patuloy kang pa...
03/08/2026

Maligayang Kaarawan!

Taos pusong pasasalamat sa iyong sipag at dedikasyon bilang isang SK Kagawad. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa iyong paglilingkod sa mga kabataan at komunidad. Hangad namin ang iyong tagumpay sa iyong mga adhikain at patuloy na maging inspirasyon sa iba.

Mainit na pagbati mula kay,

Kap Len Garcia & Council/BDC
Graceville Family

‼️PABATID PO PARA SA LAHAT‼️
02/08/2026

‼️PABATID PO PARA SA LAHAT‼️

Mga anak, SUSPENDIDO muna ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Lunes, August 3, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Joseño mula sa inaasahang epekto ng Bagyong .

Samantala, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of learning upang patuloy na makapag-aral ang ating mga mag-aaral nang ligtas sa loob ng kanilang mga tahanan.

Maging alerto at manatiling ligtas. Hangga’t maaari, huwag munang lumabas ng bahay, makinig, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡






MALIGAYANG KAARAWAN!Taos pusong pasasalamat sa iyong sipag, tiyaga at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin sa ating Barang...
31/07/2026

MALIGAYANG KAARAWAN!

Taos pusong pasasalamat sa iyong sipag, tiyaga at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin sa ating Barangay. Nawa'y patuloy ka pang bigyan ng ating Panginoon ng marami pang taon, lakas at talino upang makapaglingkod sa ating nasasakupan.

Muli Maligayang Kaarawan and enjoy your special day.

Mainit na pagbati mula kay,

Kap Len Garcia & Council/BDC
Graceville Family

Address

Blk 6 Lot 4 Graceville Avenue Graceville II Subd. Brgy. Graceville, CSJDM
Bulacan
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose Del Monte Barangay Graceville posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share