24/07/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐โฃ
โฃ
BULUAN, Maguindanao del Sur โ Bilang patuloy na pagsusulong ng inklusibong serbisyo at pangangalaga sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs), nagsanib-puwersa ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) Maguindanao del Sur Field Office at ang Maguindanao del Sur Provincial Government (PLGU) sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week 2026 noong Hulyo 22, 2026 sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol, Buluan.โฃ
โฃ
Sa temang โRights First, Legislation Forward, Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development,โ dinaluhan ang aktibidad ng 100 Persons with Disabilities (PWDs) kasama ang mga kinatawan mula sa Provincial Disability Affairs Offices (PDAO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), PLGU, at Davao Jubilee Foundation. Dumalo rin si Dr. Eman L. Panondi, RSW, MPA, Provincial Social Welfare Officer ng MSSD Maguindanao del Sur at Naima Nur, RSW- Provincial Social Welfare Officer ng Maguindanao Del Sur Provincial Government bilang suporta sa pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga PWD.โฃ
โฃ
Tampok sa programa ang information session tungkol sa mga karapatan ng mga PWD, PWD Talk, at pamamahagi ng ibaโt ibang tulong at assistive devices. Kabilang dito ang 100 foldable mattresses na may kasamang malong at unan, 100 T-shirts, 100 tote bags at hand towels, gayundin ang wheelchairs, walkers, quad canes, at single canes para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Nagkaloob din ang PLGU ng 150 sako ng bigas para sa mga kalahok at mga laruan para sa Inclusive and Supportive Center for Learning (ISC).โฃ
โฃ
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, muling pinagtibay ng MSSD Maguindanao del Sur at ng mga katuwang nitong ahensya ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng pantay na karapatan, inklusibong serbisyo, at mas maraming oportunidad para sa mga taong may kapansanan sa Bangsamoro.