29/01/2026
‼️ANNOUNCEMENT‼️
Bilang paghahanda para sa pagbubukas ng School Year 2026-2027 ang PADRE DIAZ ELEMENTARY SCHOOL ay magsasagawa ng Early Registration simula January 31, 2026 hanggang February 27, 2026. Inaanyayahan ang mga magulang o guardian na magpatala.
🤔 Sino-sino ang mga dapat magpatala para sa early registration?
: Dapat ipatala sa early registration ang mga mag-aaral na papasok sa Kindergarten, Grades 1,7, at 11 para sa School Year 2026-2027.
🤔 Bakit mahalaga ang early registration?
: Makakatulong ang early registration upang malaman ng mga paralan ang bilang ng mga inaasahang mag-aaral sa darating na pasukan at maplano kung sapat ang kanilang resources.
🤔 Pano magpatala para sa early registration?
: Maaring pumunta ang magulang o gurdian sa paralan upang maipatala sa early registration ang mag-aaral.
: Sagutan at ipasa ang Basıc Education Early Registration Form (Revised as of January 15, 2025) upang makuha ng paralan ang mahahalagang impormasyon ng mag-aaral.
: Para sa iba pang detalye at requirements sa early
registration, makipag-ugnayan lamang sa paralan.
🤔 Saan makakakuha ng kopya ng Basic Education Early Registration Form na gagamitin sa registration?
: Maaaring humingi ang mga magulang o guardian ng kopya ng Basic Education Early Registration Form sa paaralan. Ito ay libre sa lahat ng nais magpatala.
🤔 Mayroon bang cut-off age sa bawat Grade level para sa mga magpapatala?
: Ang incoming KINDERGARTEN learners lamang ang may cutoff age. Alinsunod sa DepEd Order No. 15, s. 2025, ang general rule ay dapat na limang taong gulang ang bata pagsapit ng October 31.
Habang ang mga batang maglilimang taon pa lamang mula November 1 hanggang December 31, ay maaaring tanggapin sa SY 2026-2027, kung Nakakumpleto ngisang taong Early Childhood Development (ECD) program sa rehistradong Learning Center na may katibayan, o Sumailalim sa ECD checklist assessment ng Kindergarten teacher mula enrollment period hanggang sa unang linggo ng school year
🤔 Ano ang mga kailangan?
𝗞𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝗴𝗮𝗿𝘁𝗲𝗻
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• Accomplished Enrollment Form
𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟭
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• Copy Progress Report Card (SF9), ECD Checklist
• Accomplished Enrollment Form
𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗔𝗿𝗮𝗹 / 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗲𝗿𝗲𝗲
• Photocopy ng PSA Birth Certificate
• Report Card (mula sa huling baitang o paaralang pinanggalingan)
• Accomplished Enrollment Form