PNP Bulusan Municipal Police Station

Directions Website

PNP Bulusan Municipal Police Station To Serve and Protect

01/10/2026

OPLAN BANDILLO
Bulusan MPS personnel conducted community awareness through bandillo on " Crime Prevention Tips for Robbery/Theft.

01/10/2026

OPLAN BANDILLO
Bulusan MPS personnel conducted community awareness through bandillo on " Crime Prevention Tips for Physical Injury.

01/10/2026

OPLAN BANDILLO
Bulusan MPS personnel conducted community awareness through bandillo on " Crime Prevention Tips for Rape/Sexual Abuse.

01/10/2026

OPLAN BANDILLO
Bulusan MPS personnel conducted community awareness through bandillo on " Crime Prevention Tips for Murder/Homicide.

01/10/2026

Foot Patrol
October 1, 2026
Sa pangunguna ni PCPT EDWIN C JAVAR, Acting Chief of Police, sina PMSg Josam A Mendiola at si PMSg Diana E Tolosa ay nagsagawa ng foot patrol bilang bahagi ng police visibility sa loob ng Area of Responsibility (AOR) ng Bulusan MPS.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang uri ng krimen, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa nasasakupan.
"Sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas:
Serbisyong Mabilis,Tapat at Nararamdaman
"In case of Emergency, call 911"

“Hindi hadlang ang pagiging lalaki upang maging biktima ng seksuwal na karahasan “Huwag hayaang ang takot at hiya ang ma...
01/10/2026

“Hindi hadlang ang pagiging lalaki upang maging biktima ng seksuwal na karahasan “Huwag hayaang ang takot at hiya ang manaig. Magsalita, humingi ng tulong, at ipaglaban ang iyong karapatan.”

Ano ang Masamang Epekto ng Domestic Violence sa mga Bata?Ang domestic violence o karahasan sa tahanan ay hindi lamang na...
01/10/2026

Ano ang Masamang Epekto ng Domestic Violence sa mga Bata?

Ang domestic violence o karahasan sa tahanan ay hindi lamang nakaaapekto sa mag-asawa o mga magulang. Malaki rin ang epekto nito sa mga batang nakararanas o nakasasaksi ng pananakit, pagmumura, pananakot, at iba pang uri ng pang-aabuso sa loob ng kanilang tahanan.

Ang tahanan na dapat sana ay lugar ng pagmamahal, proteksyon, at kapanatagan ay maaaring maging sanhi ng takot, pagkalito, at paghihirap ng isang bata.

1. Epekto sa Emosyonal at Mental na Kalusugan

Nagkakaroon ng matinding takot, lungkot, at pag-aalala.

Nawawalan ng tiwala sa sarili at sa ibang tao.

Nakakaranas ng matinding stress at emosyonal na paghihirap.

Maaaring makaramdam ng pagkakasala sa mga away ng kanilang mga magulang.

Nahihirapang ipahayag ang kanilang nararamdaman.

2. Epekto sa Pag-uugali

Nagiging tahimik, mailap, o palaging natatakot.

Maaaring maging agresibo o madaling magalit.

Nagkakaroon ng problema sa pakikisalamuha sa ibang tao.

Maaaring tularan ang marahas na pag-uugaling nakikita sa tahanan.

Nawawalan ng interes sa mga dating kinagigiliwang gawain.

3. Epekto sa Pag-aaral

Nahihirapang magpokus sa klase.

Bumababa ang interes at motibasyon sa pag-aaral.

Maaaring bumaba ang akademikong pagganap.

Madalas na lumiliban sa klase dahil sa problemang pampamilya.

Nahihirapang makipagkaibigan at makibahagi sa mga gawaing pampaaralan.

4. Epekto sa Pisikal na Kalusugan

Nakakaranas ng pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, at iba pang pisikal na sintomas na maaaring dulot ng matinding stress.

Nagkakaroon ng problema sa pagtulog o bangungot.

Maaaring mapinsala kung direktang nakararanas ng pananakit.

Naaapektuhan ang pangkalahatang kalusugan at kapakanan.

5. Epekto sa Kinabukasan at Pakikipagrelasyon

Maaaring mahirapang magtiwala sa ibang tao.

Posibleng magkaroon ng maling pananaw tungkol sa pagmamahal at relasyon.

Maaaring isipin na normal lamang ang pananakit at pananakot sa loob ng pamilya.

Nahihirapang bumuo ng malusog at mapayapang relasyon habang lumalaki.

OPLAN BATHALA | BULUSAN MPSBilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Oplan BATHALA, bandang alas-10:46 ng umaga ngayon...
01/10/2026

OPLAN BATHALA | BULUSAN MPS

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Oplan BATHALA, bandang alas-10:46 ng umaga ngayong October 1, 2026, ang mga tauhan ng Bulusan Municipal Police Station (Bulusan MPS) ay nagsagawa ng police visibility at nagbigay ng seguridad sa St. James the Greater Parish Church, Brgy. Dapdap, Bulusan, Sorsogon.

Patuloy ang Bulusan MPS sa pagpapaigting ng police visibility at pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bawat lugar ng pagsamba.
Sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

🚨 In case of emergency, call 911.
📞 Bulusan MPS Hotline: 0998-598-6065

Libreng Sakay Program/ Bulusan MPSSetyembre 30, 2026Kaugnay ng dalawang araw na tranport strike/tigil-pasada nagsagawa  ...
01/10/2026

Libreng Sakay Program/ Bulusan MPS
Setyembre 30, 2026

Kaugnay ng dalawang araw na tranport strike/tigil-pasada nagsagawa at muling nagbigay ng malasakit ang Bulusan MPS sa pamamagitan ng Libreng Sakay Program upang matulongan ang mga commuter na makarating nang ligtas at maayos sa kanilang mga destinasyon.

Patuloy ang Bulusan MPS sa pagbibigay ng ligtas, maayos at serbisyo publiko lalo na sa mga panahong higit na nangangailangan ng suporta ang komunidad.

Bulusan MPS Hotline: 09985986065

01/10/2026

Foot Patrol
October 1, 2026
Sa pangunguna ni PCPT EDWIN C JAVAR, Acting Chief of Police, sina PMSg Josam A Mendiola at si PSSg Riodelmar E Tolosa ay nagsagawa ng foot patrol bilang bahagi ng police visibility sa loob ng Area of Responsibility (AOR) ng Bulusan MPS.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang uri ng krimen, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa nasasakupan.
"Sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas:
Serbisyong Mabilis,Tapat at Nararamdaman
"In case of Emergency, call 911"

Address

Bulusan, Sorsogon
Bulusan
4704

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP Bulusan Municipal Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category