16/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
15 October 2026
Batid ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang mga alalahanin tungkol sa operasyon ng mga ride-hailing applications at mga tricycles sa Lungsod ng Cabanatuan.
Sa ngayon, ang tanging nakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ay ang Grab Tricycle. Kasama sa napag-usapan ay ang kasunduan na ang iha-hire ay ang mga lehitimong taga-Cabanatuan upang maproteksyunan ang mga pasahero at maging ang mga lehitimong mga Tricycle Drivers ng ating lungsod. Sa katunayan, nagpunta ang sampung pangulo ng TODA sa Zamboanga upang alamin ang sistema ng Grab Tricycle doon at naging positibo ang kanilang reaksyon ukol dito.
Sa kasalukuyan, wala nang iba pang ride-hailing Apps na nakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan.
Mula sa pagsisiyasat ng Public Transport Regulation Division at CBLIPO ng LGU Cabanatuan, ang pagrerehistro sa ride-hailing apps tulad ng Maxim App ay sa pamamagitan lamang ng isang link na ang tanging requirements ay valid ID at driver's license. Napag-alaman din na wala pang business permit at physical office ang Maxim dito sa Cabanatuan, dahil dito walang anumang verification process sa pagkakakilanlan ng mga nagrerehistro at wala ring opisina kung saan pwedeng dumulog ang mga mananakay at drivers para sa kanilang concerns.
Nakipag-ugnayan na din ang Pamahalaang Lungsod sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang hingin ang kanilang gabay sa regulasyon ng mga ride-hailing applications.
Naaprubahan sa Sangguniang Panglungsod ng Cabanatuan ang ordinansa para sa bagong fare matrix noong April 14, 2026, at ito ay inaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan noong August 18, 2026. Matapos nito ay dumaan sa public bidding ang mga ipinagawang stickers ng bagong fare matrix at ilulunsad ito simula Lunes, Oktubre, 19, 2026.
Ang Pamahalaang Lungsod ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng mga commuter, pasahero, at motorista sa Lungsod ng Cabanatuan.
Kung may nais iparating na suhestiyon, reklamo, o ulat kaugnay ng serbisyo ng mga traysikel, maaaring tumawag o mag-text sa 0998-500-2726.
Para sa mga reklamo gaya ng paniningil ng labis na pamasahe o paglabag sa itinakdang tricycle coding, hinihikayat ang publiko na ibigay ang mahahalagang detalye, tulad ng plate number, petsa at oras ng insidente, lugar, at iba pang impormasyong makatutulong sa beripikasyon at pormal na pag-aksyon sa reklamo.