Sangguniang Barangay ng Bagumbayan Bulakan

Sangguniang Barangay ng Bagumbayan Bulakan Tuloy po kayo sa Barangay Bagumbayan Bulakan, Bulacan

23/08/2026

Magandang Hapon po sa lahat.

Abiso po para sa lahat.

Hindi po tuloy bukas ang pamimigay po ng rice subsidy & family food packs distribution.

Ito po ay itutuloy sa August 30, 2026 sa kaparehong oras at lugar po.

Family Food Packs - Evacuation Center
Rice Subsidy - Bagumbayan Covered Court

Maraming Salamat po.

Magandang Gabi po sa lahatSya po si Christine Joy Vergara dati po siyang taga pandi at tatlong linggo na pong nagpapagal...
22/08/2026

Magandang Gabi po sa lahat

Sya po si Christine Joy Vergara dati po siyang taga pandi at tatlong linggo na pong nagpapagala gala sa Probinsya ng Bulacan.

Siya po ay 22 anyos na at ang mga kamag anak po niya ay nasa Bicol Naga City.
Siya po ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Barangay ay kasalukuyan din pong kinocontact ang kanyang tita na si Cel Vergara at kapatid na si Raven John Vergara.

Baka po may mga nakakakilala sa kanya sa mga taga pandi upang makausap din po ang kanyang kamag anak niya doon Municipality of Pandi Bulacan

Maraming Salamat po.

16/08/2026

Magandang araw po.

Taos-puso po kaming humihingi ng paumanhin sa pagkakamaling nagawa sa paglalagay ng pangalan ng ating Punong Bayan Vergel Meneses at Konsehala Roni Meneses sa stub na ipinamahagi para sa relief assistance. Ito po ay isang pagkakamali sa proseso ng paghahanda at hindi sinasadyang naganap.

Inaako po namin ang responsibilidad at sisikapin na maging mas maingat sa susunod upang maiwasan ang ganitong pagkakamali. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pasensya. Humihingi po kami ng taos-pusong paumanhin sa lahat ng naapektuhan ng pagkakamaling ito.

14/08/2026
Magandang Hapon po sa lahatAbiso lang po sa lahat po ng may ari po ng sasakyan sa loob po ng Covered Court makikisuyo la...
14/08/2026

Magandang Hapon po sa lahat

Abiso lang po sa lahat po ng may ari po ng sasakyan sa loob po ng Covered Court makikisuyo lang po na maki ayos po kahilera po ng ambulansya ng Barangay.
Gagamitin po kasi ang Court po bukas.

Salamat po

Maraming salamat po  kay Ma’am Evelyn del.Rosario sa kanyang malasakit at pagbibigay sa mga batang nasa evacuation site....
12/08/2026

Maraming salamat po kay Ma’am Evelyn del.Rosario sa kanyang malasakit at pagbibigay sa mga batang nasa evacuation site. Sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ng mga biskwit at pagkain, nabigyan ng munting saya at dagdag na lakas ang ating mga kabataan sa gitna ng kanilang pagharap sa sitwasyon.
Tunay na ang bawat munting handog ay malaking bagay para sa mga batang nangangailangan. 🙏❤️

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kay Konsehal Michael Ramos sa kanyang malasakit at agarang pagtulong sa mg...
12/08/2026

Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot kay Konsehal Michael Ramos sa kanyang malasakit at agarang pagtulong sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation site.
Sa pamamagitan ng kanyang pagkalinga, ay naipamahagi ang mga sako ng bigas para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at patuloy na nangangailangan ng suporta sa panahong ito.
Malaking bagay ang bawat tulong at pag alalay, lalo na sa panahon ng pagsubok.

Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong malasakit! 🙏

Nagsagawa ng pamamahagi ng relief goods at food packs sa ating mga evacuees bilang agarang tugon sa kanilang pangangaila...
10/08/2026

Nagsagawa ng pamamahagi ng relief goods at food packs sa ating mga evacuees bilang agarang tugon sa kanilang pangangailangan.
Taos-pusong pasasalamat sa ating Working Mayor Vergel C.Meneses,kasama ang ating Konsehala Roni Meneses , Municipal Administrator Aika Sanchez.Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Officer Marivic Morelos, at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Rosario Mariano at sa pag agapay ng ating Punong Barangay Andrew L.del Rosario,Sanggunian at mga kawani sa kanilang agarang pagtugon at pagdadala ng tulong sa ating mga kabarangay na pansamantalang nanunuluyan sa ating evacuation site.
Sa panahon ng pagsubok at kalamidad, tunay na mahalaga ang bayanihan, malasakit at pagtutulungan. 🙏❤️

🍱 FOOD ASSISTANCE PARA SA MGA EVACUEESSa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ang ating Pamahalaang Barang...
10/08/2026

🍱 FOOD ASSISTANCE PARA SA MGA EVACUEES
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ang ating Pamahalaang Barangay ng pamamahagi ng food assistance para sa ating mga kabarangay na lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa ating evacuation center (BAES) dahil sa epekto ng kalamidad.
Pinangunahan ito ng Punong Barangay ANDREW L.DEL ROSARIO , mga miyembro ng Sangguniang Barangay, at mga kawani ng Barangay, bilang pagbibigay ng agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga evacuees.
Patuloy ang ating pagbabantay sa kakailanganing tulong ng bawat kabarangay.

🙏 Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto.
Para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya.

🌧️ PAG-IINGAT AT PAGBABANTAY SA BAWAT SITIO NG BARANGAY.Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ng...
10/08/2026

🌧️ PAG-IINGAT AT PAGBABANTAY SA BAWAT SITIO NG BARANGAY.

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at pagbaha, nagsagawa ng pagmomonitor ang ating Punong Barangay ANDREW L.DEL ROSARIO,gayundin ang pag-iikot sa bawat sitio ng ating Sanggunian at mga kawani upang personal na alamin at masubaybayan ang kalagayan ng ating mga kabarangay.
Layunin ng pag-iikot na matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya, malaman ang mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon, at makapagbigay ng kinakailangang tulong kung kinakailangan.
Patuloy po tayong mag-ingat, manatiling alerto at makinig sa mga abiso ng barangay at mga kinauukulang ahensya. Ang kaligtasan ng bawat kabarangay ay ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po tayong lahat!

Address

BAGUMBAYAN
Bulacan
3017

Telephone

+639284926743

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Bagumbayan Bulakan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share