18/09/2026
๐ฎ๐ฎ๐๐, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป-๐จ๐ฝ ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ
Nito lamang ika-5 ng Setyembre nakilahok ang 22nd Infantry Battalion, sa magkakahiwalay na clean-up drive kasama ang mga opisyal ng barangay, residente at ibaโt ibang sektor sa mga bayan ng Juban, Barcelona, Bulusan, Sorsogon at San Jacinto, Masbate.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pakikiisa ng mga kasundaluhan sa mga gawaing pangkomunidad na naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan. Sa Barangay Catanagan, Juban, nakipagtulungan sa pagsasaayos ng mga electrical cable upang mapanatiling ligtas at maayos ang daluyan ng mga motorista at pedestrian.
Patuloy na nakikiisa ang 22IB sa mga lokal na pamahalaan at komunidad sa pagsasagawa ng mga gawaing nagtataguyod ng kaligtasan at kaayusan sa barangay.