Comelec Bulalacao

Comelec Bulalacao An FB Social Media account of OEO, Bulalacao, Oriental Mindoro giving information dissemination to the constituents of the municipality..

FYI..
02/06/2026

FYI..

๐๐€๐†๐‹๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐– ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž | ๐Ÿ ๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’Š๐’๐’‚๐’˜ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š-๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’–๐’‰๐’‚๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’”๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’.

Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.

Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.

Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โ€œBreaking Newsโ€ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.

PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.



30/05/2026

FYI.. BSKE Aspirants 2026

20/05/2026

COMELEC, NAGBIGAY-BABALA SA MGA KAKANDIDATO SA BSKE 2026 KAUGNAY NG PAGGAMIT NG PONDO NG BARANGAY AT MAAGANG PANGANGAMPANYA

Nagbigay-babala ang Commission on Elections sa mga kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 na mahigpit nitong babantayan ang paggamit ng mga kagamitan at pondo ng barangay, kabilang ang mga sasakyan ng pamahalaan, dahil maaari itong maituring na abuse of state resources at maging dahilan ng diskwalipikasyon.

Bukod dito, ipinagbabawal din ang pamimigay ng anumang uri ng ayuda sampung araw bago ang halalan, maliban sa burial assistance.

Ayon kay George Erwin Garcia, hindi papayagan ng komisyon ang paggamit ng pondo o resources ng pamahalaan para lamang mapaboran ang ilang kandidato. Hinikayat din nito ang mga tatakbo na bantayan at ireport sa Comelec ang mga paglabag ng kanilang mga kalaban upang agad na maaksyunan, makasuhan, at madiskwalipika ang mga ito.

Dagdag pa ng Comelec, sa oras na makapaghain ng kandidatura para sa BSKE mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5, 2026, awtomatiko nang ituturing na kandidato ang mga naghain dahil manual ang gagamiting sistema ng eleksyon.

Dahil dito, ipinagbabawal ang pangangampanya mula Oktubre 6 hanggang 21, kabilang ang paglalagay ng posters, pamimigay ng anumang bagay, at iba pang aktibidad na maituturing na pangangampanya. Ayon sa Comelec, maituturing itong premature campaigning at maaaring pagmulan ng kaso. Nakatakda lamang magsimula ang opisyal na campaign period sa Oktubre 22, 2026.| via Jhun Vizier Bantaculo

Para po sa ahat!
17/05/2026

Para po sa ahat!

17/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข

Ipinababatid po sa lahat na pansamantalang ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—œ๐——๐—ข ang pagproseso at pag-isyu ng Voterโ€™s Certificate sa Lunes, 18 May 2026, sa mga Opisina ng Election Officer (OEOs) sa buong bansa upang bigyang-daan ang huling araw ng voter registration. Magbabalik ang regular na operasyon sa mga OEO sa 19 May 2026.

Gayunpaman, ๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐——๐—ข ng suspensyong ito ang pagproseso at pag-isyu ng Voterโ€™s Certificate sa COMELEC National Central File Division, FEMII Building, Extension Cabildo St., Intramuros, Manila. Mananatili itong bukas sa publiko sa Lunes, 18 May 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.




16/05/2026
FYI..
16/05/2026

FYI..

Hanggang kailan nga ba valid ang voterโ€™s certificate mo? Alamin โ€˜yan dito!

๐—ค: ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—ฒ๐˜…๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜ƒ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ?

Sumangguni sa imahe para sa kasagutan sa karaniwang tanong na ito ๐Ÿ“ธ



Patalastas! Ipinababatid po na sa Lunes ay suspended ang pagbibigay ng voter certification upang bigyang daan ang huling...
15/05/2026

Patalastas!

Ipinababatid po na sa Lunes ay suspended ang pagbibigay ng voter certification upang bigyang daan ang huling araw na rehistruhan para sa darating na Nov. 2, 2026 BSKE. Maraming salamat. po sa pang-unawa!

FYI
14/05/2026

FYI

Para po sa kaalaman ng lahat!
14/05/2026

Para po sa kaalaman ng lahat!

Ang madalas na tanong ng taumbayan:

๐—ค: ๐—ฃ๐˜„๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜ƒ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—œ๐——?

Sumangguni sa imahe para sa kasagutan sa karaniwang tanong na ito ๐Ÿ“ธ



Address

Salas Street
Bulalacao
5214

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Comelec Bulalacao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Comelec Bulalacao:

Share