DepEd - Aguinaldo J. Santos National High School

Directions Contact the organization

DepEd - Aguinaldo J. Santos National High School This is the official page of Aguinaldo J. Santos National High School formerly Tibagan Nati

Ang mga g**o ng AGUINALDO J. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL ay nagpapasalamat sa aming minamahal na PSDS, Priscilla SM. Nav...
30/09/2026

Ang mga g**o ng AGUINALDO J. SANTOS NATIONAL HIGH SCHOOL ay nagpapasalamat sa aming minamahal na PSDS, Priscilla SM. Navarro, sa inyong patuloy na suporta, malasakit, at pagpapahalaga sa aming mga g**o. Maraming salamat po sa inyong maagang handog para sa Teachers’ Day. Tunay pong nakakaantig ang inyong kabutihan at pagkalinga sa amin. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Diyos at patuloy kayong maging inspirasyon sa aming lahat.
Happy Teachers’ Day po! ❤️🥰

30/09/2026

BATA, PROTEKTADO KA
The Official Learner Rights and Protection Advocacy Song of SDO Bulacan

THIS IS MORE THAN A SONG. THIS IS A CALL TO PROTECT EVERY CHILD.
The Schools Division of Bulacan proudly launches “Bata, Protektado Ka,” the official advocacy song of the Learner Rights and Protection (LRP) Program - a creative and learner-friendly platform that brings to life our collective commitment to learner rights, child protection, positive discipline, and learner well-being.

Through music, we turn advocacy into a message that can be heard, shared, and carried from one classroom to another, from one school to another, and into every community we serve.

Listen. Sing. Share. Advocate. Protect.

For the official guidelines on the dissemination and utilization of the advocacy song, please refer to: DIVISION MEMORANDUM NO. 444, s. 2026 - https://bit.ly/DM_No-444_s-2026

Access the full materials of the song here: https://bit.ly/LRP_BataProtektadoKa

Let us make every school a place where every child knows: “Bata, Protektado Ka!”





Salubungin ang bagong linggo  nang may positibong pananaw at pusong puno ng pananalig. Hilingin natin ang gabay at pagpa...
28/09/2026

Salubungin ang bagong linggo nang may positibong pananaw at pusong puno ng pananalig. Hilingin natin ang gabay at pagpapala sa mga araw na darating. Happy Monday, Ka-DepEd! ❤️✨

Flag Raising Ceremony 09-21-2026
21/09/2026

Flag Raising Ceremony
09-21-2026

Salubungin ang bagong linggo nang may pasasalamat sa bawat biyaya at panalangin para sa patuloy na proteksyon at kaligta...
20/09/2026

Salubungin ang bagong linggo nang may pasasalamat sa bawat biyaya at panalangin para sa patuloy na proteksyon at kaligtasan ng bawat isa.

🏕️⚜️ COUNCIL-WIDE SIMULTANEOUS INSTITUTIONAL ENCAMPMENT 2026 ⚜️🏕️Hamon. Kasanayan. Pakikipagkaibigan. Paglilingkod. 🇵🇭Ma...
14/09/2026

🏕️⚜️ COUNCIL-WIDE SIMULTANEOUS INSTITUTIONAL ENCAMPMENT 2026 ⚜️🏕️

Hamon. Kasanayan. Pakikipagkaibigan. Paglilingkod. 🇵🇭

Matagumpay na nakilahok ang Aguinaldo J. Santos National High School Senior Scouts – Outfit No. 072-073 sa Bulacan Council Simultaneous Institutional Encampment noong Setyembre 11–12, 2026. 🏕️⚜️

Sa loob ng dalawang araw, nahasa ang ating mga Scout sa mahahalagang kasanayan sa kaligtasan, pamumuhay sa kampo, at pagiging handa, kabilang ang:

🚨 Disaster Preparedness – kahandaan at tamang pagtugon sa oras ng sakuna
🩹 Basic First Aid – wastong paunang lunas sa oras ng pangangailangan
🧭 Compass Reading – pag-navigate at pagtukoy ng tamang direksyon
🪢 Knot Tying & Lashing – praktikal na kasanayan sa scouting at kamping
🥾 Trail Signs – pagkilala at paggamit ng mga palatandaan sa trail
⛺ Tent Pitching – wastong pagtatayo at pag-aayos ng tolda
🍳 Outdoor Cooking – pagluluto gamit ang limitadong kagamitan sa outdoor setting

Higit pa sa mga kasanayan, ang bawat aktibidad ay naging pagkakataon upang matutunan ang disiplina, pagtutulungan, pamumuno, pagiging responsable, at tunay na diwa ng Scouting.

Dahil ang isang tunay na Scout ay hindi lamang Laging Handa—siya ay may kakayahan, may tapang, may disiplina, at handang maglingkod sa kapwa at bayan. 🇵🇭⚜️

Mula sa kampo tungo sa tunay na buhay—handa kaming humarap sa anumang hamon! 💪🏕️

AJSNHS Senior Scouts – Outfit No. 072-073
⚜️ Laging Handa! Laging Naglilingkod! 🇵🇭









13/09/2026

🇵🇭 HULING PARANGAL SA WATAWAT NG PILIPINAS 🇵🇭

Bilang pagpapakita ng mataimtim na paggalang sa Pambansang Watawat, isinagawa ng Aguinaldo J. Santos National High School Senior Scouts – Outfit No. 072-073 ang Huling Parangal sa Watawat ng Pilipinas.

Alinsunod sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang watawat ay dapat bigyan ng nararapat na dignidad, paggalang, at seremonyal na pagpapahalaga bilang sagisag ng ating bansa, kalayaan, at pagkakaisa.

Sa maingat na pagbaba ng watawat, ito ay tinatanggap at itinitiklop nang marangal, na nagpapakita ng disiplina at pagmamahal sa bayan. 🇵🇭

Ang seremonyang ito ay higit pa sa isang tradisyon—ito ay paalala sa bawat Scout na ang paggalang sa watawat ay paggalang sa kasaysayan, sa mga bayaning nag-alay ng buhay, at sa sambayanang Pilipino.

Saludo kami sa ating Pambansang Watawat! 🇵🇭⚜️
Laging Handa. Laging Makabayan. Laging Naglilingkod.








LIMANG PAARALAN. ISANG MISYON! PARA SA KALIKASAN💚🌏Bustos District, KUMILOS PARA SA KALIKASAN! 🧹🌱Ngayong Ika 12 ng  Setye...
12/09/2026

LIMANG PAARALAN. ISANG MISYON! PARA SA KALIKASAN💚🌏

Bustos District, KUMILOS PARA SA KALIKASAN! 🧹🌱

Ngayong Ika 12 ng Setyembre 2026, nagkaisa ang limang pampublikong paaralan ng Bustos District para sa International Coastal Clean-Up Drive sa Bustos Dam-Eco Park, Tibagan, Bustos, Bulacan. 🤝🌊

Sa pangunguna ng Aguinaldo J. Santos National High School, kasama ang Alexis G. Santos NHS, Cambaog NHS, Dr. Pablito Mendoza Sr. High School, at Catacte Integrated School, ipinakita natin na ang tunay na diwa ng pagkakaisa tungo sa mas maunlad at malinis na kapaligiran.

Ang sama-samang pagkilos na ito ay patunay na kapag ang bawat isa ay kumilos, mas malaki ang ating magagawa para sa kalikasan. Sa bawat basurang ating pinulot at bawat sulok na ating nilinis, nakapagtatanim tayo ng kamalayan at responsibilidad sa ating mga kabataan at komunidad. 🌏💙

Isang taos-pusong pasasalamat kay Retired Gen. Carlito G. Galvez Jr. sa pagbibigay-pugay at paglalaan ng oras upang maging bahagi at makiisa sa makabuluhang gawaing ito. 🇵🇭👏

Sama-sama para sa malinis na kapaligiran. Sama-sama para sa mas ligtas at mas magandang kinabukasan! 🌊💚





Mabuhay ang Scouting! Laging Handa sa paglilingkod! ⚜️

INSET 2026SEPTEMBER 11, 2026DAY 2The second day of "INSET 2026: Strengthening Professional Growth Through Learning and D...
12/09/2026

INSET 2026
SEPTEMBER 11, 2026
DAY 2

The second day of "INSET 2026: Strengthening Professional Growth Through Learning and Development" successfully concluded with meaningful discussions and collaborative learning experiences. Teachers participated in sessions on Technology Integration in Teaching and Learning, Socio-Emotional Learning in Classroom Instruction, and Managing Inclusive and Positive Learning Environments. The day also featured departmental Learning Action Cell sessions, providing opportunities for reflection, sharing of best practices, and action planning.

As educators continue to enhance their knowledge and skills, they reaffirm their commitment to delivering quality, inclusive, and learner-centered education for every student.

INSET 2026DAY 1SEPTEMBER 10, 2026Aguinaldo J. Santos National High School successfully conducted its In-Service Training...
12/09/2026

INSET 2026
DAY 1
SEPTEMBER 10, 2026

Aguinaldo J. Santos National High School successfully conducted its In-Service Training for Teachers (INSET). With the theme: “Strengthening Professional Growth Through Learning and Development”, the activity aimed to strengthen the professional competencies of teachers through relevant trainings, collaborative learning opportunities, and discussions on current educational initiatives and best practices. This program was designed to equip teachers with updated pedagogical strategies, reflective practices, and inclusive approaches that align with DepEd’s continuous commitment to quality education and teacher development.
Despite the change in modality, participants actively attended the online sessions and demonstrated commitment to professional growth and continuous learning. The virtual platform enabled the smooth delivery of presentations, discussions, and collaborative activities while ensuring uninterrupted implementation of the program.

Address

Tibagan
Bustos
3007

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd - Aguinaldo J. Santos National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd - Aguinaldo J. Santos National High School:

Shortcuts

Share