28/08/2026
: Tatlong taon mula nang magsimula ang implementasyon ng SAAD Phase 2 sa probinsya ng Agusan del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands, marami ng positibong pagbabago ang nangyari sa buhay ng mga magsasaka sa rehiyon ng Caraga.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga ito upang hubugin ang kanilang mga sarili sa teknikal na kaalaman sa pagsasaka, pagpapatakbo ng isang organisasyon, at pamamaraan sa pagbebenta upang mapamahalaan nila ng mabuti ang kanilang mga Community-Based Enterprises.
Mula sa suporta at gabay ng programa sa pamamagitan ng social preparation, food production and livelihood interventions, at market-related activities, napagtibay ng bawat grupo at ng mga kasapi nito ang mga importanteng katangian ng isang Agripreneur.
Sa kasalukuyan, bumubuo na ng partnerships sa pampubliko at pribadong sektor ang mga grupo sa tulong ng kanilang Area Coordinators, upang sila ay matulungan sa marketing, project expansion, at technical support upang lalong mapayabong ang kanilang mga negosyong pang-agrikultura.
Isang katibayan na ang DA-SAAD Program ay tunay na kaagapay tungo sa kaunlaran.