28/07/2026
ISANG MATAGUMPAY NA PAGSISIKAP: PAGSULONG NG LUNGSOD NG CABANATUAN LABAN SA HUMAN TRAFFICKING
Matagumpay na naisagawa noong ika-25 ng Hulyo 2026 ang "Takbo Laban sa Human Trafficking," bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Day Against Human Trafficking 2026.
Ang naturang inisyatibo ay pinangunahan ng City Government of Cabanatuan at City Social Welfare and Development Office, sa pamamagitan ng Cabanatuan City Council for the Welfare and Protection of Children (CCCWPC) at ng Local Committee Against Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), sa pakikipagtulungan ng Philippines Against Child Trafficking (PACT).
Ang tagumpay ng gawaing ito ay nagpapatibay sa kolektibong layunin ng Pamahalaang Lungsod na protektahan ang karapatan, kapakanan, at dignidad ng bawat mamamayanโlalo na ang mga kababaihan at kabataanโlaban sa anumang anyo ng human trafficking at eksploytasyon.
PAGKILALA AT PAGPAPASALAMAT SA MGA MITHIING KABALIKAT AT SPONSORS
Taus-pusong pinapasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ang mga sumusunod na organisasyon at katuwang sa pribadong sektor para sa kanilang mahalagang kontribusyon at suporta sa tagumpay ng kaganapang ito:
- KenRun Events Management
- Nueva Ecija Runners
- Youth Against Child Trafficking
- Philippines Against Child Trafficking โ Cabanatuan City Chapter
- Tronix
- Hotel SOGO
- Crystal Clear
- NE Bakeshop
Ang inyong patuloy na pakikiisa ay nagpapatunay ng lakas ng pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor tungo sa isang mas ligtas at maunlad na pamayanan.
๐ธ Run.Zion