13/07/2026
π’ BARANGAY POBLACION NORTE PUBLIC ADVISORY
ππππππ ππ‘, πππ¦ππ£πππ‘π, ππ§ π£πππ¦π¨π‘π’π π¦π πππ§ππ¦!
Mga ka-barangay, ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ay mahigpit na nagpapatupad ng iba't ibang Provincial Ordinances upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayan.
Ang sinumang lalabag sa alinman sa mga umiiral na ordinansa ay maaaring mabigyan ng Provincial Ordinance Violation Receipt (POVR) at kinakailangang magbayad ng kaukulang multa sa loob ng itinakdang panahon.
Hinihikayat ang lahat na maging responsableng mamamayan at sumunod sa mga batas at ordinansa para sa isang mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na komunidad.
Ang pagsunod sa batas ay tungkulin ng bawat isa. Sama-sama nating pangalagaan ang ating barangay at ang buong Lalawigan ng La Union.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.