Sangguniang Kabataan ng Pitpitan '23 - '26

Sangguniang Kabataan ng Pitpitan '23 - '26 ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ข๐ญ๐ฉ๐ข๐ญ๐š๐ง '๐Ÿ๐Ÿ‘ - '๐Ÿ๐Ÿ”
(1)

07/08/2026

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT

Para sa kaligtasan ng lahat dahil sa hindi tiyak na lagay ng panahon at posibilidad ng pag-ulan, ang venue ng ating Pay-out of Educational Assistance for Graduate Students at Drug Awareness Symposium ay ililipat sa harap ng Pitpitan Day Care Center.

๐Ÿ• Oras: 1:00 PM
๐Ÿ“ Bagong Venue: Harap ng Pitpitan Day Care Center

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa. Please be guided.

๐Ÿ“ข PAY-OUT OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS & DRUG AWARENESS SYMPOSIUM๐Ÿ“… August 9, 2026 (Sunday)๐Ÿ• 1:00 PM๐Ÿ“ ...
05/08/2026

๐Ÿ“ข PAY-OUT OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS & DRUG AWARENESS SYMPOSIUM

๐Ÿ“… August 9, 2026 (Sunday)
๐Ÿ• 1:00 PM
๐Ÿ“ Pitpitan Covered Court

๐Ÿ“ฃ PAUNAWA SA LAHAT NG KABATAANG PITPITEร‘OS!

May pagbabago lamang po sa oras ng ating Pay-out of Educational Assistance for Graduate Students at Drug Awareness Symposium. Mula sa naunang inanunsyong oras, ito ay gaganapin na sa 1:00 PM.

Mangyaring sundin ang updated schedule at dumating nang mas maaga upang maging maayos ang proseso.

Please be guided. Thank you!

PAY-OUT OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS & DRUG AWARENESS SYMPOSIUM๐Ÿ“… August 9, 2026 (Sunday)๐Ÿ•ฃ 1:00 PM๐Ÿ“ Pi...
03/08/2026

PAY-OUT OF EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS & DRUG AWARENESS SYMPOSIUM

๐Ÿ“… August 9, 2026 (Sunday)
๐Ÿ•ฃ 1:00 PM
๐Ÿ“ Pitpitan Covered Court

๐ŸŽ‰ Congratulations, Kabataang Pitpiteรฑos! ๐ŸŽ‰

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng Educational Assistance for Graduate Students (ALS, Senior High School, at College) na dumalo sa ating Pay-Out and Distribution of Educational Assistance sa August 9, 2026 (Sunday), 1:00 PM, sa Pitpitan Covered Court.

Bago ang pamamahagi ng educational assistance, magkakaroon muna tayo ng isang Drug Awareness Symposium na pangungunahan ng ating panauhing tagapagsalita na si PMSg. Eduardo J. Isla. Layunin nitong dagdagan ang ating kaalaman tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas at responsableng pamumuhay.

Pagkatapos ng seminar ay agad nang isasagawa ang Pay-Out o Distribution ng Educational Assistance. ๐Ÿค—

Mga Kailangang Dalhin:

1. School ID (Photocopy)

- Front and Back
- May 3 Specimen Signatures
- Kung walang School ID, maaaring magsumite ng photocopy ng anumang valid ID

2. Proof of Graduation (Photocopy)

- Diploma, o
- Latest Certificate of Grades

PAALALA:

โœ… Kinakailangang makadalo sa Drug Awareness Symposium upang maging kwalipikado sa pagtanggap ng Educational Assistance.

โœ… Kung hindi makakadalo ang recipient, maaaring magpadala ng representative (Magulang, Guardian, o Kapatid) na may dalang Authorization Letter.

โœ… Huwag kalimutang dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala sa araw ng payout.

Maraming salamat at magkita-kita tayo sa August 9, 2026! โค๏ธ

๐Ÿ“‹ ๐’๐Š ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐Ž. ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ž๐… ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐‚๐Ž๐Œ๐๐Ž๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐ˆ๐๐•๐„๐๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐“๐„๐€๐Œ (๐’๐Š๐ˆ๐“) ๐Ÿ“ŒBilang bahagi ng patuloy...
21/07/2026

๐Ÿ“‹ ๐’๐Š ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐Ž. ๐ŸŽ๐Ÿ, ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ž๐… ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐Ž๐Œ๐๐Ž๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐… ๐“๐‡๐„ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐ˆ๐๐•๐„๐๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐“๐„๐€๐Œ (๐’๐Š๐ˆ๐“) ๐Ÿ“Œ

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at good governance, opisyal nang itinatag ang Sangguniang Kabataan ng Pitpitan Inventory Team (SKIT) sa pamamagitan ng SK Order No. 01, Series of 2026.

Ang SKIT ang siyang mangangasiwa sa pagdodokumento, pagsubaybay, pag-iingat, at pagpapanatili ng lahat ng kagamitan, materyales, at iba pang ari-arian ng Sangguniang Kabataan upang matiyak ang maayos, responsable, at episyenteng paggamit ng mga ito para sa kapakinabangan ng kabataang Pitpiteรฑo.

๐—ฆ๐—ž ๐—ฃ๐—ถ๐˜๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—œ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ (๐—ฆ๐—ž๐—œ๐—ง)

๐Ÿ‘ค Chairperson
โ€ข Hon. Allianna M. San Jose โ€“ SK Chairperson

๐Ÿ‘ค Vice Chairperson
โ€ข Hon. Angel Kyle G. Reyes โ€“ SK Member

๐Ÿ‘ฅ Members
โ€ข Hon. Ayumi Reign Coronel โ€“ SK Member
โ€ข Hon. Charls A. Cacait โ€“ SK Member
โ€ข Ms. Katrina Shane C. Espiรฑa โ€“ SK Treasurer
โ€ข Mr. Rene C. Balaga โ€“ SK Secretary
โ€ข Ms. Fatima R. Lorenzana โ€“ Vice President, PYAP Pitpitan (LYDC Representative)
โ€ข Mr. Shejie M. Carlos โ€“ Katipunan ng Kabataan Representative

โœจ Bawat kagamitan ay mahalaga. Bawat ari-arian ay may pananagutan. Sama-sama nating pangalagaan ang mga yaman ng ating Sangguniang Kabataan upang patuloy na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo at makabuluhang programa para sa kabataang Pitpiteรฑo

๐ŸŽ“๐Ÿ“š EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS ๐Ÿ“š๐ŸŽ“Congratulations sa lahat ng ating mga nagsipagtapos ngayong taon! ๐ŸŽ‰โœจBi...
20/07/2026

๐ŸŽ“๐Ÿ“š EDUCATIONAL ASSISTANCE FOR GRADUATE STUDENTS ๐Ÿ“š๐ŸŽ“

Congratulations sa lahat ng ating mga nagsipagtapos ngayong taon! ๐ŸŽ‰โœจ

Bilang pagkilala sa inyong sipag, tiyaga, at tagumpay, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Pitpitan ay muling magbibigay ng Educational Assistance para sa mga kabataang nagtapos ng:

๐ŸŽ“ College
๐ŸŽ“ Senior High School
๐ŸŽ“ Alternative Learning System (ALS)

Kung ikaw ay kwalipikado, hinihikayat ka naming sagutan ang aming Google Form upang makapag-apply.

๐Ÿ“‹ https://forms.gle/bNQcJXdkP3MYgXs76

๐Ÿ“Œ Application Deadline: July 26, 2026 (11:59 PM)

Mangyaring tiyaking kumpleto at tama ang lahat ng impormasyong ilalagay sa inyong aplikasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa proseso ng beripikasyon.

Ang proyektong ito ay isang munting pagkilala sa inyong pagsusumikap at isang paalala na patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap.

๐Ÿ“ข Paalala: Ang kasalukuyang aplikasyon ay para lamang sa mga College, Senior High School, at ALS Graduates. Para naman sa iba pang mga mag-aaral ng ating barangay, hinihiling namin ang inyong kaunting paghihintay. Abangan lamang ang mga susunod na anunsyo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pitpitan para sa iba pa nating mga programang pang-edukasyon.

Muli, taos-pusong pagbati sa ating mga graduates! Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa inyong patuloy na paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS, KABATAANG PITPITEร‘OS - Part 2! ๐ŸŽ“From late-night reviews to graduation-day smiles โ€” YOU MADE IT! ๐Ÿ’ชโœจAng...
19/07/2026

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS, KABATAANG PITPITEร‘OS - Part 2! ๐ŸŽ“

From late-night reviews to graduation-day smiles โ€” YOU MADE IT! ๐Ÿ’ชโœจ

Ang inyong pagsisikap at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga. Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa ating komunidad.

Ang buong Sangguniang Kabataan ng Pitpitan ay proud sa inyong lahat. Padayon, graduates! ๐ŸŒป

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS, KABATAANG PITPITEร‘OS! ๐ŸŽ“From late-night reviews to graduation-day smiles โ€” YOU MADE IT! ๐Ÿ’ชโœจAng inyong p...
13/06/2026

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS, KABATAANG PITPITEร‘OS! ๐ŸŽ“

From late-night reviews to graduation-day smiles โ€” YOU MADE IT! ๐Ÿ’ชโœจ

Ang inyong pagsisikap at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga. Patuloy kayong mangarap, magsikap, at maging inspirasyon sa ating komunidad.

Ang buong Sangguniang Kabataan ng Pitpitan ay proud sa inyong lahat. Padayon, graduates! ๐ŸŒป

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ARAW NG KALAYAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa pagwagayway ng ating watawat, alalahanin natin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para...
11/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ ARAW NG KALAYAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa pagwagayway ng ating watawat, alalahanin natin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan at ipagpatuloy natin ang kanilang ipinaglaban sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan.

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ang Kabataang Pilipino!

Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

08/06/2026

๐ŸŽ“ MAGANDANG BUHAY, MGA KABATAANG PITPITEร‘OS! ๐ŸŽ“

Sa lahat ng ating mga kabataang nagtapos ng kolehiyo ngayong taon, binabati namin kayo sa inyong tagumpay! ๐Ÿฅณ

May natanggap mang special award o wala, ang inyong pagtatapos ay isang malaking karangalan at bunga ng inyong pagsisikap, sakripisyo, at determinasyon.
Bilang pagkilala sa inyong tagumpay, nais namin kayong mabigyan ng pagbati sa pamamagitan ng isang Facebook post sa official page ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pitpitan.

๐Ÿ“Œ Para maisama, mangyaring i-send sa aming official page ang mga sumusunod:

โœ… Graduation Picture
โœ… Buong Pangalan
โœ… Kurso o Degree Program
โœ… Mga Natanggap na Award o Karangalan (kung mayroon)

Tara na at ipagdiwang natin ang inyong tagumpay! Ang buong Barangay Pitpitan ay proud sa inyo. ๐Ÿค

๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ BULAKAN GRAND SAGALAHAN 2026 ๐Ÿ‘‘๐ŸŒธMula sa puso ng Barangay Pitpitan, isang tagumpay na aming ipagmamalaki magpakailanman...
07/06/2026

๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ BULAKAN GRAND SAGALAHAN 2026 ๐Ÿ‘‘๐ŸŒธ

Mula sa puso ng Barangay Pitpitan, isang tagumpay na aming ipagmamalaki magpakailanman.

๐Ÿ‘‘ Musa: Bb. Nazneen M. Lorenzo
โœจ REYNA NG SAGALAHAN 2026
โœจ Best in Gown

๐Ÿ‘‘ Konsorte: G. Cristan Sempio
โœจ HARI NG SAGALAHAN 2026
โœจ Best in Barong

Sa bawat tagumpay ay may mga taong naging instrumento upang ito ay maisakatuparan. Kaya naman ang buong Sangguniang Kabataan ng Pitpitan ay lubos na nagpapaabot ng aming taos-puso at walang hanggang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makasaysayang tagumpay na ito.

๐Ÿ™ Una sa lahat, sa ating Panginoong Diyos.
Sa Inyo po ang lahat ng papuri, karangalan, at pasasalamat. Kayo po ang naging gabay, lakas, at inspirasyon sa bawat hakbang ng aming paghahanda. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng aming pagsisikap kundi isang biyayang ipinagkaloob Ninyo sa amin.

๐ŸŒธ Sa Bulakan Tourism Office, sa pangunguna ni Ma'am Celina Concepcion, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa paglikha ng isang programang hindi lamang nagpapakita ng kagandahan at karangyaan ng Sagalahan, kundi higit sa lahat ay nagpapanatili at nagbibigay-buhay sa ating mayamang kultura at tradisyon bilang mga Bulakenyo. Dahil sa programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang bawat barangay na maipakita ang kanilang pagkakaisa, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating bayan.

๐ŸŒธ Sa ating mahal na Konsehala, Hon. Councilor Roni Meneses maraming-maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, paggabay, at pagmamalasakit. Kayo po ang naging pangunahing katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng Grand Sagalahan, at sa inyong ibinigay na tulong pinansyal sa lahat ng kalahok. Ang inyong malasakit at pagmamahal sa Bayan ng Bulakan ay tunay na kahanga-hanga at inspirasyon sa marami. Tunay ngang ang iyong Serbisyo ay mula sa Puso! โค๏ธ

๐ŸŒธ Sa Sangguniang Barangay ng Pitpitan, sa pangunguna ng ating napakasipag na Kapitan B**g Obias, maraming salamat po sa inyong patuloy na paniniwala at pagsuporta sa mga programa at proyekto ng kabataan. Ang bawat tagumpay ng Sangguniang Kabataan ay tagumpay rin ng buong pamunuan ng barangay dahil sa inyong walang sawang paggabay at pagtitiwala.

๐ŸŒธ Sa ating masisipag na Barangay Volunteers at Barangay Tanod, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong dedikasyon at sakripisyo. Sa kabila ng matinding init at pagod, hindi kayo nag-atubiling maglaan ng oras at lakas upang matiyak ang maayos at matagumpay na paglahok ng ating barangay. Kayo po ang ilan sa mga tahimik na bayani sa likod ng tagumpay na ito.

๐ŸŒธ Kay G. Jaeirus De Vera ng Makeup By Jaeirus De Vera at kay G. Andrei Dela Peรฑa, maraming salamat po sa inyong talento, oras, at malasakit. Dahil sa inyong husay at kagandahang-loob, lalong naging kahanga-hanga at kuminang ang ating mga kinatawan sa entablado ng Bulakan Grand Sagalahan.

๐ŸŒธ Kay Former Municipal Councilor Marbin J. Garcia ng Marbin Garcia Collections, gayundin po sa iyong mga Angels, taos-pusong pasasalamat po sa napakagagandang kasuotan ng ating mga sagala at sa napakagandang kubol na naging sentro ng paghanga ng marami. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng tagumpay at karangalang natamo ng aming barangay.

๐ŸŒธ Sa ating mga kabataang tumulong sa pagdadala ng kubol patungong Plaza Del Pilar, lalo na kina Kim, Jude, at mga kasama, maraming salamat sa inyong malasakit at kusang-loob na pagtulong. Ipinakita ninyo na ang kabataang Pitpiteรฑo ay handang magkaisa at maglingkod para sa ikabubuti ng ating komunidad.

๐ŸŒธ Sa Sempio Family at Mateo-Lorenzo Family, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala, suporta, at pagpapaunlak na maging bahagi ng napakalaking proyektong ito. Ang inyong kooperasyon at pagmamahal ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng ating barangay.

๐ŸŒธ Sa lahat ng ating mga ka-barangay, maraming salamat po sa inyong suporta, panalangin, at pagbibigay-inspirasyon sa amin mula umpisa hanggang katapusan. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa ating mga kinatawan kundi para sa buong Barangay Pitpitan.

๐ŸŒธ Sa aking kapwa lingkod-kabataan sa Sangguniang Kabataan ng Pitpitan โ€” lalong-lalo na kina SK Jhasmin Villareal, SK Angel Kyle Reyes, SK Rene Cal Balaga, at SK Cacait Charls โ€” maraming salamat sa inyong dedikasyon, pagtutulungan, at pagmamahal sa ating barangay. Ang bawat pagpupuyat, pagod, at sakripisyo ay naging sulit dahil sa tagumpay na ating nakamit. Tunay na walang imposible kapag nagkakaisa ang kabataan para sa iisang layunin.

๐Ÿ‘‘๐ŸŒธ At para sa ating Hari at Reyna ng Sagalahan 2026, Cristan at Nazneen...

Maraming-maraming salamat sa inyong buong pusong pagrepresenta sa ating mahal na Barangay Pitpitan. Hindi lamang ninyo ipinakita ang pisikal na kagandahan, kundi higit sa lahat ang inyong kumpiyansa, kababaang-loob, at pagmamahal sa ating Barangay.

Sa inyong pagkapanalo bilang Hari at Reyna ng Sagalahan 2026, pinatunayan ninyo na ang mga kabataang Pitpiteรฑo ay may malaking kakayahan na magtagumpay. Kayo ay inspirasyon sa inyong kapwa kabataan at karangalan ng ating buong barangay.

๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ Mabuhay ang Barangay Pitpitan!
๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ Mabuhay ang Kabataang Pitpiteรฑo!
๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ Mabuhay ang Bulakan Grand Sagalahan 2026!
๐ŸŒธ๐Ÿ‘‘ Mabuhay ang ating bagong Hari at Reyna ng Sagalahan!

With love, pride, and gratitude,
Allianna San Jose
SK Chairperson, Barangay Pitpitan โค๏ธโœจ

Address

Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Pitpitan '23 - '26 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share