Municipal Operations Office - Caba, La Union

Municipal Operations Office - Caba, La Union Social Welfare and Development Services and Programs from the Municipality of Caba, L.U.

07/07/2026
22/05/2026

| Record-High 4Ps LEPT Topnotchers sa Region 1, Bunga ng Patuloy na Suporta sa Edukasyon

Pinatunayan ng pitong (7) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa Region 1 na ang pamumuhunan ng Programa sa edukasyon ay may konkretong resulta. Ito ay mas lalong pinatotohanan matapos makapagtala ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) ng pinakamaraming bilang ng 4Ps topnotchers sa isang Licensure Examination mula sa resulta ng March 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) Elementary at Secondary Level.

Sa pinakahuling resulta, malinaw na makikita ang ambag ng mga dating 4Ps beneficiaries sa hanay ng mga topnotchers. Sa kabuoang 72 4Ps topnotchers sa iba’t ibang rehiyon, pito ay mula sa Region 1 na lahat ay tubong Pangasinan.

Sa Elementary Level, Top 3 si Chester Paul Zius O. Padilla mula Arwas, Bani na may markang 94.40%. Si Jemby M. Magpali ng San Joaquin, Balungao naman ay pumasok na Top 8 sa kanyang 93.20%. Sa Secondary Level, angat ang galing ng 4Ps dahil tatlong 4Ps beneficiaries ang Top 6 na may parehong markang 94.00% -- sina Jomare S. Repalda mula Buer, Aguilar, Angelo O. Vino mula Agno, Tayug, at Jessebel U. Caagusan mula Binabalian, Bolinao. Dagdag pa rito, nakuha ni Nora B. Palacielo mula Calzada, Mabini ang Top 9 sa markang 93.40% at Top 10 naman si Francis Kim R. Penuliar mula Bolo, Labrador na may 93.20%.

Hindi ito isang biglaang tagumpay. Mula sa kauna-unahang 4Ps topnotcher sa Region 1 noong 2017, nasundan ito ng tuluy-tuloy na pagdami: isa (1) noong 2022, walo (8) noong 2023, dalawa (2) noong 2024, siyam (9) noong 2025, at ngayong taon, sampu (10) na ang naitalang topnotchers sa unang semestre pa lamang. Sa kabuoan, umabot na sa 31 ang bilang ng 4Ps beneficiaries sa Region 1 na naging topnotchers sa iba’t ibang propesyon. Ito ay isang malinaw na indikasyon na unti-unti nang naisasakatuparan ang layunin ng Programa sa pamamagitan ng human capital investment sa bawat pamilyang nasa laylayan.

BNasahin ang buong detalye sa: https://fo1.dswd.gov.ph/2026/05/record-high-4ps-lept-topnotchers-sa-region-1-bunga-ng-patuloy-na-suporta-sa-edukasyon/

18/05/2026

| Nakatanggap ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region ng isang liham mula sa isang Pinoy National Teacher sa United States of America. πŸ‡΅πŸ‡­βž‘οΈπŸ‡ΊπŸ‡Έ

Siya ay si Genesis Veronia Rapada mula Brgy. Namatican, Sta. Lucia, Ilocos Sur. ✨

Sa gitna ng mga puna at ingay kontra sa 4Ps at sa mga benepisyaryo nito, may mga kwento ng tagumpay na patuloy na umuusbong. πŸ’›πŸ’™β€οΈ

Basahin ang kanyang liham πŸ‘‡




Department of Social Welfare and Development - DSWD
Pantawid Pamilyang Pilipino Program

12/05/2026
30/04/2026

"Hindi lang tulong-pinansyal, kundi tulong-pangkatauhan."

Sa bayan ng Caba, La Union, kung saan ang mga ubasan ay simbolo ng kasipagan, ang Pamilya Caralipio ay patunay na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa tamang pananaw sa buhay. Bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), itinuring nila ang tulong ng pamahalaan bilang gabay tungo sa mas maayos na kinabukasan.

Hindi nila itinuring na hangganan ang pagtanggap ng grants, sa halip, ginamit nila itong pundasyon para lalong magsumikap sa sariling kabuhayan. Ang pamilya ay aktibong nakikibahagi bilang tour guide sa grape picking sa kanilang komunidad, habang ang kanilang mga anak naman ay maagang namulat sa diskarte sa pamamagitan ng pagtitinda ng guapple sa paaralan. Para sa kanila, ang bawat kita mula sa sariling sipag ay mahalagang dagdag sa tulong ng DSWD.

Para sa Pamilya Caralipio, ang 4Ps ay isang pamumuhunan sa kinabukasan. Kapag ang bata ay nabigyan ng sapat na edukasyon at kalusugan, hindi lamang ang pamilya ang umaangat kundi pati ang komunidad.

Sila ang Huwarang Pantawid Pamilya 2025 3rd Runner-up, isang pamilyang may sipag, diskarte, at pangarap. πŸ†

❀️

"4𝑷𝒔 π‘¬π’π’†π’“π’ˆπ’š π‘¬π’Žπ’‘π’π’˜π’†π’“π’Žπ’†π’π’• π‘­π’π’“π’–π’Ž: π‘·π’π’˜π’†π’“ π‘«π’π’˜π’, 𝑺𝒂𝒗𝒆 𝑼𝒑!"An intervention and convergence initiative of the Local Government U...
24/04/2026

"4𝑷𝒔 π‘¬π’π’†π’“π’ˆπ’š π‘¬π’Žπ’‘π’π’˜π’†π’“π’Žπ’†π’π’• π‘­π’π’“π’–π’Ž: π‘·π’π’˜π’†π’“ π‘«π’π’˜π’, 𝑺𝒂𝒗𝒆 𝑼𝒑!"

An intervention and convergence initiative of the Local Government Unit and 4Ps Municipal Operations Office of Caba, La Union, to the sudden surge in oil prices, often caused by supply shortages. This initiative, in partnership with the La Union Electric Cooperative, Inc. (LUELCO), brought together the 4Ps beneficiaries of Brgy. Poblacion Sur, Las-Ud, and Santiago Norte on April 16, 2026, at Diego Silang Plaza, Caba, La Union. The objective of this activity is to reduce environmental impact, enhance energy security, and lower energy consumption that directly results in lower utility bills for households and reduced operational costs for personal and business consumption.

Giving our 4Ps beneficiaries the necessary knowledge to adapt to the current global crisis was a successful endeavor. Mr. Ramir M. Aduan, Consumer Welfare & Development Officer, discussed the "4Ps LifelineRate," while Mr. McGlenn A. Abraham, OIC-Collection Supervisor, spoke about "KuryenTIPID Tips" during the session. Dir. Jovencio B. Pataueg, Director, District 2, LUELCO, and Ms. Rhonda C. Osian, OIC-Branch Manager, Aringay Branch Office, facilitated an open forum to foster transparent, interactive communication and to address questions.

This activity was made feasible through the steadfast support of our local efforts headed by Mayor Genefer G. Bulao- Madriaga and Ma’am Crispina G. Hombrebueno, MSWDO.



02/03/2026
26/02/2026
Mula sa Municipal Operations Office (MOO), isang pagbati ng Maligayang kaarawan sa nag-iisang ina ng Municipality of Cab...
16/02/2026

Mula sa Municipal Operations Office (MOO), isang pagbati ng Maligayang kaarawan sa nag-iisang ina ng Municipality of Caba, La Union Mayor Genefer G. Bulao-Madriaga!

Maraming salamat sa iyong patuloy na dedikasyon at buong pusong suporta sa adhikain ng 4Ps sa ating mga CABAbayan! πŸ’š

Address

Caba
2502

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Operations Office - Caba, La Union posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share