27/08/2026
ππ ππππππ | πππππππ πππ ππππππ πππππππ | ππππ ππππ πππππππππππ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 35th BJMP Anniversary, matagumpay na isinagawa ng Cabagan District Jail ang Medical and Dental Mission noong ika-26 ng Agosto 2026, na may temang βDisiplina at Responsibilidad sa Serbisyong may Kredibilidad.β
Sa pangunguna ni JSSUPT JULIET M. MIRANDA, TLPE, Pangalawang Pangrehiyong Direktor para sa Pangangasiwa, BJMP Regional Office 2, at sa pamumuno ni JINSP JANE T. DALUPANG, Acting Jail Warden ng Cabagan District Jail, katuwang ang mga kawani ng piitang ito, mga piling kawani ng BJMP Regional Office 2, at mga health professionals mula sa Milagros District Hospital (MDH) at Rural Health Unit (RHU), matagumpay na naihatid ang mga serbisyong medikal at dental para sa mga Taong Pansamantalang Pinagkaitan ng Kalayaan (TPK).
Kabilang sa mga naging katuwang sa naturang aktibidad sina SJO3 Mark Dominic Albano, Panrehiyong Dentista; mga piling kawani ng BJMP Regional Office 2; Dr. Sherylyne C. Tabije at Dr. Rosejane M. Magauay mula sa MDH; at iba pang tauhan ng RHU.
Sa kabuuan, 30 TPK ang nakinabang sa serbisyong medikal, habang 18 TPK naman ang nabigyan ng serbisyong dental. Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BJMP na mapangalagaan ang kalusugan, kapakanan, at dignidad ng mga TPK habang nasa kustodiya ng pamahalaan.
Kasabay ng Medical and Dental Mission, nagsagawa rin si Jestoni Valoria mula sa RHU ng isang health awareness discussion hinggil sa Tuberculosis (TB), na tumalakay sa mga sanhi, sintomas, at wastong paraan ng pag-iwas sa sakit. Layunin ng talakayan na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga TPK hinggil sa pangangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa mga nakahahawang sakit.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinasabuhay ng Cabagan District Jail ang diwa ng serbisyong may malasakit, disiplina, responsibilidad, at kredibilidad, tungo sa ligtas, malusog, at makataong pangangalaga sa mga Taong Pansamantalang Pinagkaitan ng Kalayaan (TPK).