Nueva Ecija Provincial Office BFP R3

Nueva Ecija Provincial Office BFP R3 Office of the Provincial Fire Marshal Nueva Ecija BFP R3

04/09/2026
“Isang lingkod, isang bayani, isang alaala na kailanman ay hindi maglalaho.”🫡
04/09/2026

“Isang lingkod, isang bayani, isang alaala na kailanman ay hindi maglalaho.”🫡

“Isang lingkod, isang bayani, isang alaala na kailanman ay hindi maglalaho.”

Sa huling pagkakataon, buong puso nating binibigyang-pugay si SFO3 John Caezar C. Barlaan, isang masigasig na lingkod, kasamahan, at tunay na bayani na nag-alay ng kanyang panahon, tapang, at serbisyo para sa kapwa.

Ang kanyang pagpanaw ay isang masakit na pamamaalam, ngunit ang kanyang katapangan, kabutihan, dedikasyon, at mga alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat taong kanyang napagsilbihan at nakasama.

Sa bawat hakbang ng prusisyon, bawat pagsaludo, at bawat luha, ipinapakita natin ang aming paggalang, pasasalamat, at pagmamahal sa isang buhay na inialay sa paglilingkod.

Rest easy, Sir Barly. 🫡🖤
Your duty may have ended, but your legacy will forever remain.

Huling Pagpupugay kay SFO3 John Caezar C. Barlaan.
Mabuhay ang iyong alaala. Hindi ka namin malilimutan.






03/09/2026
03/09/2026
02/09/2026
Nakibahagi ang Bureau of Fire Protection Nueva Ecija sa paggunita ng ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, ...
02/09/2026

Nakibahagi ang Bureau of Fire Protection Nueva Ecija sa paggunita ng ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija, na ginanap sa Nueva Ecija Coliseum, Palayan City, Nueva Ecija.

Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang sina FSUPT JOSIE G LISING, Acting Provincial Fire Marshal, FINSP ANNALYN D BADUGAS, Caretaker ng Palayan City Fire Station at mga OPFM Staff.

Pinangunahan ang programa nina Hon. Hans Leo J. Cacdac, Secretary ng Department of Migrant Workers, Atty. Bernard P. Olalia, Department of Migrant Workers Undersecretary, Nueva Ecija Governor Aurelio Oyie Matias Umali at Vice Governor Gil Raymond Matias Umali. Dinaluhan din ang nasabing pagdiriwang ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang National Government Agencies, Provincial Government of Nueva Ecija, Non-Government Agencies, Non-Government Organizations, gayundin ng mga Local Chief Executives mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.

Bilang bahagi ng programa, itinanghal ng mga piling estudyante mula sa Central Luzon State University, Folkloric Group ng Nueva Ecija University of Science and Technology, at iba pang mga grupo ang makasaysayang Unang Sigaw ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng isang makabuluhang pagtatanghal na nagsilbing pagpapaalala sa mahalagang papel ng lalawigan sa kasaysayan at pakikibaka para sa kalayaan.


Address

2nd Street Kapitan Pepe Subdivision
Cabanatuan City
3100

Telephone

+639437003134

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nueva Ecija Provincial Office BFP R3 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Nueva Ecija Provincial Office BFP R3:

Shortcuts

Share