21/05/2026
Nagsagawa ng assessment ang Cooperatives and Social Enterprise Authority–BARMM (CSEA-BARMM) sa pangunguna ni Soraini Dumama, Community Development Officer III, sa Bayan ng Mangudadatu upang matukoy at mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan, partikular na ang mga micro-enterprise owners, ukol sa konsepto ng social enterprise. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan hinggil sa kahalagahan ng social enterprise bilang instrumento sa kabuhayan, pagpapaunlad ng komunidad, at pagsusulong ng inklusibong kaunlaran sa BARMM.
Ang CSEA-BARMM ay pangunahing ahensya ng Bangsamoro Government na nangangasiwa sa pagpapaunlad ng mga kooperatiba at social enterprises sa rehiyon.
Sa kabilang banda, inaanyayahan ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng mga business owners sa ating bayan na magparehistro o mag-renew ng kanilang mga business permits upang maisama at maging kwalipikado sa mga programang pangkabuhayan, pagsasanay, at iba pang benepisyong maaaring ipagkaloob ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya.