17/08/2026
17 August 2026 | MOCSIN, UNDAKI, PANARONSONG AT TALIB FAMILIES, NAGKAAYOS SA MAPAYAPANG PAGRESOLBA NG ALITAN
Isang mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan at pagkakaisa ang matagumpay na pag-aayos ng hindi pagkakaunawaan na kinasasangkutan ng Mocsin, Undaki, Panaronsong, at Talib Families.
Sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap, pakikinig sa magkabilang panig, at pagkakasundo, naging posible ang mapayapang pagresolba sa alitan. Ipinakita ng nasabing proseso na sa pamamagitan ng dialogue, respeto, at pag-unawa, maaaring maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan nang hindi na kailangang lumala ang sitwasyon.
Naging bahagi sa proseso ang LGU Buldon, sa pangunguna nina Mayor Pahmia A. Manalao-Masurong at Vice Mayor Abolais Aratuc Manalao, bilang suporta sa mga hakbang na nagtataguyod ng peace and order, pagkakaisa, at maayos na ugnayan sa komunidad.
Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang LGU Buldon sa Iranun Development Council (IDC) at MPOS sa kanilang mahalagang suporta, pakikiisa, at pagtulong sa proseso ng mapayapang settlement.
Ang pagkakasundong ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat alitan ay maaaring maresolba sa mapayapang paraan kung mayroong bukas na komunikasyon, respeto, pag-unawa, at tunay na hangaring magkaayos.