29/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa ilalim ng patnubay at pangangasiwa ng Panrehiyong Direktor ng BJMPROVIII, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐, ๐๐๐, ๐๐, at sa pamumuno ng Piitang Pandistrito, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐. Ang Burauen District Jail personnel, sa pamamagitan ng Unit Welfare and Development at Unit Operations, ay nagsagawa ng mga office visits at pakikipag-ugnayan sa piling ahensiya ng pamahalaan upang mapadali ang pag-access ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa ibaโt ibang programa, serbisyo, at tulong ng pamahalaan na nakatuon sa kanilang kapakanan, rehabilitasyon, pag-unlad, at paghahanda para sa muling pagbabalik sa komunidad.
Bilang bahagi ng nasabing inisyatibo, nakipag-ugnayan ang mga kinauukulang jail personnel sa Department of Labor and Employment (DOLE) Leyte North Field Office sa Palo, Leyte, TINGOG Center sa Tacloban City, Philippine Statistics Authority (PSA), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Leyte Provincial Office. Layunin ng mga pagbisita na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng Burauen District Jail at ng mga nasabing ahensiya, gayundin upang matukoy ang mga programa at serbisyong maaaring makinabang ang mga kwalipikadong PDL.
Sa isinagawang pakikipag-ugnayan, tinalakay at inalam ng jail personnel ang mga programa, kwalipikasyon, requirements, proseso, at mga serbisyong maaaring ma-avail ng mga PDL, partikular sa larangan ng livelihood at employment opportunities, skills training at development, magsagawa ng National ID registration para sa mga PDL na hindi pa rehistrado sa Philippine Identification System, socia assistance, at iba pang programang makatutulong sa kanilang rehabilitasyon at matagumpay na reintegration sa komunidad.
Ang nasabing gawain ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Burauen District Jail na makahanap ng mga oportunidad at makapagtatag ng matibay na ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa holistic development at kapakanan ng mga PDL. Sa pamamagitan ng maagap na koordinasyon at wastong referral, layunin ng jail unit na mabigyan ang mga kwalipikadong PDL ng pagkakataong makinabang sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan na makatutulong sa kanilang personal na pag-unlad, paghahanda sa kanilang paglaya, at pagiging produktibong miyembro ng lipunan.