12/12/2021
Ikaw ba ay uuwi sa Bulusan?
As of December 2021.
Hindi po kasama dito ang mga
Returning Overseas Filipinos (ROF) o ang mga galing sa ibang bansa dahil iba po ang sinusunod na regulasyon para sa kanila.
Tanong 1:
Uuwi po kami ng Bulusan. Ano na po ang protocols?
Sagot 1:
Kapag fully vaccinated ang uuwi at ang lahat sa kanyang uuwian na bahay ay kailangan lamang ng Vaccination Card o Vaccination Certificate at Certification galing sa Barangay na uuwian na fully vaccinated na ang lahat sa bahay na tutuluyan na edad 12 pataas.
Tanong 2:
Paano po kung fully vaccinated na ang uuwi pero sa uuwian na bahay ay may hindi pa fully vaccinated?
Sagot 2:
Kapag po fully vaccinated na ang uuwi at may hindi fully vaccinated sa uuwian na bahay or vice versa, ay kinakailangan po ng atleast Antigen Negative Result ng uuwi. Ang antigen result ay valid sa loob ng 24 oras. Kapag RT-PCR result naman po ay valid sa loob ng tatlong (3) araw.
Tanong 3:
Dadaan pa po ba sa Triage Facility sa Cabid-an, Sorsogon?
Sagot 3:
Opo, kinakailangan na kayo ay dumaan sa Cabid-an Tri-age facility sapagkat doon po ang assessment ng inyong mga dokumentong dala.
Maraming salamat po.