Bible study's

Bible study's Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bible study's, Notary public, LICAB NUEVA ECIJA, Cabanatuan City.

15/10/2022

Part2
Ginawa ng Diyos ang Unang Lalaki at Babae

Gumawa si Jehova ng isang hardin sa lugar na tinatawag na Eden. Napakaraming bulaklak, puno, at mga hayop sa harding iyon. Pagkatapos, ginawa ng Diyos ang unang lalaki, si Adan, mula sa alikabok at hinipan niya ang mga butas ng ilong nito. Alam mo ba kung ano ang nangyari? Naging buháy na tao ang lalaki! Ibinigay ni Jehova kay Adan ang trabahong alagaan ang hardin at bigyan ng pangalan ang lahat ng hayop.Si Jehova ay nagbigay ng mahalagang utos kay Adan: ‘Puwede kang kumain ng bunga mula sa lahat ng puno, pero may isang espesyal na puno na hindi puwede. Kapag kinain mo ang bunga ng punong iyon, mamamatay ka.’’Tapos sinabi ni Jehova: ‘Gagawa ako ng isang katulong para kay Adan.’ Pinatulog niya nang mahimbing si Adan. Pagkatapos, ginamit ng Diyos ang isang tadyang ni Adan para gumawa ng isang babae na magiging asawa ni Adan. Ang pangalan ng babae ay Eva. Sina Adan at Eva ang pinakaunang pamilya. Ano ang naramdaman ni Adan nang makita niya ang kaniyang asawa? Masayang-masaya siya. Sinabi ni Adan: ‘Aba, ang ganda naman ng ginawa ni Jehova! Isang kagaya ko!’Inutusan ni Jehova sina Adan at Eva na magkaanak para dumami ang tao sa lupa. Gusto niyang mag-enjoy sila sa pagtatrabaho para gawing paraiso, o magandang halamanan, ang buong lupa na gaya ng hardin ng Eden. Pero hindi ito nangyari. Bakit kaya? Malalaman natin iyan sa susunod na kabanata

15/10/2022

PART 1

GINAWA NG DIYOS ANG LANGIT AT LUPA

Ang Diyos na Jehova ang Maylalang. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay, mga nakikita at di-nakikita. Bago niya gawin ang mga bagay na nakikita, gumawa muna siya ng napakaraming anghel. Alam mo ba kung ano ang mga anghel? Sila ay katulad ni Jehova. Hindi natin sila nakikita, gaya ng Diyos na hindi natin nakikita. Ang unang anghel na ginawa ni Jehova ang naging katulong niya. Tumulong ang anghel na iyon nang gawin ni Jehova ang mga bituin, planeta, at lahat ng iba pang bagay. Ang isa sa mga planetang iyon ay ang magandang tirahan natin, ang lupa.Pagkatapos, inihanda ni Jehova ang lupa para maging tirahan ng mga hayop at ng mga tao. Pinasikat niya sa lupa ang liwanag ng araw. Gumawa siya ng mga bundok, dagat, at mga ilog.Ano ang sumunod na nangyari? Sinabi ni Jehova: ‘Magpapatubo ako ng mga damo at halaman at mga puno.’ Nagsimulang tumubo ang maraming iba’t ibang klase ng gulay, prutas, at mga bulaklak. Pagkatapos, gumawa si Jehova ng mga hayop—may lumilipad, lumalangoy, at gumagapang. Gumawa siya ng maliliit na hayop, gaya ng rabbit; at ng malalaki, gaya ng elepante. Ano ang paborito mong hayop?Pagkatapos, sinabi ni Jehova sa unang anghel: ‘Gumawa tayo ng tao.’ Ang mga tao ay iba sa mga hayop. Ang mga tao ay marunong mag-imbento ng sari-saring bagay. Marunong silang magsalita, tumawa, at manalangin. Aalagaan nila ang lupa pati na ang mga hayop. Kilala mo ba ang unang tao? Alamin natin.

Address

LICAB NUEVA ECIJA
Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bible study's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category