08/08/2026
๐๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐๐๐ง ๐จ๐ฃ๐๐๐ง๐ | ๐๐ฆ๐๐ฃ, ๐ ๐๐ฆ
๐๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ, ๐ง๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป
Sa pagsisimula ng Agosto, muling pinagtibay ang mga hakbang para sa mas ligtas na mga komunidad sa pamamagitan ng Dredging Project sa General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur. Mula Agosto 3โ7, 2026, isinagawa ang dredging at clearing operations sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, katuwang ang Ministry of Public Works-BARMM at DPWH Region XII.
Bahagi ito ng maagap na tugon ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapabuti ang daloy ng tubig, mabawasan ang panganib ng pagbaha, at mapangalagaan ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na lantad sa epekto ng kalamidad.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Municipal Mayor Mielyn D. Ali, higit na napagtitibay ang sama-samang pagkilos para sa kaligtasan at katatagan ng komunidad. Higit pa sa proteksyon laban sa baha, mahalagang bahagi rin ang proyektong ito ng peacebuilding at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, sapagkat ang ligtas na tahanan, protektadong kabuhayan, at maayos na pamayanan ay pundasyon ng pangmatagalang kapayapaan.
Kaakibat nito, sinusuportahan ng inisyatiba ang peacebuilding advocacy nina Vice Governor Hisham Nando at Congressman Esmael Mangudadatu, gayundin ang adbokasiya ng Kamalayan Partylist sa pagtataguyod ng mas maayos, ligtas, at maunlad na komunidad para sa mamamayan at sa pagpapalakas ng kapayapaan. Sa bawat konkretong solusyon at proyektong direktang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, higit na naisasabuhay ang tunay na diwa ng Serbisyong May Puso.