MSWDO-Bulan Municipal Social Welfare and Development Office

MSWDO-Bulan Municipal Social Welfare and Development Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MSWDO-Bulan Municipal Social Welfare and Development Office, Government Organization, Half-way Home, New MSWDO Bldg, Aquino, Bulan.

[๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ] : ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—˜๐—Ÿ๐—– ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐——๐—ช๐˜€Sharing their expertise and mastery on the National Early Learning Curri...
04/09/2025

[๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ] : ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ ๐—ผ๐—ณ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ป ๐—ก๐—˜๐—Ÿ๐—– ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐——๐—ช๐˜€

Sharing their expertise and mastery on the National Early Learning Curriculum (NELC) and National Early Learning Framework (NELF)

Ms. Emily D. Mendoza - discussed the Legal Bases of ECCD, ECCD Councin and the Nat'l System and provided tech assistance on crafting Curriculum Planning and Development

Ms. Honeylet M. Marollano - discussed the NELF, Six Domains of Development. the Major Guiding Priniciples, Seven Components of NELC and Center Management

Participants actively participated during lectures, discussions and workshop on crafting a curriculum plan. Participants also expressed gratitude to all attendees, speakers, and organizers for the activity that strengthens the capacity of every CDWs on understanding and applying the NELC.

EMPOWERING CDWs through National Early Learning Curriculum (NELC) Training. [MSWDO, Bulan, Sorsogon] โ€“ Patuloy ang pagbi...
04/09/2025

EMPOWERING CDWs through National Early Learning Curriculum (NELC) Training.

[MSWDO, Bulan, Sorsogon] โ€“ Patuloy ang pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan sa Early Childhood Care Education (ECCD) na binibigyang diin ang halaga ng pagtaguyod ng holistic child development. Ang NELC Training ay matagumpay na sinimulan ngayong araw, September 2, 2025, sa Paraiso Garden, Sta. Remedios, Bulan, Sorsogon.

Bilang kinatawan ng Acting Municipal Mayor, si Jemer Hondra ang siyang nagbahagi ng mensahe para sa aktibidad at sa mga masigasig na Child Development Workers.

Layunin ng NELC Training na mas palakasin pa ang mga kakayahan ng mga CDWs sa pag-unawa at paggamit ng NELC, upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa pagbibigay ng de-kalidad na pagtuturo sa early learning experience ng mga bata.

๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ง๐ข๐› ๐ง๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, ๐ˆ๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซโ€™๐ฌ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰...
08/05/2025

๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ง๐ข๐› ๐ง๐š ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, ๐ˆ๐๐ข๐ง๐š๐จ๐ฌ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซโ€™๐ฌ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž

(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) -โ€“ Isinagawa noong Marso 28, 2025 ganap na ala-1:00 ng hapon sa Mayorโ€™s Office ang pinagsanib na unang quarter na pagpupulong ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC), Local Council Against Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), at Gender and Development Focal Point System (GADFPS).

Tampok sa pagpupulong ang pagtalakay sa paunang resulta ng Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) para sa taong 2025 gayundin ang pagpapakilala ng mga bagong CFLG indicators na layuning pagbutihin pa ang pamahalaang lokal para sa kapakanan ng mga bata.

Tinalakay rin ang Code of Children Update upang matiyak na ang mga patakaran ng pamahalaan ay patuloy na tumutugon sa mga karapatan at pangangailangan ng kabataan.

Ipinrisinta rin sa pulong ang mga Ulat ng Accomplishment para sa Unang Quarter mula sa tatlong konseho: LCPC, LCAT-VAWC, at Gender and Development FPSโ€”na nagpapakita ng mga nagawa at isinasagawang hakbangin para sa proteksyon at kapakanan ng kababaihan at kabataan. Kasama na rin an pag prisenta ng president ng MCA ang mga aktibidad na isasagawa para sa provincial childrenโ€™s federation.

Nagtapos ang pulong sa pagtalakay ng iba pang mahahalagang usapin, bilang patunay ng patuloy na pagkakaisa at dedikasyon ng mga kinauukulang sangay ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng isang ligtas, pantay, at makataong pamayanan para sa lahat.


๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง: โ€œ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐งโ€ ๐„๐ฑ๐ก๐ข๐›๐ข๐ญ ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จn(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š...
08/05/2025

๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง: โ€œ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง ๐จ๐Ÿ ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐งโ€ ๐„๐ฑ๐ก๐ข๐›๐ข๐ญ ๐“๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จn

(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) โ€“ Bilang bahagi ng selebrasyon ng 2025 National Womenโ€™s Month na may temang โ€œBabae sa lahat ng Sektor, Angat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,โ€ itinampok ng Pamahalaang Bayan ng Bulan ang โ€œWomen of Bulanโ€ Exhibit โ€” isang natatanging pagpapakita ng buhay, tagumpay, at ambag ng mga kababaihang Bulaneno sa kasaysayan at kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga larawan at salaysay na historikal, inilalarawan ng exhibit ang tibay, talino, at pamumuno ng mga kababaihang tumindig at nagsilbing inspirasyon sa ibaโ€™t ibang larangan โ€” mula sa serbisyo publiko, edukasyon, kalusugan, hanggang sa sining at komunidad. Layunin ng eksibit na kilalanin at parangalan ang kanilang mahalagang papel sa paghubog ng isang maunlad na bayan.

Hindi lamang ito pagbabalik-tanaw, kundi isang paanyaya rin sa susunod na henerasyon upang ipagpatuloy ang iniwang pamana ng mga kababaihang may tapang, malasakit, at dedikasyon para sa makatarungan at progresibong โ€œBagong Pilipinas.โ€

๐Ÿ“ธMikhail Paolo Rosil

๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, ๐๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) โ€“ Bilan...
08/05/2025

๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง, ๐๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) โ€“ Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2025 National Womenโ€™s Month, na may temang โ€˜Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinasโ€™ isang Womenโ€™s Health Seminar ang isinagawa sa Paraiso Garden, Sta. Remedios, Bulan, Sorsogon, kahapon Marso 12, 2025 upang mabigyang kaalaman at kahalagahan ang tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan.

Sinimulan ang programa sa isang mabuting mensahe mula sa Municipal Mayor, Romeo A. Gordola, kung saan binigyan niyang pagsasaludo ang mga kababaihan sa kanilang mga kontribusyon at presensyang naibibigay sa kani-kanilang pamilya at sa municipalidad.

Sinundan naman ito ng GAD Focal Person, Mikhail Paolo Rosil, ng overview ng aktibidad, kung saan binigyang diin niya ang paghikayat sa mga kababaihan na bigyang prayoridad ang kanilang mga kalusugan. Sapagkat ang isang malusog na babae ay mas may kakayahang makibahagi sa Lipunan, magtaguyod ng pamilya at makamit ang kanyang mga pangarap, saad niya.

Sa unang talakayan, ibinahagi ni Ms. Czarina Clara O. Borras ang patungkol sa Cervical Cancer Awareness, kung ano-ano ang mga risk factors nito, sintomas, at mga posibleng prebensyon ukol dito. Gayudin sa talakayan ni Dr. James V. Apin patungkol sa Breast Cancer Awareness at iba pang kondisyong nararanasan.

Nagtapos ang seminar sa isang closing remarks na nagpapahayag ng pasasalamt sa lahat na lumahok. Ang seminar na ito ay isang mahalagang hakbang upang palakasin ang kamalayan ng mga kababaihan sa kanilang kalusugan at kapakanan.


๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ M๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ P๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ N๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ I๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ H๐ข๐ค๐š๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š I๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง...
08/05/2025

๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง: ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐ˆ M๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ P๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ N๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ I๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ H๐ข๐ค๐š๐ฒ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š I๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐›๐š๐ข๐ก๐š๐ง

(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) โ€“โ€“ Sa ginanap na Women's Health Seminar bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women's Month 2025, nagbigay inspirasyon si Marichelle "Chicky" Lara, isang Kalipi Member President, sa kanyang makapangyarihang kwento ng tapang at pagsusumikap sa gitna ng matinding pagsubok.

Si Chicky ay na-diagnose ng myoma na hindi nagpakita ng anumang sintomas sa maagang yugto nito. Sa kasamaang-palad, natuklasan din na mayroon siyang brain tumor. Bago sumailalim sa operasyon, pinayuhan siya ng kanyang OB-GYN na sumailalim muna sa CT angiogram at gumamit ng general anesthesia upang maiwasan ang anumang komplikasyon kaugnay ng kanyang brain tumor.

Sa kabila ng mga hamon sa kalusugan, nanatiling matatag si Chicky at ipinakita ang kanyang tapang sa pagharap sa buhay. Ang kanyang kwento ay nagbigay inspirasyon at nagpalakas ng loob sa mga kababaihang dumalo, na hikayating bigyang halaga ang kalusugan at huwag matakot humarap sa mga pagsubok.

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ค๐ข๐œ๐ค ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐๐ž ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) ...
08/05/2025

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ค๐ข๐œ๐ค ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐๐ž ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐›๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐งโ€™๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

(๐™ˆ๐™Ž๐™’๐˜ฟ๐™Š, ๐˜ฝ๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰, ๐™Ž๐™Š๐™๐™Ž๐™Š๐™‚๐™Š๐™‰) โ€“ Sa pagsisimula ng National Womenโ€™s Month 2025, matagumpay na isinagawa ang isang makulay na parada at wellness activity noong Marso 8, 2025, sa Bulan Freedom Park, Zone 4, Bulan, Sorsogon.

Maaga pa lamang ay nagsimula na ang programa sa pamamagitan ng isang Zumba Fitness Session na sinundan ng isang makabuluhang parada. Dumalo ang iba't ibang sektor ng mga kababaihan upang lumahok at ipakita ang kanilang suporta.

Nagbigay ng kanilang mainit na mensahe ng inspirasyon sina Hon. Romeo A. Gordola, Municipal Mayor, Hon. Cheska Mae A. Robles, Municipal Vice Mayor, at Hon. Jamaica A. So, Committee Chair on Women, Children, Family Relations & Gender Advocacy.

Bukod sa talumpati, isinagawa rin ang panunumpa ng "Kredo ng Bulan Women Federation" na pinangunahan ni PSMS Meamar P. Hipos ng WCPD-PNP at ang sama-samang pag-awit ng "Awit ng Kababaihan".

Bilang pagtatapos, nagkaroon ng wellness activities tulad ng libreng masahe, pedicure, manicure, at haircut para sa lahat ng dumalo.

Ang pagdiriwang na ito ay bahagi ng patuloy na pagkilala sa kahalagahan ng kababaihan sa bayan ng Bulan, na may temang "Babae sa Lahat ng Sektor, Angat ang Bukas sa Bagong Pilipinas."

08/05/2025

๐‡๐ž๐š๐๐ฌ ๐ฎ๐ฉ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐–๐จ๐ฆ๐ž๐ง'๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง! ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐ž ๐ญ๐ก๐ž๐ฆ๐ž "๐‘ฉ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ณ๐’‚๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐‘บ๐’†๐’Œ๐’•๐’๐’“, ๐‘จ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’• ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’–๐’Œ๐’‚๐’” ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’”"๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ ๐‚๐š๐ซ๐ž ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐œ๐ก๐ฆ๐š๐ซ๐ค๐ข๐ง๐ (MSWDO โ€“ Bulan, Sorsogon) Bilang bahagi ng patulo...
07/04/2025

๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ฒ ๐‚๐š๐ซ๐ž ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐œ๐ก๐ฆ๐š๐ซ๐ค๐ข๐ง๐ 

(MSWDO โ€“ Bulan, Sorsogon) Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Bulan, Sorsogon na mapabuti ang kalidad ng Day Care Service Program, isinagawa ang isang Benchmarking Activity sa bayan ng Magallanes, Sorsogon, huwebes, Pebrero 20, 2025.

Sa programang ito, pinag-aralan ng mga Child Development Workers (CDWs) ng Bulan ang istruktura, pagpapatakbo, at mga matagumpay na estratehiya ng anim na accredited Day Care Centers sa Magallanes. Ang layunin ng aktibidad ay matutunan ang pinakamahusay na kasanayan sa pangangalaga at edukasyon ng kabataan, pagsasaayos at mapabuti ang pasilidad na may kaangkop rin na kaligtasan para sa mga kabataan, pati na rin makahanap ng mga inobatibong solusyon na maaaring ipatupad sa Bulan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, inaasahang mas mapapabuti ang kalidad ng early childhood education sa bayan ng Bulan. Ang mga natutunang pamamaraan mula sa benchmarking ay magiging gabay sa pagbuo ng mas epektibong programa na magbibigay ng mas maayos at de-kalidad na serbisyo sa mga batang mag-aaral.

๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฎ๐ฉ๐๐š๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐’๐จ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐€๐œ๐ญ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Œ๐’๐–๐ƒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ...
07/04/2025

๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐…๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฎ๐ฉ๐๐š๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐’๐จ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ ๐€๐œ๐ญ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š ๐ง๐  ๐Œ๐’๐–๐ƒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž

(MSWDO โ€“ Bulan, Sorsogon) Isinagawa ang isang Consultation Forum noong Pebrero 19, 2025 sa SB Session Hall upang talakayin ang mga pagbabago sa Expanded Solo Parent Welfare Act (RA 11861). Nilalayon ng forum na bigyang-linaw ang mga bagong probisyon ng batas at tiyakin ang epektibong pagpapatupad nito.

Sa nasabing pagtitipon, tinalakay ang mga benepisyo at suporta na hatid ng pagbabago ng batas para sa solo parents, kabilang ang pinahusay na social assistance at iba pang insentibo. Bukod dito, nakalap din ang mga suhestiyon, pananaw, at hinaing mula sa solo parents, kinatawan ng pamahalaan, at non-government organizations upang matukoy ang mga hamon at oportunidad sa implementasyon ng batas.

Sa pamamagitan ng forum na ito, napagtibay ang pangangailangan ng mas epektibong suporta at mekanismo para sa solo parents. Inaasahang magbubunga ito ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng gobyerno, NGOs, at solo parents upang mapabuti ang kanilang kalagayan at maitaguyod ang kanilang kapakanan.

๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข ๐’๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ (MSWDO, Bulan, Sorsogon) โ€“ MSWDO nagsagawa ng isang pagpupulong kasama ang ibaโ€™...
07/04/2025

๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ข ๐’๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

(MSWDO, Bulan, Sorsogon) โ€“ MSWDO nagsagawa ng isang pagpupulong kasama ang ibaโ€™t ibang sectoral group noong Enero 31, 2025, sa Kubo Kalinga. Kabilang na dito ang Municipal Solo Parents Association, Empowerment and Reaffirmation on Paternal Abilities, Katipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SAPI), FBUSSCAI, Association of Lady Barangay Officials (ALBO), Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Office of Senior Citizen Association (OSCA), Child Development Worker (CDW), Municipal Childrenโ€™s Association (MCA)

Ang isinagawang aktibidad ay nagsilbing plataporma ng sectoral group upang magkaroon ng san masinsinang talakayan patungkol sa mga kanilang mga accomplishment ng bawat organisasyon, mga hamon kanilang nasalubong, paano ang pakikitungo sa kapwa miyembro, mga priorida pasa ngayong taon at kung paano nakatulong ang MSWD office upang makamit ang kani-kanilang layunin.

Nagtapos ang aktibidad sa pagbibigay ng MSWD officer, Adelfa B. Espenocilla ng kaniyang kaalaman, binigyang diin niya ang kahalagan ng pakikipagugnayan sa ibaโ€™t ibang organisasyon upang mas lumalim ang pagsasamahan at komunikasyon ng bawat sectoral groups. Nagbigay din ng suhesyon si Mr. Wilgo A. Godala, PDAO, ng isang aktibidad para sa year-end multi-sectoral meeting na Target Driven Competition Engagement Program kung san mas gaganahan pa ang ibang sectoral groups upang maging mas aktibo sa kanilang mga aktibidad.

๐“๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐ญ๐ก๐ž ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž, ๐๐„๐’๐Ž ๐œ๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐€๐ง๐ญ๐ข ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐‹๐š๐›๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ง ๐š๐ง๐ ๐ ๐ข๐Ÿ๐ญ ๐ ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐š๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ...
04/04/2025

๐“๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐ญ๐ก๐ž ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐ž๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐ฏ๐ข๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐’๐–๐ƒ๐Ž, ๐๐„๐’๐Ž ๐œ๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ฌ ๐€๐ง๐ญ๐ข ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐‹๐š๐›๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ข๐ ๐ง ๐š๐ง๐ ๐ ๐ข๐Ÿ๐ญ ๐ ๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐š๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž๐ž๐ญ ๐œ๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง (๐Š๐ฎ๐›๐จ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š ๐Š๐ข๐๐ฌ)

(MSWDO, BULAN - SORSOGON) On January 24, 2025, last Friday, Public Employment Service Office (PESO) conducts Anti Child Labor Campaign and gift giving activity for street children through the identified individuals of the Municipal Social Welfare and Development office (MSWDO) at SB Session Hall.

The initiative aimed at addressing the plight of street children working at a young age. As part of the Children and Youth Welfare Program, MSWD Officer, Adelfa B Espenocilla, along with Geselle Gliponeo, identified individuals that are part of street children where they conduct series of sessions that promote good manners and right conduct.

PESO Manager, Anilin Diaz, have initiated this activity under the Community Advocacy for Responsible Employment and Security (CARES) program, to prevent child labor activity for young children. She encourages the children to continue their studies and stresses that poverty is no longer a hindrance in going to school.

This initiative highlights the communityโ€™s collaborative effort in addressing child exploitation through labor and ensuring a safe, nurturing, empowering environment and a child-friendly community. It focused on raising awareness about the pressing issue of child labor and promoting the rights and welfare of children.

Address

Half-way Home, New MSWDO Bldg, Aquino
Bulan
4706

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWDO-Bulan Municipal Social Welfare and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share